CHAPTER 10
Nagising ako dahil sa di kaaya-ayang boses ni Mia na umaalingawngaw mula sa banyo.
You gotta know how to treat me like a lady
Even when I'm acting crazy
Tell me everything's alright
Tinakpan ko yung tenga. Promise, kung kayo nandito ganyan din gagawin nyo.
Dear future husband,
Here's a few things you'll need to know if you wanna be
My one and only all my life
Dear future husband,
If you wanna get that special lovin'
Tell me I'm beautiful each and every night
Di ko na kaya. "MIA! Please lang itigil mo na!" sigaw ko sa kanya. Bigla naman syang tumahimik. Napatingin ako sa tatlong laptop ni Mia. Makikita mo dito yung nangyayare sa buong campus dahil sa mga camera na nilagay ko. Nakikita kong busying-busy na ang mga estudyante. Nung matapos na si Mia sa pagligo sumunod naman ako.
Sa Café nalang siguro kami kakain.
30 minutes later
"Gutom na talaga ako brey" rinig kong sabi ni Mia habang naglalakad kami papunta sa café. Nang makarating na kami, di naman puno. Kaya umorder na kami ng breakfast. Tumingin ako sa wrist watch ko. 7:00 am palang naman. Pumili na kami ng seats.
Si Mia naman kumain na agad. "Pano naten malalaman kung may weird na nangyayare habang di ka nakatingin sa laptop mo?" mahinang tanong ko kay Mia. Lumunok muna sya bago nilabas ang cellphone nya. "Mag aalarm tong phone ko kung meron man" kumain nalang ulit sya.
Di na ako nagtanong pa kumain nalang din. After ng lamon session umalis na kami at nagpunta na sa classroom.
As usual si Ms. Kababalaghan yung first namen. Pagpasok palang namen nakita kong masama na tingin nya saken. I just shrugged. Nung maka-upo na kami ni Mia agad nya naman akong tinanong "May nangyare ba sa inyo ni Ma'am?"
"Wala" pagsisinungaling ko.
Ayokong pagusapan na gumagawa sila ng kababalaghan nung isang gabi. Sa isang estudyante. Sa isang aroganteng estudyante pa. Mukha namang satisfied na si Mia sa sagot kaya nakinig na sya kay Ms. Kababalaghan nung mag start na itong mag-lesson. Tuloy tuloy lang sa paglelesson si Maam ng may biglang sumulpot sa pinto.
Speaking of the devil.
Nakita kong lahat ng atensyon nila nabaling kay demonyo. Pati si Ma'am kababalaghan nagulat din pero agad na iniwas ang tingin nya kay demonyo.
"Anong kailangan mo Mr. Alvarez?" tanong ni Ma'am pero di nakatingin sa kanya.
Ano toh? Lokohan? Tumingin nalang ako sa bintana kesa mag-aksaya ng oras sa nonsense na pagbisita ng isang demonyo.
"I'm here to get Ms. Aubrey for a punishment of what she did yesterday" napalingon naman agad ako sa kanya.
He's smirking at me. He's really is a devil! Kasalanan ba yung ginawa ko kahapon? Lumipat naman saken yung atensyon nilang lahat. He really have the guts to announce this to everyone huh?
Masama naman tingin saken ni Ma'am bago nagsalita. "Aikawa, you can go" sabi nya halata namang napilitan lang.
Tinignan ko muna si Mia bago ako tumayo. Naglakad papunta sa demonyo. Nung makalabas ako agad ko namang syang hinarap. "What do you think you're doing?" naiinis na ako sa lalakeng toh. "Giving you your punishment" cool na sabi nya.
"Punishment? Wala kang karapatan para bigyan ako ng punishment!" sigaw ko sa kanya habang sinasabayan ko sya sa paglakad. "Believe me, I have the right" then he smirked.
"Ulol! Right mo mukha mo" mahinang bulong ko.Tumingin nalang ako sa dinadaanan namen, ayoko namang tumakas baka lumala pa kaso ko.
Napunta kami sa detention room. Alam ko na gagawin ko dito kaya pumasok na ako nagstart umupo.
Tick tock lang ng orasan maririning mo sa loob nagtataka naman ako nung di pa rin sinasara ni Axel yung pinto at nanatiling nakatayo dun. "Tumayo ka jan" utos nya saken at may mga pumasok ng mga janitor na may dalang mop at balde ng sabon sabay labas ulit. "Lilinisin mo tong detention room" yun lang sinabi nya at sinara na ang pinto.
Damn! Wala pang nakakagawa saken netoh. Sa inis ko sinipa ko yung isang wooden chair ng sobrang lakas dahilan para tumama sa pader at nagbigay ng napaka-ingay na tunog. Kung sa tingin nya matatakot nya ako sa ganto pwes ipapakita ko sa kanya na hindi.
Kinuha ko yung mop at nagstart ng mag-linis.
Axel's POV
Bago ako naglakad palayo, nakarinig pa ako ng kalabog sa loob. She's really different from other girls. I picked up my phone then dial Dean's number.
(Yow dude. Sup?)
"Aubrey is in the detention. Enjoying her punishment" I smirk. As what I've said to her the other night, I'll make her regret. Talking to me like that is very very unacceptable. After I said that I hung up. Marami pa akong aasikasuhin.
Aubrey's POV
Sinandya kong bilisan yung paglinis para makalabas na. Nung matapos na ako, napaupo ako sa isang upuan na malapit saken at binitawan ang mop. Ang laki naman kase ng detention room natoh. Asar! Bigla akong napaupo ng maayos nung bukas yung pinto. Si Dean.
"Aubrey .." lumapit sya saken then he touches my hair. Pinalo ko naman yung kamay nya, pero tumawa lang ito. "Stop it. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "To pick you up"
"Can't you see? Di pa ako tapos. Letseng, demonyo kase yun" halos ibulong ko nalang yung huling sentence. "Don't worry. Ako bahala, tara na" bigla nya akong hinila palabas. Nagpatangay nalang ako. Sya malalagot sa demonyong yun, hindi ako. Habang hila hila nya pa rin ako, biglang nagring phone ko. Si Mia yung tumatawag.
"Sagutin mo na. Baka importante" rinig kong sabi ni Dean habang lumalayo saken. Pinindot ko na yung answer button.
"Hello Mia?"
(Brey, may bad news punta ka dito sa dorm bilis)
Binabaan ko na sya at humarap kay Dean. "Dean, I have to go." pagpapaalam ko. "Again?" he asked in disbelief. "Sorry .." tumakbo na ako papunta sa dorm building namen ni Mia.
Pumasok na ako sa kwarto at nadatnan si Mia na nakahiga sa kama nya. "Brey, 3 grupo na ng dark dara ang nahuli ngayong araw" mahinang sabi nya
Damn, not again. They're moving too fast.
BINABASA MO ANG
Assassination of the Mafia Heir
ActionShe seems to be an ordinary girl but in reality, she's not.