CHAPTER 11
Saturday ngayon at walang pasok kaya lahat ng estudyante dito sa Brayden parang nakawala sa kulungan. Sabi nila pag wala daw pasok tulad ng Saturday's and Sunday's pwede daw makalabas ng campus. Kaya yon kanya kanyang paharurot ng mga sasakyan ang mga tao dito. Aalis din kami ni Mia maya maya.
Bibili ng pagkain ubos na din kase, pero mamaya na kase siksikan pa sa school grounds.
"Brey, anong magandang suotin?" tanong ni Mia habang kumukuha ng sandamakmak ng damit mula sa closet nya. "Ewan" sagot ko nalang habang nakapoker-face.
Kanina pa ako nakabihis, si Mia lang nagpapatagal. Inantay ko sya hanggang sa matapos sya magbihis at magmake-up. Nauna na akong lumabas at nagpunta sa parking lot. Nabawasbawasan na din yung mga tao dito.Ilang sandali pa nakalabas na din si Mia at sumakay sa shotgun seat.
"Hoy Mia, anong inuupo upo mo jan? Ikaw naman mag-drive" reklamo ko habang nakaupo sya. Napasimangot naman sya at napilitang lumabas at lumipat sa drivers seat.
Ako naman ang pumalit sa shotgun seat. Nag start na magdrive palabas ng campus si Mia. Bago kami tuluyang lumabas tumingin muna ako sa guard house at sinilip ang camera.
"Don't do that again Brey, baka maghinala pa sila" seryosong sabi ni Mia. "Di naman siguro. Masama bang tumingin? Para san pa yung mata ko?" sarcastic na sabi ko.
"Sa ibang bagay nakatuon ang atensyon ng mata mo" Edi sige. Di na ako sasagot. We drove in silence. Ha! It feels so good na makalabas ulit sa lugar na yon'. Sa lugar kung saan may ibat ibang klase ng bitch, may isang hunk na makulit, isang ninja guy na cute, isang teacher na gumagawa ng kababalaghan, at isang demonyo na arogante.
Pwe!
Napatingin naman ako sa labas na parang lahat ng nadadaanan namen parang isang swipe na lang sa phone.
"Mia, hindi toh drag racing" sabi ko kay Mia habang naka-pokerface. Ngumiti lang sya habang nakatingin parin sa daanan. Di ko alam kung may ka kompetensya ba sya sa pag dridrive. Bilis eh
Kinuha ko nalang yung phone ko at naglaro ng Happy Mall. Lvl 13 palang ako, asar period tapon susi sa dagat.
Nabagot naman ako sa kaka-collekta ng pera. Kaya kumuha nalang ako ng baril sa backseat at nilinisan yun. "Brey? Pupunta ka ba sa HQ?" tanong ni Mia. Nilinis ko yung banda sa trigger, wala naman tong' bala eh. "Dederetso ako kay Allison. So, ikaw nalang" sabi ko pero nakatuon parin sa baril na hawak ko.
Maganda sya, kase parang hinalo yung silver at black. Kay Mia toh, may taste din si Mia sa mga handguns. May isang handgun nga yan na Hello Kitty ang design eh. Adik din tong' isang toh. High na high
"Di mo manlang kakamustahin si Ate Rose?" pinipilit nya pa rin ako. Pag pumunta ako dun puro bad news lang masasagap ng tenga ko. Pag di ako nakapagpigil, baka iisa-isahin ko nang barilin yung mga tao sa campus para lang makuha ko yung file. Kaso di pwede yon. "Sigurado akong okay lang naman yon. So bat pupuntahan ko pa?" yan tapos ko nang linisin.
Ilang minutes ang lumipas, nasa harap na ako ng bahay. Ganun kabilis mag drive si Mia. Bago ako tuluyang pumasok liningon ko muna sya. "Mia, wag mong ipakita yang basag driving skills mo sa daan" sabi ko. "Brey, ang sama mo" she chuckled tas nagdrive na paalis. Sya na bibili ng pagkain namen. Naglakad na ako papunta sa main door ng bahay naming ni Allison at pinindot ang doorbell. Ilang sandal pa tumambad saken ang mukha ni Allison na gulat na gulat
One, two, three ...
As expected tinalunan nya ako sabay yakap. "Allison .." I said in a warning tone. Bigla naman syang kumalas. "Ate, bat napauwi ka agad?" pumasok na akming dalawa at tumambay sa sala. "Aalis din ako agad. Di kami pwedeng magtagal" paliwanag ko sa kanya. "Kamusta ka naman dito?" tanong ko sa kanya.
"Eto, di pa din sanay na wala ka lage sa bahay. Parang ang lake nga ng kulang nung umalis ka" nakokonsensya naman ako sa isang toh. "Wag ka na magsalita. Pinapa-konsensya mo ko" sabi ko na ikinatawa nya naman.
Edi wow!
Nagmovie-mara kami buong maghapon. Puro romance pinili nya. Di ako maka-relate samantalang sya nagnining-ning na yung mata habang kumakain ng popcorn.
"Allison, may boyfriend ka na ba?" biglang tanong ko sa kanya. Bigla nya namang naluwa yung popcorn na nasa loob ng bibig nya. Ew ah. "Sira ka ba ate? Umayos ka nga" sabay higa sa carpet. Nagtatanong lang naman ako ah. " Eh puro romance pinapanood naten eh. Inlove ka ba? o ano?" tanong ko ulit.
"Di ako inlove chu chu Ate. Mandiri ka nga sa sinasabi mo" natatawang sabi nya habang nilalaro buhok nya.
Napailing na lang ako. 3rd year palang sya kaya malabo pa siguro yun. Siguro nga may pumuporma sa kanya pero dinidedma nya lang ata.
Napatingin ako sa labas. Gabi na pala. Tumayo na ako nag lakad papuntang kusina. Honestly, di ako marunong magluto ng mga bonggang putahe. Ang alam ko lang lutuin, pancit canton, noodles, hotdog at yung iba pang pwedend i-prito. Yun lang kaya wag na kayong umasa na ipagluluto ko si Allison ng hapunan.
Binuksan ko yung ref at kinuha ang fresh milk. Nagsalin ako sa baso at ininom na yun. Napatigil ako sa paginom nang biglang nagring yung phone ko. Si Mia?
"Hello, Mi-"
(Brey, bumalik ka na sa campus. May nangyare)
yun lang ang sinabi nya at binabaan na ako. Agad naman akong nagmadali lumabas para kunin ang black motorcycle Icon Sheene ko. Bago ako lumabas kinausap ko muna si Allison.
"Alli, aalis nako. May nangyare kase. Mag ingat ka dito, tawagan mo si Ate rose pag may problema" mabilis na sabi ko at tuluyan ng lumabas at nag punta sa garahe. Narinig ko pa ang malakas na sigaw ni Allison ng "Ingat Ate!". Kinuha ko na ang black helmet ko at sinout. Sumakay na ako sa Icon Sheene at pinaandar na.
Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo papunta sa campus.
Ilang sandali pa may naaaninag akong dalawang puting van na mas nauuna pa saken. Walang plaka ang dalawang toh kaya kahina-hinala. Minabuti kong di nila ako mapansin kaya sa bandang gilid ang dereksyon ng pagdrive ko.
This is gonna be a bloody night at Brayden Academy.
BINABASA MO ANG
Assassination of the Mafia Heir
ActionShe seems to be an ordinary girl but in reality, she's not.