👑MY ULTIMATE KING👑
CHAPTER 21
Cafteria.
"Sandali lang Cyd, may pupuntahan lang ako saglit. Order mo na lang ako, bayaran na lang kita pagbalik."-paalam ni Daryll sakin nang makarating kami sa Cafeteria.
"Sige, balik ka agad ah"-sabi ko rito, nagmadali naman siyang umalis. Pumila na ako para mag order. Kinapa ko ang wallet ko sa bulsa ng bag ko. Pero.. bakit wala. Binuksan ko ang malaking pocket ng bag ko, wala rin. Teka? Saan ko ba nahulog yun? Ang alam ko kasi dala ko yun.
Umalis muna ako sa pila at lumabas ng Cafeteria.
Hala, saan ko ba nahulog yun? Marami pa namang laman yun."Hi Cydrey."-rinig kong saad ni Clarissa kasama ang mga julalay niya.
"Wag mo kong guluhin, may hinahanap ako"-sabi ko at nagpatuloy na naglalakad sa hallway.
"Ano bang hinahanap mo? Pwede ka namaing tulungan."-nakangiti niya pang saad. Ang bait niya naman, kaplàstikan nga lang.
"Nawawala kasi wallet ko eh"-saad ko. Mas okay na yun, para naman mahanap ko agad.
"Anong kulay ang wallet mo?"-tanong ni Aiza.
"Blackred siya. Tulungan niyo na lang ako, para naman may silbi kayo."-mataray kong saad.
"Blackred? Parang nakita ko siya sa isang tao kanina"-Aiza. Kaya napalingon ako ng diretso sa kaniya.
"Are you Sure Aiza? Kanino mo nakita?"-tanong ni Clarissa dito.
"Sumunod kayo sakin"-sabi ni Aiza at nagmadali itong naglalakad. Kaya sinundan namin ito nina Clarissa.
Nakarating kami sa Library room.
Wala naman masyadong tao rito. Si David at Vince ang linapitan ni Aiza.
"Hoy David. Ilabas mo yung wallet ni Cydrey. Alam ko ikaw kumuha non"-paasik na saad ni Aiza kay David. Nagulat naman ang dalawa sa mga sinabi ni Aiza.
"Pwede ba Aiza. Dahan dahan ka sa pambibintang mo"-saway ni Vince rito. Kailan pa sila naging close?
"Hindi ako nambibintang. Alam ko na si David ang kumuha ng wallet ni Cydrey, kitang kita nang dalawang mata ko."-saad ni Aiza at hinablot ang bag ni David.
"Aiza ano ba!"-saway ni Vince rito. Binuksan ni Aiza ang bag ni David at hinaloghog ito at hinolog niya sa sahig ang mga laman nito.
At nandun nga ang wallet ko. Pinulot ito ni Clarissa at binuksan. Wallet ko nga.
"Sandali, hindi ko alam kung pano yan napunta jan"-saad naman ni David.
"Really? Eh pano nga ba?"-Clarissa said habang nakataas ang kilay kay David.
Nagtitinginan naman yung ibang estudiyante na nasa loob ng library. Inagaw ko kay Clarissa yung wallet ko.
"Diba nga, kailangan mo ng pera sa nanay mong may sakit. Kaya mo ninanakaw ang wallet ni Cydrey, at nakikipag close ka pa sa mga richkid na tulad nila."-nakataas noong saad ni Clarissa.
"Hindi totoo yan"-David habang pinupulot niya yung mga gamit niya at inalagay sa loob ng bag niya.
"Pwede ba Clarissa, manahimik ka na. Ako ang lumapit kay David at hindi siya. Cyd, wag ka maniwala sa kanila. Walang ginawa si David sayo"-pagdedepensa ni Vince kay David.
"Wala ba talag? Eh mukhang pera yan eh."-sabi pa ni Clarissa. Naglakad ako palabas ng library room.
Narinig ko ang boses ni Vince at David na nakasunod sakin.
YOU ARE READING
MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)
RandomThe genius girl, and popular dancer in socmed, to find her true love and her ultimate king. This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotiona...