CHAPTER16

192 18 1
                                    

👑MY ULTIMATE KING👑

CHAPTER 16

"David ang kamay ko."-sabi ko ng huminto na kami sa paglalakad at sa paghila niya sa akin.

"Sorry"-sabi niya ng bitawan niya na ang kamay ko.
"Sorry sa nangyari kanina"-he said at napayuko pa.

I tapped his shoulder.

"It's okay, thank you for saving me. Kung hindi dahil sayo baka nabagsakan ako ng mga libro."-sabi ko na kinalingon niya, pinilit ko ang ngumiti sa harap niya.

"Next time wag ka na magpapatalo kina Clarissa ah. Kailangan ko na pumunta sa parking lot, baka inaantay na ako ni dad"-paalam ko rito. He just nodded. "See you sa monday"-sabi ko pa bago ako tuluyang umalis at nagtungo sa parking area.

*Kotse.

Pauwi na kami ni dad ngayon.

"Dad, kilala niyo po ba si Daryll?"-bigla na lang tanong ko kay dad na kinalingon niya sakin.

Bakit ba kasi biglang lumabas yun sa bibig ko.

"Daryll Alvarez?"-he ask. Habang nakatuon na ang attention sa daan.

"Yes po"-ako.

"Anak siya ng ka business partner ko, inaanak na rin. S-siya yung e-escort mo diba"-sabi niya na parang nauutal utal pa. So siya nga talaga yun? Pero bakit ganun, parang hindi ako masaya nung ma confirm ko na si Daryll nga yun.
"Bakit mo nga pala natanong?"-he ask. Umiling naman ako.

"Wala lang po, siya lang kasi ang hindi ko nakilala nung time na yun"-i said. Bigla na lang kasi siya umalis, naiwan niya pa sapatos niya.

Ibabàlik ko yun sa kanya pag may time na at pagkakataon na.

"Teka anak, yung tungkol pala sa inyo ni David"-sabi ni dad at bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Teka alam na kaya ni dad na nagkiss kami kanina ni David, may nakakita kaya nun tapos sinabi nila kay dad. Oh no!

"Dad, hindi namin sinasadya ni David yun. Sorry po"-sabi ko at nakayoko kasi sobrang hiyang hiya ako ngayon kay dad, kasi malamang alam niya na.

"Basta anak, wag kang mananakit. Hayaan mo sina Clarissa, ako na bahala kakausap sa kanila"-sabi ni dad, napalingon naman ako sa kanya. Wait, ibig sabihin hindi yung scene namin ni David sa library ang tinutukoy niya.

"Po."-ako.

"Nag sumbong sakin ang Ssg president bago ako lumabas ng office ko, nakita niya ang ginawa ni Clarissa kay David"-dad explained. Hay. Salamat naman, akala ko yung kissing scene na namin ang tinutukoy niya. Napahinga ako ng malalim, sana nga walang naka kita nun.

Lumipas ang mga araw, balik nga kami ni David sa pagiging magkaibigan namin, pero medyo naiilang ako sa kanya. Si Vince naman, inaaya niya ko minsan mag lunch. Si Daryll naman, palagi niya ko binibigyan ng maiinum tuwing umaga.

"Cyd, para sa magandang classmate ko."-saad ni Daryll at may linapag na drinks sa desk ko at naupo pa siya sa upuan ni David.

"Hindi mo kailangan bigyan ako"-sabi ko, ano ba akala niya sakin wala akong pambili.

"It's okay, ang parents natin magka business partners kaya dapat maging friends din tayo"-saad ni Daryll habang todo ngiti ito. Kailangan ba talaga yun?

"Excuse me, may problema ba dito Cyd?"-tanong ni Vince na nasa likod ko na pala.

"Excuse me, upuan ko yan"-sabi naman ni David na kakarating lang. Teka? Dalawang kaibigan ko tapos gusto pa ata dumagdag ni Daryll.

"Grabe kana Cyd, pinag aagawan ka nang tatlong pogi dito"-rinig kong saad ng isa sa classmates namin. Pinag aagawan?

Tumayo naman si Daryll mula sa kinauupuan niya na pwesto ni David. Masyado bang mahaba ng buhok ko para pag agawan nila. Pero friends lang kami noh. Bawal na lumampas don.

MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now