Chapter 13

16.8K 504 10
                                    

CHAPTER 13

Bigla kong naramdaman yung mga sakit dahil sa mga paghampas nila sa katawan ko. Malapit na akong makalabas ng gate pero di ko na talaga kaya yung saket dahilan para mabitawan ko yung dalawang handgun na kanina ko pa hawak. 

Feeling ko anytime babagsak na ako. Nakikita ko na yung mga tao na napatay ko kanina bago pumasok sa campus pero di na kaya ng katawan ko.

Inantay kong bumagsak ako sa sahig pero may biglang humawak sa braso ko para di ako tuluyang mapahiga sa sahig. Tinignan ko kung sinong humawak saken, then I saw Mia.

"Can you walk?" tanong ni Mia saken. Di ako sumagot kaya nilagay nya nalang ang braso ko sa leeg nya at inalalayan akong makalakad. Pinilit kong maglakad kahit kumikirot yung mga sugat ko. Naglakad lang kami pabalik sa dorm. Nung makarating na kami inalalayan nya akong makahiga.

"Bat ba kasi di ka sumasagot kanina? Buti nahanap kita agad" rinig kong sabi ni Mia habang kumukuha ng first aid kit para sa mga sugat ko. Di ko nalang sinagot. Ginamot na ni Mia yung mga sugat ko. After that nakatulog na ako.


-Next Morning-

Nagising ako kasi kumikirot yung sugat ko. Sinubukan kong bumangon kahit masakit. Tinignan ko si Mia na sa kasalukuyan ay tulog na tulog sa kama nya. Kinuha ko agad yung phone ko sa side table namen at tinext si Allison. Nagsorry ako about sa nangyare kahapon. Pagkatapos nun, nagbihis ako kase gusto kong lumabas. Kahit may sugat ako, ayos lang.

Iniwan ko muna saglit si Mia dun at nagpunta sa veranda. Unti-unti nang dumadami ang mga estudyanteng pumapasok sa campus. Halos ata lahat talaga lumabas kahapon. Kitang kita silang lahat mula dito sa taas pero isa lang nakaagaw ng atensyon ko. May sampung tao na nakatambay sa labas ng isang kotse. 9 boys at 1 girl. Parang lahat ata ng napapadaan sa harap nila lumalayo. Bigla kong naalala yung isang grupo sa MH Hallroom. Sila ba yun?

"Anong tinitingin tingin mo jan? May iniiistalk ka ba sa tingin?" napalingon naman agad ako nung marinig ko boses ni Mia. Gising na pala. Tumingin ako ulit sa dereksyon nung grupo. "I think they're the cool kids" yun lang nasabi ko. Nagets naman agad ni Mia na yung grupo sa baba yung tinutukoy ko.

"Sila yung sa MH Hallroom. Yung grupong pinuntahan nyo ni Dean" so sila nga. "Plus, they're mysterious but awesome" dugtong nya pa. Tumalikod na ako naglakad pabalik sa kwarto, naramdaman kong nakasunod naman si Mia. 

And they're weird like totally weird. Nag usap na din kami ni Mia kung anong susunod na plano. Well, the only thing na hindi pumalpak ay ang mga CCTV's. So nagkasundo kaming, mag-antay kung anong susunod na mangyayare.

Stupid right? I mean, We assassins could just put a Bang in your head in just a second but right now is not the time to be a Loco-Crazy-Assassin.

Di kami pwedeng gumawa ng eksena sa school natoh. Maraming madadamay kung gagawin namen yun. We just need to get a damn file and to kill some people who knows about it, The End. Yun lang at wala nang ibang madadamay.

Nagpagisipan naming maglakad lakad sa school grounds. Andito kami malapit sa B-6 building. "Uh, Brey. Teka, may pupuntahan pa pala ako. Bye!" then she ran off. Okay, time with myself. Pumasok ako sa isang building at nakita ang library. 

Maraming estudyante ang napapadaan pero walang pumapasok. Dalawang place lang ang tahimik sa school natoh. Sa Library at Rooftop. Tuluyan na akong nakapasok sa library. Walang librarian. Weird.

Naghanap ako ng libro na magandang basahin sa mga bookshelves. Malalaking bookshelves yung tipong kailangan mo ng ladder. Nasa mga science book's ako banda ng may bigla akong narinig.

"Axel, wag kang malikot. Di ako maka-concentrate sa pinapagawa mo eh" Axel? Nanaman? Dahan dahan kong sinilip kung san nangagaling yung boses ng isang babae. And there they are. Si Girl? ay isang NERD. Yep, she's the nerdy type. May sinusulat sya sa isang papel habang si Axel ayun pinaghahalik halik yung leeg ni nerd.

"Ano ba, Axel" she giggled. Sa tingin ko may kinalaman ang demonyong toh kaya walang librarian at walang nagtatangkang pumasok dito. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at nagpunta sa dereksyon kung san sila naglalampungan. Bigla namang nabaling ang atensyon nilang dalawa saken. Tumingin ako sa nerd.

"Lumabas ka, ngayon na" malamig na sabi ko. Mukha naman syang natakot at tatayo na sana ng pigilan sya ni Axel. Lumapit pa ako sa kanila at tinaggal ang pagkakahawak ni Axel sa braso ni nerd. Muli kong tinignan si nerd "I said leave" matigas na sabi ko.

Nagmadali naman syang lumabas ng library. So kaming dalawa nalang ni Axel. How dare he? Palabasin ang librarian para lang sa kalandian nya?

"What do you need?" bored na sabi nya sabay upo sa isang wooden chair. "You really have the guts para itanong saken yan? Ang kapal ng mukha mo, bwisit ka" inis na sabi ko. "Get to the point, ugly" Ano daw? Ugly?! Makikita nya kung anong totoong ugly. Kumuha ako ng isang encyclopedia na libro sa isang shelf. Malaki din toh ah. 

Di na ako nakapag antay pa at hinagis yun papunta sa kanya. Tinamaan sya sa pisngi kaya bahagyang napalingon sya sa isang side. The tension is here.

Bigla syang naglakad papunta saken. He's pissed.

Nang makalapit na sya ng tuluyan he grabbed my arm then twisted it. Napa-Aw naman ako sa sakit pero di ako nagpatinag sa kanya. Nakita ko ang isang malaking dictionary ng nakapatong sa isang table na malapit samen. 

Gianamit ko ang isang free hand ko para kunin yun at ihampas ulit sa kanya ng malakas kaya nabitawan nya ako.

"Listen man whore, di ko pa nakakalimutan ang pinagawa mo saken sa detention room. Antayin mo ang karma bukas, ipapadala ko sayo" yun lang sinabi ko sabay labas ng library. Letse sya. Akala nya papalampasin ko ginawa nya saken? 

Pwes maling mali sya. Ipapakita ko sa kanya kung anong totoong pangit na karma. Assassin ang binanga mo dude hindi isang Maria Clara.

**

Pm for dedications :)

-Sayki

Assassination of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon