CHAPTER 27

184 14 2
                                    

👑 MY ULTIMATE KING 👑

CHAPTER 27

"Ate Cyd. Nasan ka."

Natigil naman kami sa pàghahalikàn ni David nang marinig namin pareho ang boses ni Hazel. Kaya naitulak ko si David at napahiga siya sa higaan niya.

Bumangon naman ako at inayos ang nagulo kong buhok at nagmadaling lumabas nang kwarto ni David. Muntikan na ako don.

"Ate, nakita mo na ba ang kuya ko. Sinungìtàn ka ba?"-tanong ni Hazel nang makalabas ako nang kwarto at nasa may pinto na pala ito.

"Uhm.. Oo, ang sungit n-niya nga."-sagot ko na mediyo nauutal pa.

"Tara na. Mamimingwit na tayo nang isda sa may ilog"-pag aya ng kapatid ni Hazel na si Duke. May dala dala itong balde at pamingwit.

*****

Ang ganda naman pala nang ilog nilà dito. Hindi marumi, pwede nga liguan ito. Kaso sensitìvè ang balat ko. Kaya bawal ako maligo sa ganiyang tubig.

Kasama namin si Matteo na namimingwit nang isda ngayon. Ang linalagay na pangpain ni Hazel ay yung parang isaw ng manok.

"Masungit ba talaga ang kuya mo Hazel?"-seryosong tanong ko kay Hazel.

"Oo. Tapos pala utos pa sakin. Panay sermon sakin, pagmalate lang ako nang uwi palagì akong pinapagaĺitan. Kaya hindi siya nagkaka girlfriend dahil sa ugali niya"-sabi ni Hazel na parang nanggigil ito.

"Talaga?"-tanong ko habang pinapanood sina Matteo at Duke na masayang namimingwit sa may dulo.

"Super ate Cyd. Tapos sa school niya, bait baitan yun. Naku, napaka plastic"-sabi pa ni Hazel at napapairap nang husto. Napatango tango naman ako.

Ganun pala si David pag nasa bahay nila. Akala ko sa kaniya inosente, pero mahilig pala siya manglàplàp at mangàkat. Hahahah.

"Okay ka lang te. Bakit parang ngiting ngiti ka?"-paninita ni Hazel kaya tinikom ko naman ang bibig ko at pinigilan na ngumiti. Nakangiti ba ako?
Parang di naman.

"Wala ito. May naalala lang ako."-pagkunwari ko.

Sa dalawang oras naming pamimingwit, nakarami na sina Matteo at Duke. Samantalang ang lalagyan namin ni Hazel, kukonti pa lang ang laman.

Nakaramdam naman ako nang gutom, hindi pala kami nagdala nang pagkain pagpunta namin rito. Kaya naman inaya ko si Hazel na umuwi muna sa bahay nila para kumuha nang pagkain.

Malapit lang naman ang lalakarin papunta sa bahay nila. Pagkarating namin, dumiretso kami sa kusina kasi nandoon ang mga pagkain na binili ko. At habang namimili nang dadalhin namin si Hazel kumakain na rin ako kasi nagugutom na talaga ako.

Bumukas naman ang pintuan nang banyo nila nasa kusina lang, lumabas mula rito si David. Napanganga naman ako nang makita ko ang itsura niya. Naka topless lang naman siya, habang busy magpunas ng basang buhok niya. Oh yummy!🤤

"Kuya. Seryoso ka ba?"-Hazel habang nakairap itong nakatingin kay David.

"Bakit?"-tanong nito at busy magpunas nang buhok niya na hindi lumilingon samin.

Tìnikom ko naman ang bibig ko na kanina pa nakangangà. May konting lawày na tumulò, bwèśit.

"KUYA!"-sigaw ni Hazel na kinalingon ni David. Nagulat pa siya nang makita kami ni Hazel.

"Anong ginagawa niyo dito?"-gulat niyang tanong, at tinatakpan yung abś niya nang hawak hawak niyang isa pang towel na pinangpupunas niya kanina sa buhok niya.

"Feeling mo naman may àbs ka. Tse!"-mataray na turan ni Hazel. Kaya naman agad na naglakad si David paalis na parang nahihiya.

"May abś naman siya ah. Nakita ko"-sabi ko kay Hazel.

MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now