Chapter 22

16.1K 434 29
                                    

CHAPTER 22

Just let me protect you, Aubrey. I'll always be here for you

Just let me protect you, Aubrey. I'll always be her for you

Just let me protect you, Aubrey. I'll always be here for you


Paulit-ulit yang nakarewind sa utak ko kahit kahapon nya pa sinabi yon. Gago pala sya eh! Wag na wag nya akong pagtritripan. Baka gusto nyang mabasag yang maamo nyang mukha. Tssss


"Brey? Nakikinig ka ba sa chika ko? Kanina pa ako dada ng dada dito tas ikaw nasa Mars na pala." nabalik naman ako sa realidad nung marinig ko boses ni Mia. Kasalukuyan kaming nasa classroom ngayon. Di ko pa rin nakwekwento sa kanya yung tungkol sa sinabi ni Dean kahapon.


"Sorry naman. Ang dami kayang assignments, di ka manlang nagwoworry" pagpapalusot ko. Tinignan nya lang ako ng para bang di makapaniwala. "Kelan ka pa nagkaroon ng pake sa assignments?!" ganun ba ko ka pabaya sa school works?


"Anyways, kakausapin ka daw ni Paul mamaya. Punta ka nalang daw sa Garden." ako lang ba toh? Oh talagang masaya yung pag bangit ng nya sa pangalan ni Paul? Sheesh. "Tungkol san daw?" tanong ko kay Mia. As far as I remember wala naman akong ginawang kalokohan. Except kahapon, pero di ko kasalanan yon psh!


"Di nya nasabi kung tungkol san eh. Hello? Kaya nga pupunta ka para alamin diba?" kunsabagay. "So anyways, about sa chika ko. Nagulat ako nung na nominate ka para sa title na Campus Queen, wala namang—" tama ba dinig ko? Campus Queen?! Ako?! Seriously? Kelan yan?


"Buti di ako nanalo" bored na sabi ko kahit wala akong idea sa mga pinagsasabi ni Mia. "Pwede patapusin mo muna ako?!" reklamo ni Mia. I wave my hand as a sign to 'Go on, continue talking' 


"Tungkol nga sa sinabi ko kanina, wala namang nagnominate pa ng iba na lalaban pa sayo. Ewan ko lang sa other sections kaya wala ng choice at ikaw representative ng Class-A" literal na napanganga ako sa sinabi nya.


"Wala naman ako dito kahapon ah. Pano nangyare yun?!" inis na sabi ko.Nakikipag-sapakan pa ako sa likod ng building tas nanominate na pala ako sa lecheng contest na toh. "Wala namang nagsabi na hindi pwede i-nominate ang wala sa room kahapon eh. Tsaka okay lang yan brey, sigurado akong ikaw ang mananalo" tas nilabas nya ang isang kamay na nakaform ng 'number 1' at tinapat sa mukha ko


"Ayokong sumali" bored na sabi ko ulit. Huhuntingin ko kung sino man nag-nominate saken. Dumadagdag lang sya sa mga problema ko. "Hindi ka na pwedeng magback-out kase pinost na sa bulletin board yung mga contestants sa contest" asar.


"Pupuntahan ko na si Paul" sabi ko nalang sabay tayo. "Sige, bye brey. Chika mo saken topic nyo ah" rinig ko pang sabi ni Mia habang palabas na ako ng classroom.


Badtrip. Wala pa naman akong experience sa ganong mga contest contest asar. Indianin ko nalang kaya? Tutal, wala naman talaga akong hilig sa ganon. Nakarating na ako sa garden at nakita ko naman agad si Paul. Naramdaman nya rin ata presence ko kaya napalingon na din sya. Nginitian nya lang ako. Minsan lang toh ngumiti kaya alam kong may kailangan toh.


Nasabi ko na bang ang cute nya? Kahit medyo brutal to' minsan saken, cute pa rin eh.


"Wag mokong ngitian at wala akong goodvibes sa katawan ko ngayon. Anong paguusapan naten?" dineretso ko na sya ng tanong. "Congrats at ikaw ang representative ng class A" langya yun lang? Edi sana di na ako nagpunta. Edi wow!


"Deretsuhin mo'ko Paul" nakapokerface na sabi ko. Bigla nyang nilabas ang isang rose na pink. Alam ko na toh eh tsss.


"Kanino ko to ibibigay? Bilis at marami pa akong gagawin" sabi na nagpapatulong toh eh. Pero nanatiling blanko ang mukha nya at saglit na nagkaroon ng katahimikan.


"Paul? Are you deaf? Ang sabi ko, kanino ko ibibig—"


"I like you, Aubrey" napanganga ako ng konti sa mga sinabi nya. Ano ba tong nangyayare sa paligid ko? Kahapon si Dean, tas ngayon si Paul?! Napahilot ako sa ulo ko. Mabibiyak ata ulo ko sa stress. 

"Wag nyo nga akong' pagtripan, pag ako nabanas di ko kayo papalakarin sa corridors naten ng walang pasa at black eye. Tandaan nyo yan" tumalikod na ako at nag start ng maglakad palayo sa kanya. Nangiinis ba sila? "Di ako nagbibiro, I'll prove it to you!" rinig ko pang sigaw nya sa likod. Kelan pa sya naging ganto ka open? Di ko nalang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.


Naglakad na ako pabalik sa classroom. Yung mga nakakasalubong ko palang sana agad namang tumatabi para di kami magkasalubong. Di naman ako nangangain ng tao ah


Grabe, ayan nanaman yang aura nya na nakakatakot –Girl 1

Nakakalurkey talaga yang black aura nya. Hayst –Gay 1

Baka nagka-LQ sila ni Kuya President. Ohemgeee ang cute nila hihi –Girl 2

Nag-away na nga cute pa. Ano ka ba girl! –Gay 2


Bat napasok si Axel sa usapan? Palibhasa famous kasi president. Edi wow!


Psh kasalanan din to ng mga lalakeng yon. Di ko nalang pinansin ang mga chismis na naririnig ko sa tabi at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nang makarating na ako sa room nakita ko si Mia na naka-headset lang habang yung ibang classmates naman namen nagtatakbuhan na parang ewan.

Parang ang lalim ng iniisip ni Mia kaya siguro di nya ako napansing pumasok sa room. Umupo ako sa tabi nya kaya napalingon sya saken sabay tanggal ng earphones sa tenga. "Oh brey? Bat napabalik ka agad?" tanong nya.


"Ayokong magstay ng matagal dun. Masusufocate lang ako sa stress" bored na sagot ko sa kanya. "Bakit? Ano bang sinabi ni Paul?"


"Nonsense lang naman yung sinabi nung mokong na yun" pero imbis na tumigil si Mia mas lalo atang nacurios. "Ano nga?" pangungulit nya. "He confessed" walang ka gana-ganang sabi ko.


"Na?" excited na tanong nya ulit.


Tinignan ko sya ng deretso sa mata "He likes me"


Bigla namang nagbago yung expression sa mukha ni Mia at biglang napatahimik. I waved my hand in front of her kasi parang natulala saglit. "Mi, ya okay?" tanong ko kaya agad naman syang napabalik sa realidad. "Uhm yeah. Hey brey, mag-ccr lang ako ah hehe" yun lang sabay alis sa tabi ko.


Eh? Problema nun?

Assassination of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon