Chapter 4

22.1K 640 5
                                    

CHAPTER 4

Cameron, listen to me. Sumama ka na sa Kuya mo. Sige na!

Kakasimula lang ng party kids, aalis na kayo agad?

Aubrey! Wag kang makulit!


I can see blood everywhere. Ang ingay ng mga baril. Ang boses ni Kuya.


Napabangon ako bigla. Ow Shit! Great. First day of school, nightmares come. Napalingon ako nung kakalabas lang ni Mia sa C.R kakatapos lang maligo. "Brey? May problema ba?" nagaalalang tanong nya saken. Umiwas naman ako ng tingin.


"Nothings wrong. Nagluto ka na ba?" pagiiba ko sa topic. I'm good at this. Pretending like I'm okay at all times. Tumango lang sya sabay turo sa dining table namen na may naka handa ng mga pagkain. Naglakad ako papunta dun at umupo na ako para makakain, ganun din ginawa ni Mia habang nakatapis lang. "Mia magbihis ka mu-" pinutol nya ako sa pagsasalita. "Brey, kain na. Malelate na tayo oh" palusot nya sabay turo sa wall clock. Napailing nalang ako sa kakulitan nya.


Pagkatapos naming kumain nagbihis na siya at start na akong maligo. Habang nasa loob ako ng C.R kinabit ko na yung thigh gun holster ko tsaka palang nagtapis ng twalya. Paglabas ko nakita kong readying ready na si Mia.



"Seriously Brey?" sabi nya nung makita ang gun holster na nakakabit sa right thigh ko. Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Bakit?"



"Hello? Magklaklase pa tayo hindi makikipag-patayan" sabi nya habang sinusuot ko na yung uniform ko. Nung natapos ko nang suoutin nagpunta ako sa mini-table na may cute na mga drawer at kinuha ko ang isang AF-1 handgun. "May gagawin ako mamaya. Tsaka buti na yung ready" paliwanag ko habang nilalagay yung handgun sa binti ko. Sakto lang yung haba ng palda para matakpan yung baril. Pero sa totoo lang, medyo naiiksihan ako. Si Mia naman parang wala lang.



"Fine Fine" wala na syang nagawa. Nauna syang lumabas para daw makita yung sun. Nagsusuklay pa kasi ako. After that, I grabbed my bag at lumabas. Ni lock ko na rin yung pinto ng dorm namen. Nagstart na kami maglakad papunta sa building na nakalagay sa black folder namin. Andun kasi yung classrooms. Marami rami naring estudyante ang pumupunta sa kanya kanayang classrooms. Napatingin naman ako sa black wrist watch ko.


7:45 am palang naman tas ganto na ka-busy. Wait, what?!

Bigla kong hinila si Mia patakbo. "Brey, ano ba?!" reklamo nya. "Its already 7:45. And our classes starts at 8. How's that?" sarcastic na sabi ko. Napatingin naman sya sa wrist watch nya at narealize din ang nangyayare. Tumakbo na rin kasabay ko kaya binitawan ko na sya. Nakita ko ang isang building na may nakatatak na B-3.


"Mia, dito na" sabi ko kay Mia habang papasok sa building. Hinanap ko yung section namen ni Mia. S- Class A. Di halatang uso initials sa school natoh. Nung mahanap ko na, sinilip ko muna kung may teacher at mga studyante na nga. Sadly, meron na. Papasok na sana si Mia na walang kamalay-malay na may teacher sa loob. Bigla ko syang pinigilan bago pa man maka-pasok at sinenyasan na wag maingay. Anong ieexcuse namen?

Assassination of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon