👑 MY ULTIMATE KING 👑
CHAPTER 36
AFTER 42 MONTHS LATER
1 Month na lang, gagraduate na kami nang bestfriend kong si David.
Malamang siya ang magna cumlaude. Siya lang naman ang pinaka top student sa buong senior student eh.
Akala ko, ako na talaga ang matalino. Hindi pala, pero hindi naman ako naiinggit sa kaniya. Proud pa nga ako eh.
Malapit na ang final exam namin, kaya madalas na kami magkasama ni David para magreview. Madalas naman talaga kami magkasama eh, hindi kami nagsasawa na palagi kaming magkasama.
Madalas kami mag hang out kasama si Vince, patinna rin si Matteo at Hazel, college na rin kasi silang dalawa.
At ngayon kasabay ko naglalakad sa hallway si Hazel.
"Ate, pakibigay na lang ito kay kuya ah. Maaga kasi siya umalis nang bahay eh. Notice yan para sa kaniya sa isang agency."-sabi ni Hazel at may inabot sakin na parang sobre.
"Sige ibibigay ko ito."-i said at binasa ang nasa harapan nito.
Notice ito sa isang agency sa ibang bansa ah.
"Ate, kailangan ko nang mauna. Mukhang malelate na ako"-sabi niya at nagmadali itong umalis. Habang ako napahinto sa paglalakad.
Nag apply ba abroad si David? So ibig sabihin, mag aabroad siya after graduation? Tapos ako, iiwanan niya.
Dinial ko naman agad ang number niya para tawagan ito. Wala pa kasi kaming pasok sa ganitong oras this day.
Agad naman siyang sumagot sa tawag ko.
"Nasaan ka?"-tanong ko agad nang saguiun niya ito.
"Kasama ko si Vince sa Music room"-said David.
Nag aaral kasi mag piano si Vince, bilang kaibigan palagi siya sinasamahan ni David pag free time ito. Habang si Daryll naman, nagpalit siya nang course at gusto niya daw mag abogado.
"Okay, magkita na lang tayo sa class natin."-walang gana kong saad at binaba na ang tawag.
Bakit ba siya naglilihìm sakin, matagal na ba siya nag apply sa agency na yun?
Naglakad ako patungong music room, gusto ko siya komprontahìn about dito.
Pagdating ko sa tapat nang music room, natanaw ko mula sa ceiling window ang dalawa. Nagkukwentuhan sila at parang seryoso ang pinag uusapan.
Papasok sana ako nang marinig ko ang usapàn nila.
"Bakit ba ayaw mong ipaalam kay Cyd na mag aabroad ka.?"-Vince. Pareho silang nakatalikod sa may pinto kaya hindi nila ako napansin.
"Sa tingin mo pipigilan niya kaya ako? Parang hindi noh?"-David. Sa nagdaang mga taon, para kaming mag jowa ni David. Dahil nga sa M.U stage na kami. Mag M.U na naghàhàlikan, magkayakap at minsan magkatabi kami sa pagtulog.
Nakikitulog kasi ako minsan sa apartment niya, may sarili na siyang apartment. Na malapit sa school, para hindi na siya malate sa school at kasama niya si Hazel sa apartment na yun.
"Siyempre Oo, tiyaka mabuti na yung alam niya. Baka magalit siya sayo kung hindi mo sasabihin agad."-Vince.
So totoo nga? Pero hindi ko siya kokomprontahin sa ngayon. Aantayin ko siya na sabihin niya nang kusa sakin ang totoo or balak niyang pag alis.
Pumasok na ako sa loob, na siyang paglingon nilang dalawa at parang nagulat pa nang makita nila ako.
"Ano bang pinag uusapan niyo?"-kunwa'y tanong ko.
YOU ARE READING
MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)
RandomThe genius girl, and popular dancer in socmed, to find her true love and her ultimate king. This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotiona...