Chapter 27

15K 403 9
                                    

CHAPTER 27

2 days nalang bago ang contest. This is not a beauty pageant. It's a contest which modelling is the highlight. Yeah, models. Which totally sucks

Binigyan na kami ng break para makapag relax naman after ng ilang araw na pagprapractice. Buti naman may awa pa sila. Nasa library kami ngayon ni Mia at kasalukuyan akong nagbabasa para makacatch up sa mga lesson.

Madalas kasi akong naeexcuse dahil sa practice."Brey, ang daya mo *pout*" biglang banggit ni Mia kaya naibaba ko ng bahagya ang libro na hawak ko. Binigyan ko sya ng ­Huh-look.


Ano nanamang pinagsasabi ng isang toh? "May mga nanliligaw na pala sayo tas di ka manlang nagsasabi, ouch huhuhu" umakto pa sya na nasasaktan at hinawakan ang dibdib yung sa puso banda.


Speaking of ligaw, araw araw may natatanggap rin akong mga loveletters at chocolates. Kanino galing? Syempre sa dalawang kumag.

Tinatanggap ko naman pero sa oras na natanggap ko na binibigay ko agad sa mgaclassmates ko at sila na bahala dun. "Sino ba sa kanilang dalawa ang sasagutin mo brey?" mahinang tanong ni Mia. 

Sasagutin? Dapak! Nagkibitbalikat nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Seryosong seryoso ako sa pagbabasa ng may biglang papel na tumusok sa noo ko at bumagsak ang papels sadesk namen ni Mia. 

Eroplanong papel. Sino namang bata ang maglalaro netoh sa librar—! 


"MISS AUBREY!!" nanlaki yung mga mata ko nung sabay sabay na sumigaw sina Michael, Terrex,Louis, Will, Arthur. Napaatras ako kasama ang upuan na inuupan ko kasi tumakbo sila papunta sa dereksyon ko. Akmang yayakapin na sana nila ako nang bigla silang sitsitan ng librarian.


"PST! QUIET!" agad naman silang na freeze sa harap ko. Dahan dahan akong umalis sa harap nila at nagpunta sa iba pang bookshelves.


Libro naman sa science ang babasahin ko. Hmmm san ba dito? Aha! Eto.


Kinuha ko ang isang makapal na libro at iniscan kung anong mga cover na lessons netoh. Nung matapos na ako sapag scan sinara ko agad ito at napatingin sa harap ko ng hindi sinasadya.Sa hindi inaasahan, nakita ko si Axel na nakasandal sa isang bookshelf habang nagbabasa.


Yung sikat ng araw tumatama sa kanya kaya para tuloy syang nagliliwanag. Nagiging light brown yung color ng buhok nya. Kahit may distansya pa rin saming dalawa makikita mo ang perpektong mukha ng isang toh. Matangos na ilong, magandang mata, maputi, makisig na katawan.


Woah Aubrey, bat mo ba pinupuri ang isang yan for nth time?!


Sa gulat ko, bigla din syang napatingin sa dereksyon ko kaya parang na statwa na naman ako sa pwesto ko.


*Dug dug* Dug dug*

Here it goes again. Feeling ko lahat ng dugo ko pumunta sa mukha ko kaya agad naman akong tumalikod at naglakad na pabalik sa desk namen ni Mia kung saan ang buong barkada ni Axel ay nandon na din.Nakita ko naman si Meghan na nasa kabilang desk at wala syang katabi. 

Kaya tumabi nalang din ako sa kanya. "Hello Aubrey! Kamusta yung practice para sa contest?" pangangamusta nya saken. "Ayos lang" I smiled a little. Ngumiti din sya at nagpatuloy na lang sa pagbabasa. Ganun din ang ginawa ko pero yung utak ko wala sa binabasa ko. Maingay pa rin sila sa likod namen ni Meghan. "Can I ask you somethin' Yana?" syet. What am Idoing? 


"Uh-huh" sabi nya sabay thumbs up saken. Nagdadalawang isip ako pero sa huli kailangan ko na ding itanong.


"May kaibigan kase ako. Ang sabi nya, pagnakikita nya daw angisang tao natoh, bumibilis daw yung heartbeat nya. So, ibig sabihin ba maysakit sya sa puso? Anong stage toh?" sunod sunod na tanong ko kay Meghan na nakatitig lang saken. I need to lie. Mga ilang sandali pa ay...


"Pfffft. HAHAHA" napatawa na sya ng malakasdahilan para maki-osyoso sila Michael at iba pa sa desk namen. 


"Guys, anong meron?" tanong nila samen ni Meghanpero wala kaming sinagot kaya napilitan silang bumalik na lang sa desk kung saan nandun si Mia.

"Aubrey, walang sakit ang kaibigan mo ..." tumigil sya sandali at isa isang inayos ang mga librong binasa nya sabay tayo. Akala ko iiwan nya ako nang hindi manlang sinasagot ang tanong ko pero mali.

"May gusto sya sa taong yon. Or mahal nya na" sabay alis.

Ahh mahal pala tawag don'. Huh? Wait, WHAAAAAAAT DA HELL?!! MAHAL?! Ako mahal na si Axel na yon?! Nah, malayo yon mga pre. Porket bumibilis yung heartbeat mahal ko na agad? Dipwedeng nerbyosa lang? che!


"Mi, tara na. Kayo guys? Sama kayo?" pagaaya ko sa mga lalake. Pero umiling lang sila sabay ngiti. Wala si Paul at Dean. Binalik na namen yung mga librong hiniram namen kanina at lumabas na ng library.

"Brey, anong gagawin mo sa talent portion?" biglang tanong ni Mia saken. Oo may talent portion. Daming alam eh tsss "Di ko alam" honest na sagot ko at nag patuloy nalang sa paglalakad.

"Hay nako! Dapat meron ka nun. Pano ka mananalo kung wala ka manlang talent na ipapakita huhu" 

"Wala akong balak na ipanalo ang Class A, Mia" bored na sabi ko. Marami kaming nakakasalubong na estudyante kase pupunta na ata sa kanya kanyang klase. 


Nagulat ako nung may biglang kwinelyuhan si Mia na isang lalakeng estudyante na may dalang gitara. Kinuha agad ni Mia yung gitara sabay sabing ..

"Salamat dito ah? Hihi babye" sabay tulak palayo nung lalake. Bigla naman syang tumingin saken at inabot ang gitara.

"Mag-practice ka.Ngayon na! Bibigyan kita ng privacy para makapag concentrate ka sa practice" sabay alis sa harap ko. Ako naman nanatiling nakatayo sa gitna ng school grounds. 

Dinadaanan lang ako ng mga estudyante.Napatingin naman ako sa gitarang hawak ko.

Tragis! Ano namang kakantahin ko?!


Dinala ako ng mga sarili kong paa sa rooftop. Siguro naman, may maiisip na ako dito kasi tahimik. Sumandal ako sa pader at nagstart ng magstrum pero di ko pa rin alam kung anong kakantahin.


"Can't decide?" I froze when I heard his voice. Damn, bat sya nandito? Yung puso ko. Parang hinahabol ng tigre. 


Syet heart, shut up! Baka marinig kapa ni Axel sa sobrang lakas ng tibok mo

"Uhm, yea" I did my best na hindi mautal. Nakita kong naglakad sya papunta sa dulo.

"Do your best tomorrow, Aikawa. Everyone will be watching. I'll be watching" pagkasabi nya nun biglang humangin. Kahit likod nya lang ang tanaw ko, iba pa rin ang epekto.

 His hair; it sways with the wind.Napahawak ako saglit sadibdib ko. Di pa rin nagbabago yung bilis.


Ano bang meron sayo at ganto epekto mo saken?! Asar!

Assassination of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon