CHAPTER 39
Inexplain ko kay Mia lahat ng nangyare. Tahimik lang syang nakikinig, alam kong nagulat din sya sa balita ko. Pano ko haharapin si Ate Rose? Anong sasabihin ko?
"Sigurado ka bang sa HQ tayo dederetso? Pwede namang sa bahay nyo muna para makapag pahinga ka" si Mia na ang nagdridrive at baka madisgrasya pa kami pag ako.
Nagisip muli ako kung san ako bababa. Alam kong okay lang naman si Allison ngayon, uuwi na din ako sa kanya mamaya kaya si Ate Rose ang haharapin ko. Haharapin ko ang sarili kong kapalpakan.
"Sa Headquarters na Mia. Namiss ko rin sila dun" I managed to give her a smile. A weak one
Magaalas-dose na ng hating gabi. Pwersahan kaming lumabas ng campus.
"Alam mo naman sigurong iinterviewhin ka ng bonggang bongga ni Ate Rose dun diba?"
"Anong sasabihin mo?"
"Sasabihin ko ang totoo" sagot ko
"Brey, isa ka sa pinakabata at pinaka-magaling na assassin dito sa Dark Dara. Pano mo ieexplain kay Ate Rose na pumalpak ka?"
"Hindi ko alam" tumingin nalang ako sa labas habang si Mia naman patuloy pa rin sa pagdridrive.
Afterwards
Hininto na ni Mia ang kotse sa tapat ng HQ. Lumabas na siya sa drivers seat at binuksan na ang gate. Nanatili akong nakaupo dun.
"Brey .." tawag ni Mia saken. Huminga ako ng malalim at lumabas na din ng kotse. Tinignan ko ang malaking black gate ng Dark Dara. Dito ako nagsimula muli kaya kahit ano man ang sabihin kong rason alam kong maiintindihan nila ako.
Pero sa sitwasyon natoh. Kung saan nauubos na kami at ako ang dahilan kung bakit di pa rin natitigil yun, matatanggap pa ba nila ako? Umihip ng malakas ang hangin. Kaya ko toh
Pumasok na ako sa loob at si Mia naman nasa likod ko. Pagkapasok ng pagkapasok ko palang tumigil lahat ng tao sa ginagawa nila. Tumigil lahat ng kapwa ko assassin. Hanggang sa unti unti silang lumapit saken.
Buti naman nakabalik ka na Aubrey!
Kamusta kayo sa mission nyo
Nagtagumpay ba kayo?
Di na ba tayo huhulihin?
Para silang mga reporter. Nakikita ko sa mga mata nila ang pag-asa. Pero sa halip na sagutin ko sila, nginitian ko nalang sila at nilagpasan. Hindi na nila ako sinundan. Maging si Mia hindi na sumunod. Hindi toh kasalanan ni Mia, kasalanan ko toh.
Naglakad ako papunta sa office ni Ate Rose at tumigil sa tapat ng pintuan nya. Walang ng mga taong napapadaan dito.
"Pumasok ka Aubrey" nagulat ako dahil alam nyang nasa labas ako ng office nya. Unti unti akong pumasok hinarap si Ate Rose.
"Umupo ka. At i-kwento saken ang tagumpay mo" nakangiting sabi nya at kumuha ng tasa at mga pagkain.
"Hindi ako nagtagumpay Ate Rose" I blurted out. Bigla nyang nabitawan ang isang tasa at napatingin saken.
"Hindi ko kaya" dugtong ko.
"Naririnig mo ba mga sinasabi mo Aubrey?! Mauubos tayo sa ginawa mo!" halos isigaw nya yan sa harap ko. Napaka selfish ko.
BINABASA MO ANG
Assassination of the Mafia Heir
ActionShe seems to be an ordinary girl but in reality, she's not.