CHAPTER 26

182 15 0
                                    

👑 MY ULTIMATE KING 👑

DAVID ACOSTA P.O.V

"Hoy, may inaantay ka ba?"-tanong ko kay hazel habang tinataasan ito nang kilay. Kanina pa kasi siya nakatayo sa may pintuan nang bahay namin.

"Pupunta kasi kaibigan ko ngayon."-parang walang gana niyang sagot.

"Eh ano naman ngayon."-masungit kong saad rito. "Sino ba hinihintay mo?"-tanong ko.

Tumunog naman yung phone niya. Pero bakit parang bago ang phone niya? Mas lalo siyang nalungkot nung may binasa sa phone niya.

"Di na daw siya makakarating."-malungkot niyang saad.

"Saan galing yang phone mo? Wala naman akong natatandaan na binilhan ka ni mama ng phone.?"-nagtataka kong tanong rito.

"Bigay ito ni ate Cydrey. Lumang phone niya daw, pero bagong bago pa naman diba"-sabi niya at pinakatitigan yung phone niya.

Bakit ba ang hilig mamigay nang isang iyon. Dati kasi keypad lang talaga gamit ko, wala akong interes sa mga phone na yan. Matawagan ko lang si mama or kaya si papa okay na sakin.

Kasi nga mahìrap lang kami, at wala akong intères sa mamahaling gamit.

"Magsaing kana, balàk mo nanaman maglàkwatsa. Mabuti yan hindi dumating kaibigan mo, panģìt mo daw kasi kasama."-saad ko rito habang tinataasan siya nang kilay. Inerepan niya naman ako nang husto.

Nang bìlàt pa, bago umalis at nagtungong kusìna.

Sino bang kaibigan niya, wala naman siyang kaibigan dito. Matàray at maldiťà kasi ang kapatid ko, at walang may gustong makipag kaibigan sa kaniya. Kahit ako walang kaibigan sa lugar na ito, dahil siguro sa akala nila křìminàl ang papa namin.

Kung sino man yung kaibigan niya, sana matansiya pag uugali ni Hazel.

Hindi ako nakapasok nang trabaho ngayon, hindi pa rin kasi nawawala ang lagnat ko, inuubo at sipon rin ako ngayon. Nagtungo akong kusina.

"Hoy Hazel. Pag may bisita ka, wag mong papasukin sa kwarto ko ah."-bilin ko rìto.

"Oo na. Aķala mo naman, mamahalin ang nasa kwarto mo"-mataray na sagot nito. Last time kasi, pumunta kaklase niya dito sa bahay. Ayun nakialam nang naka display ko sa kwarto ko.

Ayoko pa naman na pinapakialaman ang mga yun, lalo na si Hazel hindi ko siya pinapasok sa kwarto ko.

AFTER 1 HOUR.

Nagbabasa ako nang wattpad book ni Hazel sa sala namin, well maganda naman nang konti ang storya.

Kaso mga teenager ang bida, parehong 18 ang age.
Totoo kaya yung makakatúluyan mo yung mahahalikan mo sa gitna nang ulan.

Tapos yung hahàlikàn mo dìn daw pag umììyak.

Umiiyak ba si Cydrey kagabi? Parang hindi naman eh. Napaka strong niya kasi, hindi siya iyakin na babae. Kaya nga gustòng gusto ko siya.

That time na umamin ako sa kaniya at may binibigay ako na bagay na gusto ko ibigay sa kaniya at handa na sana akong sabihin sa kaniya ang lahat. Kaso hindi niya naman tinanggap, kaya tinago ko na ulit.

Sobrang nasaktan ako that time, naiyak pa nga ako nang hindi ko namamalayan. 18 birthday ko non that time na umamin ako. Si Hazel, wala naman siyang alam na si Cydrey ang babaeng gusto ko.

Pero bàkit niya kaya ako hìnàlikan? Diba si Daryll ang gusto niya?

"Anak, aalis lang ako ah. "-paalam ni mama na may dala pa itong basket, mamalengke ata siya. "Tiyaka, uminom ka nang gamot, para maalis na yang ubo mo"-bilin pa nito.

MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now