CHAPTER 32

189 15 0
                                    
👑 MY ULTIMATE KING 👑

CHAPTER 32

Napatayo naman ako mula sa pagkakaluhod sa sahig.

"Anong ginagawa mo dito? Pano napunta sayo itong paniyo ko?"-nagtataka kong tanong sa kaniya. Matagal ko na kasing hinahanap ito, pero hindi ko makita. Akala ko nga nawala na eh.

"Binigay mo sakin, nung time na sinisipon ako. Maraming salamat."-sabi niya at medyo yumukod pa siya na parang nagbow sakin.

"Kailan ba yun?"-tanong ko, wala naman kasi akong matandaan na binigay ko ito sa kaniya.

"Binigay mo yan sakin nung gabi nang debut mo, naalala mo na ba?"-he said direct in my eyes. Inisip ko naman nang husto, pero naalala ko binigay ko ito kay Daryll that night hindi kay David.

What the! Napatingin naman ako nang husto kay David mula ulo hanggang paa. Ano ang ibig niyang sabihin? Naguguluhan ako.

DAVID ACOSTA'S P.O.V

"David may Favor sana ako, wag mo na sana akong tanggihan pwede ba yun?"-tanong ni Sir Cyriel nang pumasok ito isa sa mga bus, habang nandito sa parking station at naglilinis ako nang bintana.

"Ano po ba yun Sir?"-tanong ko. Sir Cyriel, ay isa sa mga ninong ko nang binyag ako. Nalaman ko na may ninong pala ako na mayaman nung mag part time ako rito sa Bus transport nang mga Fuentebella.

Basta nalaman niya na lang na Anak ako ng mama Yveth ko, at nagpakilala siya na magkaibigan daw sila. At dun ko na rin nalaman na ninong ko pala siya.

"Yung escort kasi nang anak ko, hindi siya makakarating next day sa debut niya. So pwede mo bang eescort ang anak ko para sakin?"-he ask to favor.

"Pero Sir, hindi po talaga ako mahilig sa ganiyan."-pagtanggi ko.

"Alam ko, pag tinanggihan mo ko ngayon. Ibig sabihin tatlong beses na."-he said. Dalawang beses niya na kasi akong inalok na mag maging isa sa 18 roses ng anak niya na hindi ko naman kilala.

Pero ngayon, escort naman. Nakakahiya kasi, at hindi ako mahilig sa ganun.

"Pero Sir, wala po kasing susuotin-----"

"You mean pumapayag ka, oh right sabi mo yan pumapayag kana. Ako na bahala sa lahat. Sige aalis na ako"-sabi niya at nagmadaling bumaba nang Bus.

Tuwang tuwa siya na pumayag ako. Sa bagay, kung walang escort ang anak niya. Baka mapahiya lang sa bisita. After ko maglinis nang mga bintana nang Bus. Pinagpatuloy ko na ang ginagawa pagdodrawing sa babae.

Last time nakita ko siya dito sa Bus na sumakay, at wala siyang barya pambayad. Kaya 1K ang binabayad niya at binibigay na sakin ang sukli. Pero kahit gaano ko pa kailangan ang pera, hindi naman tama na tanggapin ko yun.

Baka kasi isipin nila, strategy namin yun para hindi na sila suklian.

Ang cute niya kasi eh, kaya naisipan ko lang na idrawing siya sa sketch pad ko. Pag boring ako, ganito talaga ginagawa ko.

MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now