Chapter 19

15.6K 432 3
                                    

CHAPTER 19

Daphne's POV

Nagkaroon na saglit na katahimikan saming apat nung umalis agad si Bitch Aubrey. Biglang nagsalita si Tito Kael. "Lets go" sabi nya sabay hawak sa kamay ni Tita Gab at naglakad na papunta sa principal's office. Nakasunod lang kami ni Axel sa likod nilang dalawa. I gladly put my hand on his arms pero agad nya ding ako tinanggal. "Whats wrong?" I asked. Pero di sya sumagot.

Pero kapag yung Aubrey na yung kausap nya, sumasagot naman sya. Urgh! I hate that girl!

Pumasok na kami sa principal's office at pinaupo lang kami sa malagintong upuan nila para sa mg a guest. Gustong gumanti sa bitch na yun! Nakita ko rin sya na kasama ang barkada ni Axel kahapon. So ano?! Close na din sya sa kanila?! Di ako papayag. Nung una si Dean tapos ngayon si Axel?

Kinuha ko yung phone ko at dinial ang number ng tutulong saken. I mouthed 'Excuse me' kina Tita at Tito bago lumabas ulit.

(Hello? Anong problema?)


"May gusto akong bigyan ng sorpresa. Pwede nyo ba kong tulungan?" alam kong di nila ako tatanggihan dahil malaki ang utang na loob ng mga taong toh saken.

(Sino?)


"Aubrey Aikawa" I smirked at the thought na mahihirapan na syang makahinga. Lets see kung hanggang san ang kaya mo.


Aubrey's POV

Sabi ko na nga ba at mauuwi lang sa wala tong pinaggagagawa namen. Gabi na ngayon kaya magdidinner nalang kami ni Mia sa café. "So you mean, nakilala mo na ang parents ni Axel?" pangungulit ni Mia sa tabi ko. "Ilang beses ko bang dapat sabihin na di ko sila kilala?" bored na sabi ko sa kanya.

Pero para namang wala syang narinig at nagpatuloy pa rin sa pagtatanong "May sinabi ba sila?" bigla kong naalala yung napagkamalan akong girlfriend ni Axel. Ulol!

"Soon to be girlfriend daw ni Axel si Daphne" walang ka emoemosyon na sabi ko. "Daphne? Sino yun?" tanong nya naman. Nakalimutan nya agad?

"Yung nagpaalis saten sa cafeteria dati" tsss. Nakarating na kami sa cafeteria at umupo na kami. Parang may kulang saken ngayon. Hinawakan ko naman agad yung bulsa ng palda ko. I knew it.

"Mi, I forgot my phone" yun lang ang sinabi ko at tumayo na. Nang makalabas na ako ng cafeteria at naglakad papunta sa building ng dorm parang may nakasunod saken kaya tumingin ako sa likod ko pero wala naman.

Kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Walang estudyanteng napapadaan dito kasi gabi na din. Naramdaman kong may naglalakad ng dahan dahan sa likod ko at sobrang lapit na saken kaya mabilis akong humarap sa kanya at awtomatikong na sanga ko agad ang kamay nya na may hawak na baseball bat at ipapalo na sana sakin.

Masyado syang malakas kaya dalawanag kamay ko ang nakahawak sa kamay nya na may baseball bat. Dahilan para masuntok nya ako sa tagiliran.

 Pero di ako nagpa apekto kaya ako ang lumayo sa kanya para maka-atake din ako.Pero sa paglayo ko palang marami pang lalake ang dumagdag na may dala dala ding baseball bat. I smiled at them.


Sumugod yung isang lalake saken pero para lang akong nakikipagslow dance sa kanya at nasa likod nya na agad ako. I grabbed his head with my two hands then I snap his neck. Sa isang iglap may lalake nanaman na nasa harap ko, sinipa ko agad sya sa may tyan at hinawakan ang dalawang kamay nya.


Tumingin naman ulit ako sa likod ko kasi may sumugod nanaman habang hawak hawak ko pa rin yung kamay ng isang lalake. Mabilis kong sinipa ang baseball bat na hawak nya dahilan para tumalsik sa malayo, kukunin nya na sana yun kaya binitawan ko yung lalake na hawak ko at tumakbo sa dereksyon kung san tumalsik yung baseball bat. Muntik nya na akong maunahan buti mabilis akong tumakbo.


Nung mahawakan ko na ang metal baseball bat pinalo ko agad yung nakikipagunahan saken sa ulo dahilan para bumagsak sya. Yung lalakeng hawak ko naman kanina ay tumakbo ulit papalapit saken kaya hinagis ko yung baseball bat sa dereksyon sumapul naman sa noo nya kaya bumagsak din sya ng wala sa oras.


Tumingin ako sa tatlong natitira na nagaantay lang na ako ang sumugod. Kaya di na ako nag aksaya pa ng panahon at umatake na sa kanila. Nung makalapit na ako sa kanila kinuha ko agad yung isang kutsilyo sa hita ko sinaksak sa binti yung lalakeng nasa kaliwa ko. Nangmanhid sa sakit saglit yung kanang braso ko nung ma realize ko na tinamaan ako ng baseball bat nung isa pang lalake kaya gamit ang right hand ko kinuha ulit sa hita ko ang isang pang kutsilyo.

Sinipa ko yung kamay nya na may hawak na baseball bat. Habang nasa ere pa yun ay sinaksak ko agad sya sa kanang braso nya para makaganti naman ako. 


Pero di ko dun tinapos at binunot ko sa pagkakabaon yung kutsilyo sa braso nya at sinaksak ulit sya sa bandang tyan dahilan para tumalsik sa pisnge ko ang inubo nyang dugo. 5 down.


Nakahawak pa din ako sa left arm ko habang tinitignan ng masama ang isang natitira. Nakikita ko ang takot sa mata. Di ko sya pwedeng patayin agad. Paatras sya ng paatras hanggang sa mapasandal sya sa isang puno. Tatakbo na sana sya pero mas mabilis pa akong kumilos sa kanya. Gamit ang kaliwang kamay ko kinuha ko ang panghuling kutsilyo sabay tapon nun sa dereksyon nya.


"Speak" malamig na sabi ko habang papalapit sa kanya. Tumama lang yung kutsilyo sa may kwelyo nya at bumaon yun sa isang puno kaya para syang nakasabit ngayon.

Nang makalapit na ako ng tuluyan sa kanya hindi pa din sya nagsasalita. Ahh ganun? Sinuntok ko sya sa pisnge. Alam kong masakit yun kase nilakasan ko talaga.


"Magsasalita ka? o gusto mo na ding mamatay tulad nila?" sabay turo sa mga kasama nya. Hindi pa din sya nagsasalita kay sinuntok ko sya sa tyan. Napaubo naman sya ng dugo.


"Uulitin ko magsasalita ka o—"


"N-napagutusan l-lang kami" naghihinang sabi nya. Napagutusan? "Sinong nag utos sa inyo?" malamig na tanong ko. "S-si D-Daphne"


Watdapak! Ganun ba talaga kalaki galit nya saken? Tinignan ko naman ang nakakaawang lalake sa harap ko. Wala akong choice kundi isalba ang buhay ng isang toh. Pero bago ko tangalin ang kutsilyo sa may kwelyo nya. Sinabi ko muna ang dapat sabihin.


"Subukan mong magsalita tungkol dito, sisiguraduhin kong nasa tapat ka na ng sementeryo at wala ng buhay. Kuha mo?" agad naman syang tumango kaya tinaggal ko na ang pagkakabaon ng kutsilyo. Agad naman syang tumakbo palayo saken.

Tssss, humanda ka saking Daphne ka. Naglakad na ako pabalik sa dorm ng may biglang tumawag saken. "BREY!" boses ni Mia.


Nilingon ko naman agad sya sabay sabing "Mi, ikaw na bahala jan oh" sabay turo sa naparusahan ko. "Hay naku! Basta may kapalit to na isang dosenang Hello Kitty things ha?!" napailing nalang ako sa sinasabi nya. Binigyan ko lang sya ng isang thumbs up.

Tatawagan ko na lang si Allison para sa request ng isang toh. Biglang pumasok ulit sa isip ko si Daphne. Nasisiraan na ba sya ng bait?

***

Sorry kung ngayon lang ako naka-UD. Hahahaha! Medyo busy eh :*

-Sayki

Assassination of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon