Note: Finast-forward ko yung mga scenes kase kailangan na nateng makarating sa action scenes. Hihi, soon. So anyway enjoy reading!
-Sayki
CHAPTER 36
-2 months later-
Aubrey's POV
2 months na ang lumipas at wala pa rin kaming lead kung sino may hawak ng files. Matibay, ayaw magpakita. Tsss, hanapin pa rin namen yun!
Maraming nangyare sa loob ng 2 months. Well, first of all nalaman ko na may gusto pala si Mia kay Paul. At ngayon? Ayon, nililigawan na ni Mia si Paul. Okay, that's kinda weird. Diba dapat lalake nanliligaw? Psh gulo.
Second, lagi nalang nag-aaway tong si Dean at Yana. Biglaan, ewan ko ba sa dalawang toh. Kaya sila Michael, Terrex, Sam, Arthur, Louis at Will yung awat ng awat sa kanila.
Kami ni Axel? Eto.
"Where have you been yesterday?! I was fucking worried!" iba na ang tabas ng dila ng isang toh. Kasalukuyan nya akong iniinterview. Di kase ako nakapag-paalam na tatambay ako maghapon sa likog ng B-3.
"Bakit? Kailangan ba minu-minuto akong magrereport sayo kung nasan ako?! Nanay ba kita?!" napalakas yung pagsigaw ko kaya yung mga estudyanteng napapadaan samen napapatingin. Eh sa nakakainis na eh.
Magsasalita na sana sya pero pinigilan ko na "Stop." tinalikuran ko sya at naglakad palayo. Babalik na ako sa room at baka may matutunan pa ako dun bukod sa report ng report kung san location ko. Sinalubong agad ako ni Mia nung makita nyang nakasimangot mukha ko.
"Anyare? Tignan mo mukha mo" agad nyang tinapat saken yung phone nya. Di ko alam kung nanadya ba sya na maganda cellphone nya o ano?
"Wala" sagot ko nalang at hinigit na sya papasok ulit sa classroom. May nakita akong colores paper sa table ni Mia at may konting sulat na magegets nyo agad kahit di nyo tapusin pagbasa.
"Loveletter nanaman para kay Paul?" ilang beses nya na bang ginagawa yan? Ngumiti lang sya sa tanong ko. "Brey wala ka bang natatandaan ngayong araw natoh?" tanong nya saken. Hmmmm? Ano bang ngayon? Sa pagkakaalam ko wala naman spesyal na okasyon ngayon.
"Wala naman. Bakit? Anong meron?" nagtatakang tanong ko kay Mia pero ngumiti lang sya.
"Wala naman"
Mia's POV
Tama nga ang hinala ko. Na makakalimutan nya ang araw natoh.
Siguro nagtatakha kayo kung anong meron ngayon? Monthsarry? Eeeeeek! Big NO.
Birthday ngayon ni Brey. Di ko alam kung anong nakain nyan at nakalimutan nya. Lumabas muna ako at iniwan si Brey dun na naguguluhan. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Axel. Mga tatlong beses muna nagring bago nya sinagot.
[Sup?]
"Nakalimutan nya na birthday nya ngayon" mahinang sabi ko.
"Kaya ayusin nyo yang plano nyo" dugtong ko.
[Ok]
Binabaan nya na agad ako. Napalingon ako kay Brey na napapalibutan ng mga classmates namen. Ang daming nagbago simula nung pumasok kami dito sa Brayden. Ang dating masungit na brey unti unting nagbago. At dahil yun sa mga taong nagbibigay sa kanya ng saya, inis, pag-aalala, pagmamahal.
BINABASA MO ANG
Assassination of the Mafia Heir
ActionShe seems to be an ordinary girl but in reality, she's not.