[Dedicated to sa mga minamahal kong readers. Labyu sagad guys :* ]
CHAPTER 42
I winced at the pain I felt. Putapete! Buong parte ata ng katawan ko ang sakit. Para akong nakipagbasag ulo ng isang linggo. Unti unti kong minulat ang mata ko. Nasa isang kwarto ako na walang laman na kahit ano. Tanging window ventilator lang ang makikita. Agad na nagpop-out sa ulo ko si Axel. Bat sya pumunta dito?
Nilibot ko pa ang tingin ko sa maliit na kwarto. Agad na nahagip ng mata ko ang dalawang CCTV camera na nakatapat saken. They can see me, sinubukan kong tumayo pero nakatali nanaman ang dalawang kamay ko sa likod ng inupuan ko.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at may dalawang lalake na may takip sa mukha ang lumapit saken at tinanggal ang tali ko sa likod. Kahit masakit ang buong katawan ko pinilit kong tumayo at tatakbo sana paalis sa kanila nang bigla nila akong hinawakan sa braso ng marahas at tinutukan ng silver handgun ang ulo ko.
"Wag kang magtangkang tumakas ulit. Pasasabugin namen tong ulo mo ng wala sa oras" sabi ng isa sa kanila.
Tumahimik nalang ako at di na pumalag sa mga hawak nila. Di ako naging assassin para mamatay ng ganto kadali. Hinila nila ako palabas sa maliit na kwarto na yun at dinala ako sa basement nila. Halatang abandonado na ang lugar natoh kase yung mga pintura ng dingding nasira na. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami.
Parang sinaksak ako ng maraming beses sa nakita ko. Nag-slow mo ata lahat ng nangyayare sa paligid ko. Si Axel, may dugo na sa gilid ng labi at bugbog sarado na din ang katawan nya. Ang magkabilang kamay nya ay may nakakabit na metal para sa kamay at tinali pataas. Kaya kahit gustuhin nya mang humiga na saket, hindi pwede.
Napunit na din yung ibang part ng T-Shirt nya. Nagulat ako nung tumingin sya saken, di ko sya mabasa. Pero isa lang ang gusto kong gawin ngayon ....
Gustong-gusto ko na siya yakapin.
Ginamit ko ang buong lakas ko para magpumiglas sa mga humawak saken. Wala akong pake kung maraming bantay ang nakapalibot samen ngayon. Ang gusto ko lang ay yakapin siya kahit galit siya saken.
Nakaalis naman agad ako sa pagkakahawak nila kaya naglakad ako ng mabilis papunta sa kay Axel pero bago pa man akong tuluyang makalapit naramdaman kong may mga matutulis na kuko ang bumaon sa balikat ko.
Alam ko na kung sino toh kaya tumalikod at sinuntok sya ng malakas sa mukha. Bumagsak si Daphne at dumugo yung ilong.
"Don't touch me you goddamn psycho!" sigaw ko sa kanya. Nakita kong may mga umalalay sa kanya para makatayo. Sa isang iglap may mga sumusugod na saken.
Sinipa ko sa ulo ang nasa kaliwa ko at kinuha ko ang isang handgun sa bewang nya. Binaril ko sa ulo ang mga sumusugod sa dereksyon ko. Agad akong humarap at naglakad kung nasan si Axel pero bigla akong may naramdaman na matigas na bagay na humampas sa likod ko.
"BULLSHIT! DON'T HURT HER!" narinig ko ang mga saglit na nag blur yung paligid ko at dun ko lang narealize na bumagsak na pala ako at kaharap ko na ang sahig.
Naramdaman kong umangat ako mula sa lupa. Nakayuko lang ako kahit hinang-hina na ako.
"Wala kang pake kung anong gagawin ko sa kanya. Maliit na parte pa lang toh sa paghihiganti ko Axel" I heard Dean's voice.
"Leave her. I'm here, you can hurt me as much as you want. Just ...."
"Just leave her alone" rinig kong dugtong ni Axel.
"Ok. Madali akong kausap" agad kong tinignan si Dean na naglalakad papalapit kay Axel.
"Dean, stop!" I shouted. Pero wala lang syang narinig. Di ako makalapit kase may nakahawak nanaman sa magkabilang braso ko.
Nakarating na siya sa harap ni Axel. Bigla nyang sinuntok si Axel ng malakas sa mukha. "Para yan sa pagpapahiya mo saken sa Papa ko" matigas na sabi ni Dean. Sinuntok nanaman nya sa tyan ng dalawang beses. "Para yan sa pagpapahirap saken para maabot ang rango nyo" sinuntok nya pa ng ilang beses si Axel.
Unti-unting nagtubig ang mata ko nung may lumalabas na na dugo mula sa bibig nya. "Dean, p-please d-don't d-do t-this" I pleaded to him.
Agad naman syang humarap saken. "Isa ka pa. Minahal kita Aubrey pero mas pinili mo tong gagong toh!" agad niyang tinuro si Axel na hinang-hina na din. Papalapit saken si Dean na galit na galit.
He grabbed my chin. "Ano bang meron sa gagong toh na wala saken?! Ha?!" galit na galit na tanong nya saken. Pahigpit ng pahigpit ang hawak nya. "You fuckin asshole! I said leave her alone!" rinig kong sigaw ni Axel mula sa likod.
I manage to smile in front of Dean. "Are you stupid? *smirk* Syempre, ,hindi ikaw si Axel" with that statement he slapped me hard na sa point na muntik na akong bumagsak nanaman sa sahig.
Humapdi yung pisnge pero nakangiti parin ako. "Iwan nyo sila dyan. May aasikasuhin pa tayo" agad naman nilang akong binagsak sa sahig at nagsilabasan na ang mga tao hanggang sa kaming dalawa nalang ni Axel ang natitira.
"Why did you come?" I asked out of nowhere. Dahan dahan akong tumayo at tinignan sya ng deretso sa mata. San ko ba nakukuha ang gantong lakas? Kahit may mga pasa at dugo na siya. Pero para saken, maaliwalas parin ang mukha nya.
"That's a stupid question, Aikawa" he almost said in a whisper pero narinig ko pa rin kahit mahina. Napayuko ako pagkasabi nya nun. Saglit na nagkaroon ng katahimikan hanggang sa nagsalita ulit sya.
"Come closer" napa-angat naman agad yung ulo ko pagkasabi nya nun. I stared at him for a while at dahan dahang naglakad papunta sa kanya. Tumigil ako bigla at yumuko, nakakakalahati palang ako.
Nahihiya ako sa kanya. Sa mga ginawa ko, sa mga panloloko ko. I bit my lip when my eyes began to water.
"Closer .." Napatingin ulit ako sa kanya na may halong gulat. Awtomatikong nagpatuloy ako sa paglalakad. "Closer" ulit nya. Suddenly, nasa harap nya na ako. Kinakabahan ako kase alam kong magagalit nanaman sya. Sisigawan nya siguro ako ngayon
I can feel his warm breath against me. Di ko na mapigilan at nagsalita na "I'm so sorry. I know that this is my faul—"
Napatigil ako sa pagsasalita nung bigla nya akong hinalikan sa noo. Hindi nya ako mahawakan kase nakasabit sya sa ere. "I hope that answers your stupid question"
"Are you okay?" dagdag nya. Tumango lang ako bilang sagot.
I looked at the metal locked in his wrist. Kinapa ko ang buhok ko at kinuha ang isang hairpin. Tinuro toh ni Ate Rose saken, sana lang gumana. "Siguro naman may plano ka bago pumunta dito. Diba?" pinasok ko na ang isang hairpin sa lock. Inikot-ikot ko yun. "I have no plan at all"
Napatigil ako sa pagkakalikot at tinignan sya. "Seryoso?" paninigurado ko. Tumango lang siya bilang sagot.
Anong klaseng Mafia Heir sya? Di sya gumawa ng plano bago pumunta dito? Unbelievable. Pinagpatuloy ko nalang ulit ang pagtanggal sa bakal na nasa kamay nya. "Let's get out'ta here. We have each other's back, so we can do this" I whispered and I kissed his cheeks.
Kaya namen toh.
**
Hays, feeling ko malapit na talaga tayo sa ending </3 Huehue. Anyways, leave a comment down there and also vote for this chapter, arigato min'na! :D
-Sayki
BINABASA MO ANG
Assassination of the Mafia Heir
ActionShe seems to be an ordinary girl but in reality, she's not.