👑 MY ULTIMATE KING 👑
CHAPTER 34
"David ano bang sinasabi mo?"-halos pabulong kong tanong kay David.
"Okay. Bukas, maglinis kayo nang buong bahay, garage, garden at sa pool area. Naiintindihan niyo ba?"-nakataas na kilay na saad ni dad.
"Sige po, gagawin namin"-sagot naman ni David na parang nagiting ngiti pa. My gosh! Pano ba yun? Hindi ako marunong sa gawaing bahay noh.
****
"Teka daddy!"-pagtutol ko nang isasara niya ang pinto nang kwarto ko. Ikukulong niya kasi kaming dalawa sa loob nang kwarto ko.
"Bakit ba?"-parang naiirita niya pang tanong.
"Eh kasi po, ayoko po makulong dito. Na walang pagkain"-sabi ko at tumawa nang mahina.
"Yun lang pala eh. Magdadala ako."-sabi ni dad at sinara na ang pinto.
Nahihiya akong lumingon kay David, ano ba kasing binabalak ni daddy at kinukulong niya kami na magkasama.
Manunuod na lang ako nang TV, binuksan ko ang Television sa kwarto ko at naupo sa kama ko, habang si David nakatayo pa rin sa may pinto.
Maya maya dumating na si dad at may dalang mga pagkain. Sinara niya ulit ang pinto at parang pinapadlock pa ito. Dinala naman ni David ang mga pagkain at binigay sakin.
Nababaliw na ba si Daddy? Kulang ata nang isang turnilyo ang utak non.
"Wag kang mag alala sa daddy mo, sinusubukan niya lang tayo."-sabi ni David at nagsimula na siyang kumain. Puro junkfoods ang dinala ni Dad wala bang fastfood or ramyeon man lang.
"Anong ibig mong sabihin?"-tanong ko kay David at uminom nang drinks.
"Pag may ginawa tayong mali, ipapakasal niya tayo agad"-sabi niya at linapit pa nag mukha niya sakin. Kaya naman halo halong kaba ang naramdaman ko.
"Pag wala tayong ginawa? Ano sa tingin mo ang gagawin ni Dad?"-tanong ko kay David.
"Ewan ko, hindi ko talaga alam kung ano ang iniisip niya ngayon."-sabi niya at linayo na ang mukha niya at napangisi pa. "Any way, thank you nga pala sa ginawa mo para kay papa."-he said while smiling at me.
"Umhh, si tito Sheon at daddy ka dapat magpasalamat. Sinamahan ko lang naman si tito Sheon eh"-i said. May sinabi pa kayang iba ang papa niya sa kaniya.?
"Nag thank you na ako sa kanila. Siyempre sayo na lang."-he said while sipping his drink.
"Ahh. Gusto mo manood tayo nang hòrror? Maganda yun. Wait lang."-sabi ko at tumayo ako then lumapit kung nasaan ang switch nang ilaw para pàtayìn ito.
Nang ma off ko na ang mga ilaw sa kwarto ko, bumalik ako sa kama at linipat sa hòrror mòvie.
Mediyo favorite ko ang horròr movìe, lalo na kung gàwàng korea. Mga zombie kasi sila, pero hindi naman talaga ito nakakatakot. Nakakakilig pa nga eh. Nasa kalahati na kami nang Movie nang may naramdaman ako na yumakap sakin.
"Ayoko na! Ayoko na! Ayoko na manood."-rinig kong saad ni David na parang takot na takot na nakayakap sakin. Hindi ko man lang naramdam kanina na nakalapit pala siya sakin.
Medyo natawa naman ako sa itsura niya. Kahit medyo madilim, naaninag ko pa rin ang reaction niya na halatang takot na takot.
"Para ka namang bata, okay lang yan."-sabi ko na super confident sa panonood. Pero...
"Wahhhh"-sigaw ko at napayakap din kay David. Pano ba naman kasi, zinoom-in yung mukha nang zombie sa camera.
"Alam ko na para hindi tayo matakot"-saad ni David habang magkayakap kami at nakatingin sa isa't isa. Tanging mga mukha lang namin ang nasisinagan nang liwanang mula sa TV.
YOU ARE READING
MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)
RandomThe genius girl, and popular dancer in socmed, to find her true love and her ultimate king. This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotiona...