👑MY ULTIMATE KING👑
CHAPTER 9
"Kilala ba kita?"-tanong ko sa lalaking kasayaw ko, umiling naman siya. "Nagkita na ba tayo lately?"-i ask again. Umiling ulit siya, wala ba siyan balak magsalita.
Hindi na ako nagtanong pa, wala rin naman kasing makukuhang sagot.
After naming sumayaw. Sunod naman yung 18 candles ko, 18 gifts, 18 shot, Basta ganun.
Nakailang beses din akong palit ng gowns ko.Pero okay lang, parang reunion na rin kasi ito ng relatives namin, dahil halos lahat sila nandito. Nagpapicture naman sakin yung 18 candles and all that, pero isa ang napansin ko na wala sa nagpapaicture na kasama ang 18 roses ko. Yung escort ko. Nasaan na kaya siya.
After nang lahat siyempre kainan na. Busy naman silang lahat kumain at magkwentuhan. Kaya lumabas muna ako ng bahay na hanggang sa labas maraming bisita.
Hawak hawak ko naman ang dulo ng gown ko, kasi sumasayad siya sa lupa.
Nasaan kaya siya? Napaka kill joy niya naman, gusto ko pa naman siyang makilala. Naglakad lakad pa ako sa garden namin, nang may nakita nga akong lalaki na nakaupo sa may damuhan at nakatingala sa taas.
Kaya naman tumingala din ako, maraming stars sa kalangitan. Tinignan ko ulit yung lalaki, naka mask siya, so siya yung escort ko. Kasi yan ang suot niya kanina eh.
Linapitan ko naman siya, napansin niya ata na may tao kaya lumingon siya sa akin at tumayo mula sa pagkakaupo, at pinagpag ang nadumihan niyang pants.
"Hindi ka ba papasok sa loob? Hinahanap ka kasi, gusto nila makilala ang escort ko"-sabi ko at pinilit kong ngumiti sa kanya.
"Umh, nahihiya kasi ako"-sabi niya. Hala. Nagsalita din siya sa wakas. Pero parang ngayon ko pa lang narinig ang boses niya, so hindi nga kami magkakilala.
Mahiyain naman pala talaga. Kaya halos hindi siya nagsasalita kanina.
"Pasok kana sa loob, baka hanapin ka nang mga bisita mo"-sabi pa niya, at parang umubo pa siya ng konti. "Tiyaka pasensiya kana, medyo masama kasi pakiramdam ko. Kaya gusto ko mapag isa"-sabi pa niya. Halata nga, para ngang may sipon pa siya eh.
"Inum ka nang gamot mo, para gumaling ka agad."-sabi ko rito. Kawawa naman pala, kahit may sakit siya pinilit niya pa pumunta rito.
"Salamat"-he said. Inabot ko naman sa kaniya ang panyo ko kasi may tumutulong sipon mula sa ilong niya.
"Punasan mo, tignan mo"-sabi ko at linagay pa sa kamay niya ang panyo ko. Agad niya nga itong pinunas gamit ang panyo ko.
"Nakakahiya naman, bakit ba kasi nagkasipon pa ako. Sige ah, uwi na ako. Baka mahawa pa kita"-sabi niya at akmang aalis.
"Sandali anong panagalan mo?"-tanong ko, sandali naman siyang nanahimik.
"Cyd, nandito ka lang pala"-rinig kong boses ni tita Kaomi.
"Sige ah, alis na ako"-sabi nang escort ko at tumakbo ito paalis.
"Uyy, wait lang"-sigaw ko. Grabe naman! Hindi pa nga sinasabi ang pangalan niya. Napatungin naman ako sa may damuhan, naiwan niya isang kapares ng sapatos niya. Pinulot ko naman ito at tinignan.
Pangmayaman ito ah, sobrang mahal kaya nito. Brand kasi ito ng sapatos nina tita Jemah.
"Cyd, kanino yan?"-tanong ni Tita Kaomi nang makalapit ito sa akin.
"Naiwan nung escort ko, umuwi na kasi siya. May sakit kasi siya, kailangan niya magpagaling"-i explained.
"Kilala mo na ba siya? Para kasing ngayon ko pa lang nakita eh, tapos di ko pa maalala kasi nga may mask pa"-tita said. Inamoy ko naman yung sapatos. Ang bango ah. "Baliw ka ba, baka may alìpùnga yun noh. Kaďìri ka!"-sabi pa ni tita na parang dirìng dìri.
YOU ARE READING
MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)
RandomThe genius girl, and popular dancer in socmed, to find her true love and her ultimate king. This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotiona...