CHAPTER 17

197 20 0
                                    

👑MY ULTIMATE QUEEN👑

CHAPTER 17

CYDREY ALEXIS P.O.V

Nang matapos na ang class namin sa school gym, napagod lang ako sa pagsayaw. Ako daw kasi magtuturo ng steps sa sasayawin ng cheerleader ng freshman students.

Ginawa pa akong choreographer. Nang matapos kaming magpalit ng mga uniforms namin, balik sa classroom. Dahil may isang subject pa kami.

Bakit kaya wala pa si Daryll, baka nagcutting classes niya.

"Lexis"-David.

"Hmm"-ako while busy magsulat. May linapag naman siya sa Desk ko na note.

"Slumbook ko yan"-sabi niya na kinalingon ko sa kanya. Nakangiti siya ngayon na parang nahihiya.

"Okay."-i said and smile at him. At sinimulan kong sagutan ang slumbook niya. Grabe, meron pala siya nito. Maraming tanong about sakin na favorite ko,
Siyempre linagay ko mga favorites ko. Foods,drinks basta ganun. Marami ata siya na gusto niya malaman tungkol sakin.

Napatigil naman ako sa isa pang tanong.

Who's your First kiss? : Secret

Alam niya kaya na siya ang first kiss ko? Okay na yan, hindi naman ata siya magtatanong kung sino ang secret na yan. Nang matapos kong sagutan ang slumbook ni David binalik ko na sa kanya.

"Salamat"-sabi niya at tinago na sa bag niya ang slumbook niya. Kakaiba din ang isang to, medyo old fashion pa. Hindi na kaya yan uso ngayon noh, kasi pwedeng pwede mo na gawin yan sa socmed.

Kinabukasan.

Start na nang pag tuturo ko sa freshaman ng step na sasayawin nila. Kasi may inter Sports daw magaganap next month.

Medyo mahirap naman turuan ang mga to. Cheerleader ba talaga sila, or first time pa lang nila.

Kasama pala si Clarissa sa mga cheerdancer, palagi ko siya pinapagalitan kasi di niya makuha ang step. Buti nga sa kanya, trying hard kasi.

Nagpahinga muna ako sa bleachers ng Gym, at nagpunas ng pawis. Tuwing vacant kami magpapractice, pag ako nabwèsit sa mga to. Bahala na sila sa buhay nila.

"Magpalamig ka muna"-sabi ni Daryll at naupo pa malapit sakin at may binibigay na drinks at kung ano. Kinuha ko ang drinks na inaabot niya at pagkain, nang buksan ko ito. Isang spicy burger.

"Sayo na lang to, hindi ako kumakain nito eh"-sabi ko at binalik sa kanya yung pagkain.

"Akala ko ba kumakain ka nito?"-he ask na parang nadismaya nang ibalik ko to sa kanya.

"Dati yun, hindi na ngayon"-sabi ko at tumayo na.
"Magpapractice na kami ulit."-sabi ko at nagtungo na ulit sa gitna nang gym. At tinawag na ang mga trainers ko.

At nagsimula na nga kami.

"Clarissa ano ba!"-pagalit kong saad rito. "Lambutan mo naman katawan mo, puro ka pabebe."-panenermon ko rito. Ang tigas kasi ng katawan, hindi na sana nagcheerleader.

Lumipas ang mga araw na paulit ulit na lang ganito, magbibigay ng drinks si Daryll or kaya naman minsan si Vince, pero di ko gusto ang mga pagkain na binibigay nila.

Nakakapagod naman maging choreographer pala, kaya ayoko na sumayaw eh. Kasalanan to ni Vince, paepal kasi ang isang yun.

Tapos na ang practice ng mga trainers ko, at nagpapahinga ako sa bleachers. Nang dumating si David at may inaabot na pagkain sa akin at inumin.

"Wow Chuckie, Sundae at cupcakes, favorite ko ito."-sabi ko at tuwang tuwa nang tanggapin ko ang binigay ni David sakin, sa lahat na nagbigay ito ang pinakagusto ko. Favorite kasi naming kainin to ni mommy since bata pa ako.

MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now