👑 MY ULTIMATE KING 👑
EPILOGUE
DAVID ACOSTA'S P.O.V
"Salamat nga pala Vince sa pagcomfort kay Lexis nung wala ako"-i said to Vince. Habang tinatanaw namin ang anak ko at pinsan niyang si Jessa mae na anak ni kuya Hans habang naglalaro ito sa bakuran namin kasama si Lexis.
"Wala yun, hindi naman mahirap icomfort si Cyd. Napaka strong niya, hindi man lang siya umiiyak. Siguro ramdam niya talaga na buhay ka pa."-said Vince.
"Bakit hindi mo naisipan suĺutin si Lexis habang wala ako?"-i ask Vince seriously. Bahagya siyang natawa sa sinabi ko.
"Anong klaseng tanong yan?"-natatawa niyang saad. I just smirk.
"Bakit nga ba hindi mo ginawa?"-ulit na tanong ko. Napailing iling naman siya.
"Kahit naman gawin ko yun, hinding hindi pa rin ako magiging masaya lalo na si Cydrey. Dalawa kaming nabigo lalo na si Daryll"-saad ni Vince then he smirk.
Nagbago si Daryll simula nung mabusted siya at tinakwil ng parents niya dahil sa nagawa niya. I mean, parang nagrebelde.
"Wag mo kong alalahanin bro, makakahanap rin ako nang babae na mamahalin ako at mamahalin ko. Wag ka ng makonsensiya"-sabi niya at tinapik pa ang balikat ko. Sobra kaya akong nakonsensiya nung pareho silang mabusted, lalo na kay Daryll na minahal niya ng sobra si Lexis.
"Akala ko nga sinulòt mo na asawa ko nung makita ko kayo na magkasama at kasamang bata"-Pareho naman kaming natawa ni Vince. Kahit karìbal niya ako noon kay Lexis, nakipagkaibigan pa rin siya sakin.
Naging kaibigan ko rin si Daryll kahit papano. Nainggìt pa ako sa kaniya noon, kasi may chance na matatanggap siya ng in-laws ko.
Ang saràp kasi maging parte ng pamilya ni Lexis, bukod sa masaya sila marunong pang makontento sa bagay bagay. At tinuturing na kapantay ang kapwa nila.
Lalo na ang asawa ko, galing man ako sa hirap. Kahit kailan, hindi niya ako minaliit or hinusgahan. Bagkus ay nakipagkaibigan pa siya sakin at ngayon nga asawa ko na siya at may anak na.
Dalawang buwan na ang nakalipas simula nung binalikan ko si Lexis at naging maayos naman ang lahat.
At ngayon, balik trabaho na ako sa kompaniya bilang new Ceo President. At ngayon ang innauguration ko as new Ceo President.
Mas gusto kasi ni Lexis na alagaan ang anak namin. Pero palagi raw sila sasama sakin sa trabaho kasama ang anak namin.
Siyempre dalawang taon ako nawala sa kompaniya, kaya kailangan ko ang tulad ni Lexis. Para maging kasing galing niya mag handle as Ceo. Bata pa siya sa kaniya na pinamana ang lahat na ari-arian ni Don Emilio. Kaso binigay lang nung sure na mag aasawa si Lexis.
Nagtatrabaho ako habang nakakandong sakin ang anak namin na si Davxis. Under kasi ako ng asawa ko, gusto niya akong bantayan 24/7. At baka bigla ko raw siya iwanan ulit.
At ngayon nakatulog sa bisig ko ang napaka cute na anak ko. Habang si Lexis na ang nagmeeting for clients, ayaw kasi magpababa ni Davxis. Mukhang magagaya ito kay Lexis na daddy's girl eh. Mas gusto niya kasi ako na ako ang kumakarga sa kaniya.
"Hello kuya"-si Hazel na kakapasok lang ng office ko, kasama si Matteo. Alam ko na rin ang relasiyon nila. Buti na lang at kapatid ni Lexis lang ang nagustuhan niya.
"Anong sadya niyo?"-tanong ko sa mga ito.
"Eh, magpapaalam sana ako. Magdedate kasi kami ni Matteo ngayon. Pwede po ba?"-tanong niya na may paglalambing. Magka holding hands pa silang dalawa. Okay naman sakin ang mag date sila. Kasi graduating na sila pareho this month.
YOU ARE READING
MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)
RandomThe genius girl, and popular dancer in socmed, to find her true love and her ultimate king. This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotiona...