👑MY ULTIMATE KING👑
CHAPTER 13
"Clarissa ano bang nangyari sayo?"-tanong ni dad kay Clarissa ng makaupo na sila sa pwesto.
"Kasi po sir... D-don't mind this Sir."-Clarissa said habang pilit niyang tinatakpan ang mukha niya ng panyo niya.
Pinipigilan ko naman ang matawa. Hay naku. Pag binully niya ulit kami, hindi lang yan ang matitikman niya.
Nag start na si dad ng Lesson niya.
Dismissal.
"David, sumama ka sakin ah. May ipapakita ako sayo"-sabi ko rito kasi baka bigla na lang siya umalis. Tumango lang naman siya. Kaya sabay na kami lumabas ng room, sinama ko siya sa cafeteria kasi bibili muna ako ng makakain namin.
Pinagtitinginan naman kami ni David ng ibang student. Kaya nang makuha ko na ang order ko, umalis na agad kami sa cafeteria at pumunta kami sa favorite place naming dalawa.
Sa damuhan kami nakaupo.
"Para sayo ito David, palagi ka na lang kasi nagpapagutom."-sabi ko at binigay sa kanya ang ibang pagkain na binili ko.
"Next time ililibre din kita Lexis"-sabi niya habang naka smile.
"Kahit wag na, diba kaya ka nagtitipid kasi may sakit ang nanay mo"-sabi ko parang nagulat pa nga siya sa sinabi ko.
"Pano mo nalaman yun?"-tanong niya na parang gulat na gulat pa. Hala! Baka sabihin niya tsismosa ako.
"U-umh. Narinig ko lang sa iba."-palusot ko, nabasa ko lang kasi na may sakit ang nanay niya sa application form niya ng scholarship.
May ibibigay pala ako sa kanya, kinuha ko naman yung luma kong phone sa bag.
"Sayo na to"-sabi ko at inaabot ang phone sa kanya.
"Sakin?"-tanong niya at tinuro pa ang sarili niya.
"Oo"-ako.
"Pero, nakakahiya naman. Tiyaka hindi akk marunong gumamit niyan"-sabi niya na parang nahihiya pa. Kaya naman lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya.
"Tuturuan kita"-sabi ko at inopen ang phone. Siyempre may sim card at load to. I go to the google app. "Itong app na ito, pwede mong gamitin pag may isesearch ka na mga tanong na hindi mo maintindihan sa lesson natin. Then meron ding mga images."-sabi ko at nagtype pa sa searching.
Tumango-tango lang naman siya.
Then next sinave ko ang phone number ko, tinuruan ko rin siya kung pano tumawag, mag message at siyempre ginawan ko pa ng fb account, para friends na kami.Kinunan ko naman siya ng picture, medyo nahiya pa nga siya ng picturan ko siya at nagpicture na rin ako na kasama siya. At in upload ko sa Facebook account niya, tinuruan ko naman siya kung pano gamitin.
"Hindi ba magagalit ang dad mo kasi binigay mo sakin ang lumang phone mo?"-he ask, kaya napatitig naman ako sa kanya. Kilala niya ang daddy ko? Eh hindi ko naman pinapalam na dad ko ang prof namin eh.
"Kilala mo ang dad ko?"-nagtatakang tanong ko.
"Oo, nakita ko kasi na sumakay ka sa kotse niya. Tapos mag kaapelyido pa kayo at magkamukha"-he explained. I just nodded. Kaya naman pala, pero parang si david lang naman nakahalata.
"David, secret lang natin yun ah. Ayoko kasi ipaalam na daddy ko ang prof natin, alam mo naman baka isipin nila kaya mataas mga score ko because of dad"-sabi ko rito, david just nodded.
"Okay, your secret is safe with me"-he said while smiling at me. Ang cute niya naman tuwing nag eenglish.
Kinagabihan.
YOU ARE READING
MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)
De TodoThe genius girl, and popular dancer in socmed, to find her true love and her ultimate king. This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotiona...