CHAPTER 25

176 18 0
                                    

👑 MY ULTIMATE KING 👑

CHAPTER 25

Natigil kami sa paghahalikàn at nagkahiwalay ang labì nang isa't isa nang mapadaing ako dahil nakagat ni David ang labi ko.

"Sorry. Hindi ko sinasadya"-he said napahawak pa ako sa labi ko. "Ikìss ko na lang ulit para mawala ang sakit"-sabi niya at dali dali akong hinàlikan na tila nagùlat pa ako dahil sa ginawa niya.

"Grabe ka naman. Medyo nawala na."-medyo natatawa ko pang saad, kaya medyo natawa na rin siya. Ang saya naman nang puso ko, nakita ko na ulit siyang tumawa sa harap ko.

"Basang basa na tayo. Baka magkasakit ka pa"-sabi niya at pinulot yung payong namin at sumukob ulit kami kahit basang basa na. Hinawakan niya pa ang kamay ko at sabay na tumakbo papunta sa waiting area ng bus stop.

Nang makarating kami sa bus stop, medyo linalamig na nga ako.

"Magtataxi na lang ako"-saad ko kay David.

"Sige. Magpapara lang ako ng taxi."-sabi niya at nag abang nga nang taxi. Nang may huminto nang taxi sa harapan namin. Pinagbuksan pa ako ng pinto nang sasakyan. Agad akong sumakay nang taxi.

"I message mo ko pag nakauwi kana ah"-bilin niya pa bago sinara ang pinto ng sasakyan. Umandar naman ang sasakyan nang sabihin ko kay manong ang address ko. Tinanaw ko pa si David sa likod na nakatayo at tinatanaw ang pag alis ng sasakyan habang naka payong.

Napangiti naman ako ng husto. Napahawak pa ako sa labi ko na kanina ay kàhàlikàn siya. Totoo ba talaga yun?

Pero bakit nga ba ako nakipaghàlikàn sa kàniya. Tatlong beses na kami naghàlikàn. Una yung sa library na hindi sinasadya, pangalawa yung nakulòng kami sa library na nàhàwàkan niya pa ngà yung dèd3 ko.

Siguro kung hìndi namin napìgilan ang mga sarìli baka kung ano na nangyàri samin.

At ngayon ako nanaman ang unang nànghalik sa kaniya, na hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ko ba ginàwa yun.

****

"Sorry po. Mom, Dad."-pagmamakaawa ko pang panghingi nang tawad kina mommy nang abutan ko sila sa sala pag kauwi ko.

"Sige na, maligo kana at magbihis. Baka magkasakit ka pa."-saad ni dad na medyo mahinahon at parang nagpipigil na pagalitan ako.

Mukhang konti na lang mauubos na ang pasensiya ni daddy sakin eh.

Nang makaakyat ako sa taas at sa kwarto ko. Agad akong naligo. Pagkatapos kong magshower at makapagbihis.

Binuksan ko ang bag ko at binuhos sa kama ko ang laman nito. Buti na lang talaga water proof ang bag ko.

Naalala ko, sabi pala ni David magtext daw ako sa kaniya pagkauwi ko.

Agad naman ako nagtype para itext si David.
Teka? Ano bang meron samin? Bakit nga ba kami nag kiss kanina? Kami ba?

"Nakauwi ako nang safe🙂"-i sent.

Maya maya pa tumunog ang  phone ko. Nagreply siya agad.

"Mabuti naman.🙂"-David. Napahiga naman ako sa kama ko. Ano kaya magandang topic?

Nagtype naman ako para replyanan siya. Pero hindi ko pa nasesend nagtext siya ulit.

"Isuli ko na lang yung payong mo, isuli mo rin Jacket ko"-David.

Ay oo nga pala, nadala ko ang Jacket niya.

Nagtype ako ulit.

"Okay. Isusuli ko. Busy ka ba?"-Ako.

MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now