CHAPTER 8
"Mia .." ginigising ko si Mia. May pasok pa kaya kami .. "Brey, di muna ako papasok. Masakit pa ulo ko" mahinang sabi nya habang nakapikit pa rin.
"Ok" wala naman akong magagawa. Alangan namang pilitin ko pa rin. Kanina pa ako naka bihis kaya ready to go na ako. Lumabas na ako at sinarado ang pinto. By the way, iba yung dormitory ng girls sa boys.
So ako lang pala mag-isa ngayong araw. Bigla kong naalala yung teacher ko na gumagawa ng kalokohan kagabi. Tsss, mukha nya agad makikita ko ngayon. Nakarating na ako sa classroom namen at nandun si Ma'am kababalaghan.
Konti palang kami kaya inaantay nya lang yung iba na dumating. Umupo na ako assigned seat ko.
Wala pa namang assignment na nagpapakita samen kaya relax na relax pa rin sila. Unti unti nang dumadami yung estudyante kaya nagstart na mag lesson si Maam Kababalaghan. Nakinig nalang ako para may masagot din kung magrerecitation. 2 hours din tong pagdadaldal nya. Nagtake notes naman kaming lahat kase magpapatest sya bukas. Kailangan ko din magnotes para kay Mia.
*Ring Ring*(School bell)
Automatic naman na nagsitayuan ang mga classmate ko at nagsilabasan kasi break na. Himala! Hindi ako pinahiya ni Miss Kababalaghan sa time nya.
Pinasok ko na ang mga notebooks na ginamit ko at nilagay sa bag then naglakad na palabas para pumunta sa roof top at magisip ng next move. Di pa ako tuluyang nakakalabas ng bigla akong tawagin ni Ma'am.
"Miss Aikawa .." tawag nya saken kaya napalingon naman ako sa kanya. Tumingin sya sa pinto na nakabukas kaya sinara ko naman agad. "What?"
"Why are you secretly watching us last night? What blablackmailin' moko? Para masira image ko sa lahat?! Ganun ba?" galit na sumbat nya saken. Binigyan ko naman sya ng isang malamig na tingin before saying the exact words. "Look, nagkataon lang na nandon ako. You must thank me at di ko pa sinasabi sa lahat ang relasyon mo sa isang estudyante. Teacher ka pa naman. Uso pa naman mahiya sa mga panahong toh" sarcastic na sabi ko sa kanya na siyang nagdulot para maging warfreak ang isang toh.
"How dare you, wala kang alam—" papalapit na sya saken ngayon at akmang susugurin na ako nung bigla kong kinuha ang isang desk at sinipa yun papunta sa dereksyon nya napa atras naman sya. Pasalamat ka di nag-landing sayo. Nagulat naman sya at napa-upo sa ginawa ko "Don't touch me or else ibabaon kita sa sandamakmak na desk" sabi ko sabay labas na sa classroom.
Di ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o maaawa. Umakyat nalang ako papunta sa rooftop. Nung nasa rooftop na ako, sinigurado kong isara ang pinto para walang makarinig saken. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Mia. Siguro naman gising na sya sa mga oras na toh.
(Hello Brey? May nangyare ba?)
"Hey. Wala namang nangyare masyaso" I lied. "Mia, alam kong nagdala ka ng sankaterbang gamit. We need to make a move already"
BINABASA MO ANG
Assassination of the Mafia Heir
ActionShe seems to be an ordinary girl but in reality, she's not.