👑MY ULTIMATE KING👑
CHAPTER 15
"Mr. Alvarez, maupo ka muna sa may likod ni Cydrey. Habang absent pa ang classmate niyo"-sabi ng prof namin at tinuro sa may likod ko na absent nga yung nakaupo rito. Kaya naglakad naman si Daryll at naupo sa may likod ko.
Possible kaya na siya si Daryll A, yung escort ko.
Nagsimula na ang prof mamin para sa lesson.Tanungin ko kaya siya, pero bakit iba ang boses niya. Hindi naman kasi ganun ang boses niya nung nab usap kami. Sa bagay may sipon pala siya nun.
Kung meron may alam tungkol rito, malamang si Dad yun. Pero nakakahiya naman kung tatanungin si dad about don. Baka isipin niya sobra akong interesado sa isang lalaki. Sobrang nacu-curious lang talaga ako.
Dismissal na at next subject na namin si dad, bakit ba kasi pare-pareho pa kami ng courses, ayan tuloy classmate ko pa sila.
"Lexis, samahan mo ko sa library ah."-sabi ni David sakin. Wait? Inaaya niya ako? First time ah, ako kasi madalas humila sa kanya papunta kung saan-saan.
"Sige"-sabi ko at tumango-tango pa.
"Hi, your Cydrey right?"-tanong ni Daryll mula sa likod ko. Liningon ko naman siya.
"Yes i am."-ako.
"Napaka ganda mo nga, lalo na't maliwanag na at naaaninag ko na ang mukha mo."-he said while he smiling at me.
Teka? So nakita niya ako dati sa madilim? That's mean sa araw ng debut ko. Ibig sabihin siya nga yun.
"Kamukhang kamukha mo talaga si tito Cyriel noh"-sabi pa niya at nakatingin kay dad na nasa unahan. So, siya nga talaga yun?
Pero ibang iba talaga ang boses niya, sa boses ng escort ko na nakausap ko that night. Kulit naman, may sipon nga siya that time.
"Ah Sir, pwede po magtanong?"-tanong nang isa sa kaibigan ni Clarissa.
"Yes, ano ba yun?"-dad habang nakaupo sa unahan at may sinusulat ito.
"Bakit po mag kaapelyido kayo ni Cydrey?"-tanong nito, nagkatinginan naman kami ni dad.
"Mag ama sila, siyempre"-biglang sabat ni Daryll. Kaya parang nagulat maman ang ibang classmates ko. Lalo na ang Grupo ni Clarissa. Napaka tsismoso naman ng lalaking to. Nagbulong bulongan pa sila.
"Mag ka apelyido lang sila"-rinig ko naman na sabat ni Vince sa likod. "Bakit ba kailangan niyo pa tanungin ang tungkol sa bagay na yun?"-seryoso naman na saad ni Vince.
"Oo nga class, kung malaman niyo nga na anak ko si Cydrey, ano sasabihin niyo. Ibubully niyo siya, na kaya siya palaging highest sa quiz or an pa man dahil sa anak siya ng Professor or owner. Sige sagutin niyo."-seryosong saad ni Dad, kaya tahimik naman ang lahat.
"Kaya walang mangbubully kay Cydrey at sa kaibigan niyang si David. Hindi porket genius silang dalawa, ibubully niyo. Mag aral din kayo ng husto para mahigitan niyo ang dalawang genius sa buong freshman student"-dagdag pa ni Dad.
Hay naku naman. Napaka ichosera kasi ng mga babaeng yan, nalamana tuloy nila na anak ako ni Daddy.
After nang subject namin kay dad, pumunta nga kami ng library ni David.
"Bakit nga pala, bigla ka na lang nang aaya dito. First time ah?"-tanong ko kay David habang naghahanap kami ng aklat sa mga book shelves.
"A-ahm, wala lang. Pano pala yan, alam na nila na anak ka ni Sir.?"-he ask.
I shrugged my shoulder.
"I dont know, baka ibully nila ako ulit. Pero hindi naman ako magpapatalo sa kanila."-seryosong sabi ko, naka handa ako sa lahat na pang bubully nila.
YOU ARE READING
MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)
RandomThe genius girl, and popular dancer in socmed, to find her true love and her ultimate king. This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotiona...