Chapter 6

20.7K 545 4
                                    

CHAPTER 6



-MORNING-


Another day here in Brayden Academy. What I did last night was a mistake. Dapat di ko na lang siya sinundan. Dapat talaga hindi na. Baka magsumbong pa yun sa principal na may criminal na babae dito sa school.


Hindi nya naman siguro naaninag mukha ko diba? Siguro naman hindi talaga.

Papunta na kami ni Mia sa B-6. Science. Third period name toh. Tsaka mageexperiment daw kami kaya dun kami sa Science Laboratory. "Brey, wag mo nang isipin yon' kanina ka pa lutang jan eh" suway sakin ni Mia.Nagsuot kami ng laboratory gown at safety goggles. Maganda naman ang lab. May ibat-ibang klase kang makikita na laboratory glassware marami ring microscopes. Tingin ko di lang ata kami ang, nagklaklase dito. May mga mukha kase na di pamilyar saken. Baka taga-ibang section. Nagbigay naman ng instructions si Ma'am kaya pumunta na kami sa kanya kanyang pwesto. Actually di kami magkatabi ni Mia kase alphabetical order ng names yung arrangement.

Nagstart na akong isalin sa kabilang glassware ang isang chemical. Napatigil naman ako nung may narinig kaming pagsabog.

"Pfft! HAHAHAHAHAHA!" tawa nilang lahat. Pati si Mia napatawa na din. May isang lalake kase na hinalo ang ibat-ibang chemicals at ayun. Sumabog, yung buhok nya tuloy napatayo ng wala sa oras. Napatingin naman ako sa gloves ko. Nandidiri ako kase ang dumi. Kaya pumunta muna ako sa isang area ng lab kung san may mga new gloves. Nagtatawanan pa rin naman sila dun eh. Hinuhubad ko yung gloves sa kamay ko nang may bigla akong naka-banga.


"Sorry.." pagsosorry ko sa naka-banga kong lalake. Pero di nya ako pinansin at nagpatuloy lang ulit sa paglalakad. Oh well, pumunta na ako sa dapat kong puntahan para mapalitan ko na yung gloves ko.

Ganun pa rin naman nangyare sa buong class hours. Nag lesson, nag-activities. And my favorite part? Dismissal time.

~Class Dismissed~


"Brey, ayaw mo ba neto?" biglang tanong saken ni Mia habang naglalakad kami pabalik sa dorm. "Ang alin?" ano bang pinagsasasabi ng babaeng toh? "Yung ganto. Yung normal lang tayo na teenagers" napaisip naman agad. Ayos lang naman pero di pwedeng laging ganto. "Alam mo Mia-"

Napatigil ako sa pagsasalita ng may dalawang cute na babae na lumapit samen at nag bigay ng Flyers. This is new. "Salamat" sabi ni Mia sa dalawa. Tinignan ko naman yung nakalagay sa papel.

Braydenian Students! Lets have a welcome party for our freshmen. See you there!

-MH Hallroom

Invitation ba toh? Nilingon ko naman si Mia na para bang humihingi saken ng permission kung pupunta ba kami. "No" sabi ko sa kanya. "Sige na brey, one time lang naman. Maki-cooperate naman tayo sa kanila. Sige na!" pamimilit saken ni Mia habang naglalakad na ulit kami pabalik sa dorm. "Kung gusto mo ikaw nalang pumunta dun" suggest ko. Ayoko dun, maraming tao.

"Mag-enjoy ka naman Brey. Minsan lang naman toh eh" umiling pa rin ako. AYOKO PERIOD! MAMATAY MAN LAHAT NG TAO DUN! Joke. Basta ayoko. Nakarating na kami sa kwarto namen. Humiga agad ako sa kama. Si Mia naman, nagstart na atang mag-bihis para sa party dun sa MH Hallroom. After ng ilang minutes natapos na din si Mia sa pagbibihis. Echusera, nag make-up pa. Edi wow!

"Sigurado ka bang ayaw mo pumunta?" tanong nya ulit. Ang kulit! Nag thumbs up lang ako. "Bye Brey." pag papaalam nya saken. Lumabas na sya at pumasok naman ako sa C.R para magbihis ng pambahay. Nang matapos na ako magbihis nagtoothbrush naman ako. Tinitignan ko sarili ko sa salamin habang nagtotoothbrush. Dinura ko na yung bubbles at nagmumog. Napatingin naman ako sa tabi ng lababo. Susi ni Mia.


Asar! Bat nya naiwan? Kung ilolock ko ang pinto baka di sya makapasok kase wala syang susi. Pag hinayaan ko naman na hindi naka-lock baka may makapasok dito na kung sino-sino habang natutulog ako.


Wala na akong choice kundi dalhin toh sa kanya.


Nagbihis ulit ako ng pang-alis. Nagsuot ako ng high waisted short at black crop top. Black ked's shoes naman ang sinout ko para mabilis akong makalakad/takbo. Kinuha ko na ang susi ko at susi na naiwan ni Mia. Hinanap ko ang MH Hallroom pero kahit di ko naman hanapin eh sadyang makikita mo naman agad dahil sa lakas ng mga tugtog nila. Pumasok na ako and just as I thought. Sobrang daming tao. Hinanap ko si Mia pero di ko makita.

Magpakita ka na Mia para makauwi na ako.

May dumaan na waiter sa harap ko na may dalang mga drinks. Kumuha agad ako at ininom yun. Wine pala toh akala ko juice. Masasabi kong maganda ang interior design ng hallroom. May isang sofa na paletter-U na color gray tas sa ginta nun isang black marble table na punong-puno ng mga beers at iba pang drinks. The curtains were silver and black. Sa kabilang banda naman may isang napaka-laking flatscreen T.V kung san pwede makanuod ang 30 ka-tao. Kaso hindi sofa ang uupuan. Kundi sa kama. Siraulo din nagdecide nun. May second floor din toh kung saan dun may dance floor at ibat-ibang kulay ng ilaw ang sasalubong sayo.

Hinanap ko na ulit si Mia ng may biglang brasong pumulupot sa bewang ko. Gago toh ah, nilingon ko agad kung sino yon.

"Dean?" tama kayo, si Dean ang gago. "Buti nakapunta ka" he said in a relief.

"Your getting the wrong idea dude" sabi ko sa kanya habang tinatangal yung braso nya sa bewang ko. "Kilala mo ba si Mia Gilbert?" tanong ko sa kanya habang patingin-tingin pa rin sa paligid.

"You mean that hot chick over there" sabay turo dun sa second floor. Nakita ko naman agad si Mia malapit sa may glass railings at may kausap na lalake.

Oh no Mia, this is not the time to flirt with somebody.

Humarap naman ako kay Dean. "Thanks" sabi ko then tinalikuran ko na sya pero bago pa ako malayo hinila nya ako papunta sa grupo ng mga lalake na may kanya kanyang babae sa tabi nila. "What the hell Dean?!" sigaw ko sa kanya. Patuloy nya pa rin akong hinila.

"Woah! Girlfriend mo tol'? tanong nung isang lalake na naka-akbay sa dalawang babae. Tsss, boys.

"Di ko sya girlfriend ..." tumigil sandali si Dean. "Magiging girlfriend palang" dugtong nya. Naghiyawan naman ng mga "Yon oh!" yung mga grupo ng lalake. Siniko ko naman agad sya ng malakas pero tumawa lang. Napaka nonsense netoh. May biglang lumapit samen ni Dean na lalake na nakahood kabilang sya sa grupo ng mga lalakeng toh.

"Pre, hindi sya karapat-dapat maging girlfriend mo. Wala kang taste" sabay tangal sa hood nya. Ow syet!

~~~


Sino sa tingin nyo nagsabi nun? Comment nyo guys bilis hahaha :** Ikasasaya ko kung iboboto nyo ang kabanatang toh :D Salamat ~


-Sayki

Assassination of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon