CHAPTER 16
Mag gagabi na nung pabalik na kami sa school ni Axel galing sa ice cream shop at ibang malls. Bumili ako ng iilang damit. Aba! Sasamantalahin ko na ang moment noh. Monday na Monday naglalakwatsa kami tas naka-uniform pa. Tinignan ko yung black wrist watch ko.
"6:18 na ng gabi. Sigurado ka bang di tayo malalagot sa ginagawa mo? Dami mo kasing alam. Psh" sermon ko. I hate to admit this but I enjoyed this day.
As usual di sya sumagot at nagpatuloy lang sa pag dridrive. Sang pagkain ba toh pinaglihi? Sobrang tahimik tsaka minsan lang magsalita eh. Kung magsasalita man 1 hanggang 2 sentence lang.
"Tao ka ba?" tanong ko. Baka mamaya alien pala tong kasama ko. Bigla syang napatingin saken at binigyan ako ng nakakamatay na tingin. Ulol! Di ako natatakot sayo. "Di ako natatakot sayo kaya walang gamit yang mata mo na nagbibigay ng masasamang mensahe" sabi ko habang naka-pokerface.
"Shut up" see? two words lang yan. Once again, natahimik kami sa byahe. Ilang minutes bago kami nakarating sa tapat ng main gate ng Brayden Academy. Binuksan na ng mga guard ang gate pero bago nagdrive ulit si Axel nagsalita syang muli.
"Remember our deal Aikawa. Stay away from me" malamig na sabi nya then nag drive na kami papasok sa academy. Paulit ulit lang? Sirang plaka ata ang dating netoh.
-Flashback-
Nagpatuloy lang ako sa paglamon ng ice cream. Si Axel? Kanina pa tapos yan. Susubo na sana ako ng biglang syang dumaldal kaya napatigil ako. "We can't do things like this forever, Aikawa" napanga-nga ako. Nag eemote ba sya o ano?
"Baliw! Walang forever. Pinagsasasabi mo jan?" humuhugot ata si Axel. Echusero. Tinignan nya ako ng masama.
"What I mean is, we can't just do revenge things to each other" gantihan? Eh sino ba nagsimula netoh? Di ba sya lang naman? Inaangat ko lang ang bandera ng mga babae kaya gumanti ako pabalik. Anong akala nya? Porket babae mahina na? Di na lang ako umimik.
"Lets have a deal. Once were back at school again. Lets pretend like we've never met each other from the very start. Stay away from me" Di na talaga ako sumagot at nagpatuloy ulit sa pagkain ng ice-cream.
-End of Flashback-
Nagpark na kami sa tapat ng Dorm building ng boys. Di na ako nagaksaya ng panahon pa at nauna na akong lumabas at din a nagpaalam kay Axel. Para san pa diba? Tsaka eto naman talaga yung deal eh. Naglakad ako papunta sa café, nagutom ako bigla.
May mga ilang estudyante na dito nag dinner. Oorder na sana ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko.
"BREY!" si Mia. Nginitian ko lang sya pero yung mata ko di na tinatagong pagod ako.Naglakwatsa kaya kami mula umaga hanggang gabi. Sinong di mapapagod aber? "San kayo galing? May ginawa ba sayo yung lokong' yun?" nagaalalang tanong nya saken habang chini-check yung katawan ko kung may sugat ba. Bigla ko tuloy namiss si Allison. Ganto din kasi ginagawa nun
"Wala syang ginawa" bored na sabi ko. Binigyan nya ako nga Talaga-lang-ha look. "Walang syang ginawa pero meron syang sinabi" parang di pa rin sya kontento kaya inaya ko muna syang umupo bago ko ikwento yung pinagusapan naming ni Axel kanina sa labas.
"Nag-offer sya ng deal" pagsisimula ko sa topic. "Anong deal daw?"
I sigh before sumagot. "Ngayong nakabalik na kami magpanggap daw kami na parang di nagkakilala kahit sa buong history. Tas lumayo na daw ako sa kanya" mahinang sabi ko sa kanya kasi baka may makarinig. "Walang kwentang deal naman yan Brey. Tas pumayag ka?"
Pumayag ba ako? Kung pumayag ako edi ibig sabihin binabaliwala ko nalang yung mga pinag-gagagawa nya saken. Humarap ulit ako kay Mia.
"Oo naman." mas okay na rin siguro toh. Baka ipa background check ako nun pag nagpatuloy ako edi mabubuking kami ni Mia. "Hayss, sabi mo eh" yun lang ang sinabi nya at kinakalikot na ulit yung iPhone 6 nya. Yaman kaya nyan. iPhone 5 ngalang meron ako eh. Di na tuloy ako nakapag-order dahil sa kadaldalan ng babaeng toh.
Ilang minutes din kaming tumambay dun sa café hanggang sa napag desisyunan naming bumalik sa dorm kasi gabi na din tsaka may pasok pa bukas. Anong sasabihin ko netoh sa mga teachers bukas? Anong excuse ilalahad ko? Pahamak na Axel talaga.
Papunta na kami sa dorm ngayon kaso biglang tumakbo si Mia palayo saken sabay sigaw ng "Tinatawag pa ako ng kalikasan Brey! Teka lang!" napailing nalang ako sa kakulitan nya. Nag antay lang ako sa kinatatayuan ko ng may biglang kumalabit sa likod kaya lumingon naman ako pero wala namang tao sa likod ko.
Nanatili akong nakaharap sa likod. Nung may biglang kumalabit ulit saken nagging alerto na ako. Pero di ko na hahayang makawala sya kaya mabilis kong hinawakan yung kamay nya bago pa man ako makaharap ng tuluyan sa kanya at inikot yung ng bahagya.
"Ouch. Chill Aubrey!" napabitaw naman ako agad nung marealize ko na si Paul pala toh. Ano nanamang kailangan nya this time? "What do you need ninja guy?" malamig na tanong ko.
"Just wanna' ask you something." ano nanaman? Binigyan ko sya ng Ano-Look.
"Pano kayo nagka-kilala ni Axel?" kilala nya si Axel? Anong isasagot ko? Nagiging chismoso na din sya ngayon ah. Improving din tsk
"Di ko sya kilala." pagsisinungaling ko. Eto yung deal diba? Di naman sya nagsalita ulit. Na sense nya ata na wala ako sa mood sa pag iinterview nya. Alam kong alam nya na di ako nagsasabi ng totoo. Sino bang niloloko ko? May namuong katahimikan saming dalawa.
Bigla nalang syang naglakad saken palayo sabay sabing "You should stay like this, if possible. This might save you" then I was left there puzzled. Huh?! Tinitignan ko lang sya habang naglalakad palayo saken. Save me? Sige, paganahin mo tong curiousity cells ko Paul tsss.
Narinig ko naman agad yung boses ni Mia sa likod ko. "Hoy! Sinong tinitignan mo jan?" tinignan ko si Mia tas tumingin ulit sa dereksyon ni Paul. Kaso bigla syang nawala. "Wala. Tara na, inaantok nako" naglakad na ulit kami papunta sa dorm.
BINABASA MO ANG
Assassination of the Mafia Heir
ActionShe seems to be an ordinary girl but in reality, she's not.