CHAPTER 7

241 21 0
                                    

👑MY ULTIMATE KING👑

CHAPTER 7

"Sorry po, sa ******** manduluyong lang po ako ah."-sabi ko at tinicketan niya na ako, then binigay niya na sa akìn at nagtungo sa kabilang upuan at nagtanong doon kung saan bababa. Hindi ba ako magbabayad? First time ko kasi talaga sumakay ng bus, pag nalaman ni dad na nag bus lang ako. Baka magalit siya sa akin.

Maya maya bumalik ulit yung kondoktor kung saan malapit na kung saan ako bababa.

"Miss. Yung bayad niyo po"-sabj niya kaya nagmadali akong kumuha ng pera sa wallet ko. Pero puro 1k piso bill lang ang meron ako. Kaya inabotan ko siya ng 1k. "Naku, wala pong panukli miss. Sobrang aga pa kasi, kakabiyahe pa lang namin"-sabi niya naman na parang napakamot pa sa batok niya. Huminto na ang bus sq bus stop kaya tumayo na ako.

"Keep the change na lang kuya ah"-sabi ko sa kanya at nagmadaling naglakad para makababa mula sa bus.

"Maam, aabunuhan ko na lang po kayo. Hindi ko po màtatanggap to"-sabi niya na bumaba pa siya nang bus para habulin ako. Kaya tumigil ako sa paglalakad ko at kinuhà pa niya ang kamay ko at linagay rito ang binayad ko sa kanya.

"Salamat po kuy, pasensiya na po talaga. Pahingi po ako ng number mo or gcash account mo para dun ko na lang isend sayo ang bayad ko."-sabi ko rito.

"Ho? Pasensiya na po, wala po ako nang ganun na sinasabi niyo at wala rin po akong cellphone. Wag na po kaya mag alala. Ako na lang po magbabayad"-sabi niya na sobŕang galang pa talaga sa akin.

"Babawi po ako sayo sa next time"-i said and smile to him.

"Hoy! David tara na. Kanina ka pa jan!"-rinig kong sigaw nung driver ng bus. Kaya agad naman tumakbo si .. David ba yun? Nang makasakay na siya ng bus, umandar na ito paalis.

Mukha siyang inosonteng lalaki, grabe wala siyang cellphone. Ang alam ko parang lahat na ata na tao may cellphone eh.

Hay naku! Nakakahiya naman sumakay nang bus, linibre niya pa talaga ako. Tinignan ko ang ticket na binigay niya sa akin. 45 pesos lang naman yung babayaran ko tapos 1k ang inabot ko.

Naku naman, hayss. Makapunta na nga ng Mall.

Nang makarating ako ng mall, naglibot libot muna ako. Ano nga ba yung bibilihin ko? Nakalimutan ko na tuloy.

Pupunta muna ako sa Store ni tita Jemah dito sa loob ng Mall. Tita Jemah is, asawa ng tito Sheon ko na kapatid ni Mommy.

May pwesto siya dito sa loob ng Mall. Mga mamahaling bags at sapatos ang binebenta niya.

Siguro bibili na lang ako ng bagong sapatos ko.

Nang makarating ako sa shop store ni tita, nagbeso naman ako sa kanya kasi saktong nandito siya at ang pinsan ko na anak niya.

"Mag isa ka lang ata Cyd? Pinayagan ka?"-tanong ni tita na nagtatakang wala akong kasama, pag umaalis kasi ako palagi talaga ako may kasama.

"Wala po tita, basta bahala na po. Hindi naman siguro ako papagalitan ni dad"-sabi ko. Habang tumitingin tingin ako ng mga naka display na shoes.

"Isama mo na lang tong pinsan mo, pauwi sa inyo. Tapos sunduin ko na lang siya mamaya, para hindi ka mapagalitan "-sabi ni tita. Napakabait talaga ng tita ko. Mabuti yan para gawin kong body guard si Jeremmy na anak ni tita Jemah at tito Sheon.

Jeremmy ay 16 years old na, matanda lang siya ng 9 months kay Matteo na pangalawang kapatid ko.

After ko makapili ng shoes at bag siyempre magbabayad na.
Nag starbucks muna kami ni Jeremmy sa loob ng mall, pero cake lang kinain ko kasi di naman ako nagkakape. Pareho kami mommy.

MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now