Chapter 5

21.3K 568 6
                                    

CHAPTER 5

Nung natapos na kami kumain ni Mia. Bumalik na kami sa, sa classroom. Ayun lesson lang ng lesson. Activities lang ng activities. Di ko feel mag-aral ngayong araw. Grabe Brey! Kelan ka pa tinamad? Inantay ko maghapon na matapos ang klase. And Tada! Dismissed na kami.


"Mia, una na ko ha. May gagawin pa ako" pagpapaalam ko kay Mia. Tumango lang sya sabay ngiti. Magststart na ako maghanap. Walang mangyayare kung tutunganga lang kami parehas. Pababa na ako ng hagdanan ng napatigil ako. San ako maghahanap? Wala pa akong nadidiscover? Bigla akong napaupo ako sa gilid hagdanan. Hinayaan ko lang na dumaan ang mga estudyante. Lumipas ang ilang minutes na pagiisip, wala ng estudyanteng nadaan. Asar! Pano ba toh?

"Well well well. Look who's here. It's the fearless girl from Class-A" bigla akong napalingon sa nagsalita. Nakasandal sya sa pader malapit saken.

"Who are you?" tanong ko sa kanya. "You really have no idea who you're talkin' to huh?" sabi nya pa.

"Kaya nga tinatanong ko kung sino ka diba? Bopols din" binulong ko yung huling sentence.

"Come with me. At ipapakilala ko sayo kung sino kinakausap mo" sabay ngiti. Di naman sya mukhang adik. Tsaka may baril parin naman ako sa hita. Tumango nalang ako total wala pa rin naman akong mahahanap.

Naglakad kami palabas ng B-3.

"I'm Dean Averin" pagpapakilala nya. "Ahh okay" sabi ko nalang. Napatawa naman sya, may sira ba sya sa ulo?

"Di ka manlang ba magpapakilala?" napaisip naman ako kung tama ban a magpakilala ako. Teacher ko nga alam pangalan ko eh, ayos lang siguro. "I'm Aubrey" yun lang sinabi ko. Di ko na kailangan sabihin fullname ko. Di ko sya ka close.

"Nakita ko ang ginawa mo sa cafeteria" pagoopen nya.

"Kung ganon chismoso ka pala. Tsk" nakarating kami sa convenient store. As I said nung nakarating kami ni Mia dito. "Not really, actually wala pang nakakagawa nun kila Daphne" Daphne? Yun ba yung makapal mukha sa cafeteria?

"Ganun ba? So, anong gagawin ko? Mag-sosorry sa bruhang yon'?" sarcastic na sabi ko habang umuupo sa isang table for two na malapit sa magazine stand. Bumili sya ng isang dalawang vanilla icecream at binigay saken ang isa. "Hahahaha. You did great back there. Hey, thanks sa time mo. Gotta go', lets do this again next time Aubrey" sabay ngiti at tumakbo palabas ng convenient store. Nangiwan agad? Galing!

Parang tama nga si Mia, talk of the town na kami. Geez, inubos ko na lang yung icecream at lumabas na din sa convenient store. Gabi na pala. Ngayon ko lang na realize. Pabalik na sana ako sa dorm ng may bigla akong nakitang lalake na kahina-hinala. Para syang ninja na naligaw. I followed him secretly. Pumunta sya sa likod ng isang building. Tumakbo naman ako ng dahan dahan para sundan sya sa likod. Kaso pagdating ko dun, bigla syang nawala. Huh san na yun?

Sa isang iglap may brasong nakapulupot sa leeg ko.

Argh, damn.

Nahihirapan akong makahinga. Yung isang braso nya sinasakal ako samantalang yung isa pa pinipigilan ulo ko na makagalaw. My senses came back, siniko ko sya ng sobrang lakas kaya napalayo sya saken. Di ko na sya hinayaan attakihin ako ulit kaya nung pag-atras nya palang sinipa ko agad sya sa may tyan tas sinipa sa ulo dahilan para bumagsak sya pero di nagtagal bahagyang syang umupo at sinipa nya ang dalawang kong paa gamit ang right leg nya. Take note naka-tayo ako nun kaya bumagsak ako sa grass at tumama ang ulo ko. My vision went blurry. In the next second, this person pinned both my arms. So nasa ibabaw ko na sya ngayon. Medyo nag-clear na yung paningin ko at tinignan sya. Di ko maaninag yung mukha nya kase natatakpan pa din ito ng cloth.

"Who are you? Why are you following me?" tanong nya saken. He's a guy. He really has a deep sexy voice.

Aubrey, this is not the time para magpantasya.

"I don't need to have a little chit-chat with you, asshole" sabi ko habang slinide ang katawan ko leftwards at inangat ko ang right leg ko then ipinatong sa likod nya. Likod nya gagamitin ko para makawala sa mga kamay nya. Bwumelo ako para maka-angat gamit ang right leg ko na kumukuha ng suporta sa likod nya. Marahas kong kinuha ang dalawang braso ko sa pagkakaipit nya.

That hurts.

Dumaan yung braso ko sa likod nya. Kaya siniko ko ulit sya dahilan para mapahiga sya sa sahig. Nasa left side nya na ako ngayon mabilis pa sa alas-kwatro na kinuha ko ang hand gun ko sa binti at tinutok sa ulo nya na nakaharap sa sahig.

Pasalamat ka natatakpan yang mukha mo

"I should ask you the same question asshole. Who are you? And why are you sneaking around?" tanong ko sa kanya habang nakatapat parin ang baril ko sa ulo nya.

"Woah, ilayo mo nga yan. Magsasalita naman ako" sabi nya. "Siguraduhin mo lang kung hindi pasasabugin ko ulo mo ng wala sa oras" sabi ko nalang habang nilalayo yungbaril ng onti sa kanya. Bumangon naman agad sya sa pagkakadapa at nag-indian sit na humarap saken.

"I was sneaking around kase gu-" I cut him off. "Tanggalin mo muna yang saplot sa mukha mo. Para kang galing mental na ewan" sabi ko. Tinaggal nya naman agad. Fine, he's kinda cute. But he's not my type, folks.

"As what I've said I was sneaking to get out of this crappy campus" sabi nya habang ginugulo yung buhok nya. "Bakit?" tanong ko.

"Basta. Bat mo ba ko sinusundan?" tanong nya naman saken. Bakit nga ba? "Akala ko kase ikaw yung hinahanap ko, hindi pala" tuluyan ko nang binaba ang baril ko. Nagstart na ako maglakad palayo sa kanya at pumunta na sa dorm namen ni Mia. Asar! That was a wrong move Aubrey. Maling mali!

I inserted my key sa doorknob, tumambad naman sa akin si Mia na nakapamewang pa. "Bat ang tagal mo? Alam mo ba kung anong oras na Brey?" Oh C'mon. "Stop it, Mia. You sounded like my mother" reklamo ko at nilagpasan sya. Nagtataka talaga ako dun sa lalakeng yon.

Tsaka ano daw? Basta? Lokohin mo lelang mo oy!


"Brey may nangyare ba na di ko alam?" siningkitan nya ako ng mata. "I almost shoot somebody." simpleng sagot ko habang tinatanggal yung school shoes ko at nilagay sa isang tabi. "Talaga? Sino?" nagkibit-balikat nalang ako. Eh sa di ko naman talaga sya kilala eh.


~~~


Yung updates ko, regular na ARAW-ARAW Haha! Nilulubos-lubos ko na habang di pa busy. Guys, sorry kung may typo errors man. Comment kayo para masaya :) Don't forget to vote. Arigato Minna! :***


-Sayki

Assassination of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon