👑MY ULTIMATE QUEEN👑
CHAPTER 12
First week of school may research agad, tama ba yun.?
"Wala ka ba talagang phone David?"-tanong ko kay david habang andito kami sa library at naghahanap ng books na pwede naming pag aralan sa gaagwin naming research.
"Wala po eh. Wala naman akong pambili nun"-sabi niya. Napaka galang talaga niya.
"Ganun ba, may nakita na ako"-sabi ko nang may nakita ako sa may gilid ng bookshelf ng libro about Acountancy. Kaya pumunta kami sa mesa at magkatabing nakaupo at binuklat ang book para maghanap na pwede naming pag aralan.
"Oh, ang sweet naman nang dalawang Genius sa klase natin"
Napalingon kami pareho ni David sa tatlong babae na nasa harapan ng mesa khng saan kami naka pwesto. Problema nila? Classmate namin silang tatlo.
"Alam niyo bang epal kayong dalawa. Feeling niyo kayo na ang pinakamagaling sa lahat. Palaging kayo ang pinupuri ng professors natin."-mataray na saad niyal, napairap naman ako. Binubully niya ba kami? Tumayo naman ako.
"Eh ano kung kami ang magaling sa class natin? Kasi kaming dalawa ni David ay may class na tao, hindi inggitera tulad niyo"-sabi ko at tinarayan sila ng husto.
"Are you sure na class kayong tao? Eh mga hampas lupa lang naman kayong dalawa. Kaya bagay kayong dalawa, hampas lupang mga feeling genius!"-he said habang nakataas pa ang kilay sakin. Nagtawanan naman yung dalawang babae sa likod niya.
Ah ganun pala? Hampas lupa ba kamo? Baka magulat siya pag nalaman niya na anak ako ng owner nitong school.
"Okay, sinabi mo yan eh. Hindi ako pumapatol sa isip bata at parang hâýop umasta. Because hurting animals is like a criminal."-sabi ko at ngumiti pa sa kanila.
"Hoy babae! Hindi kami hâyòp!"-sigaw niya at dinuro duro pa ako.
"Then, prove it to me."-nakataas na kilay na saad ko. Hinila ko patayo si David sa kinauupuan niya. "Masakit ba masabihan na parang haýòp?"-i ask while smirking. "Let's go David"-sabi ko at hinila siya palabas ng library habang bitbit niya ang book na hiniram namin. Tsk! Humanda sa akin ang babaeng yun! Ako pa talaga kinalaban niya.
Binitawan ko na ang kamay ni David nang makalabas na kami sa library at sabay na naglalakad sa hallway.
Marami siyang pwedeng banggain ako pa talaga? Humanda siya sa bagsik ko, kung ang mommy ko kinakatakutan sa school na ito noon, pwes mas matakot sila sa akin.
Pumunta kami ni David sa garden habang nakaupo lang sa damuhan.
"Grabe, nakakatakot ka pala. Akala ko sobrang hinhin mo talaga. Palagi ako pinagtatawanan nang mga babaeng yun tuwing sasakay sila sa bus tuwing ako ang kondoktor"-sabi ni David na parang nagsusumbong siya sa akin.
"Talaga ginawa nila yun.?"-paninigurdo kong tanong. He nodded.
"Oo, pasensiya kana. Mukhang pati ikaw nadamay dahil sakin. Matagal na silang nangbubully, hindi lang ako"-sabi pa niya. Tsk! Humanda talaga sila sakin, tuturuan ko sila ng leksiyon.
Matitikman niyo ang bagsik ng isang genius na tulad ko. Kung nagawa ko yun sa mga babae ni kuya Hans kaya ko rin gawin sa mga tulad nilang binubully ang kaibigan ko.
Kaibigan? Mag kaibigan na ba kami ni David.
"Nakakahiya lumapit sayo Lexis, kasi mayaman ka at mahirap lang ako."-sabi niya at parang nakayuko pa. Lexis? Wow, may bago nanaman akong nickname nito.
"Wala kang dapat na ikahiya, tiyaka hindi kami mayaman. Alam mo ba ang dad ko, galing din siya sa hirap. Kondoktor din siya ng bus, pero kahit ganun mahal na mahal pa rin siya ni momny at marami pa siyang kaibigan. Walang nangbubully sa dad ko, bukod pa don crush pa siya ng maraming babae noon"-pagkukwento ko while im chuckled. Kaya bahagyang ngumiti naman si David.
YOU ARE READING
MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)
AcakThe genius girl, and popular dancer in socmed, to find her true love and her ultimate king. This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotiona...