CHAPTER 8

249 21 0
                                    

👑MY ULTIMATE KING👑

CHAPTER 8

Nang makapasok kami ng bahay, gising na nga ang mga kapatid ko, at magugulo nanaman sila dito.

"Buti naman dumating kana"-bungad na saad ni dad na seryoso ang expression. Papagalitan niya kaya ako.

"Umh dad"-i said, pano ba ako magpapalusot.

"Tumawag sakin ang tita Jemah mo. Taranna may pupuntahan pa tayo"-sabi ni dad at naglakad ito palabas ng bahay. Huh? Saan kami pupunta? Sumunod na lang ako kaya dad hanggang sa makarating kami sa garage at sumakay.

Nang nasa biyahe na kami, palinga linga naman ako sa dinadaanan namin. Saan kaya kami pupunta?

"Nagkita na ba kayo ng kuya Hans mo?"-tanong ni dad habang nakatuon ang atensiyon sa daan.

"Hindi po"-sagot ko, close si dad at kuya Hans, alam na kaya ni dad ang totoo kung bakit mas pinili ko manirahan sa Bulacan. Si mommy lang naman kasi nakakaalam, alam niya na magagalit si dad pag nalaman niya ang totoo.

Sa dalawang taon ko sa bulacan at minsanang pagdalaw dito sa maynila, masasabi kong medyo nakakalimutan ko na nga si Kuya Hans. Siyempre nagpasexy din ako noh. Kasi nga medyo bilbilin ako dahil medyo matakaw ako.

Maya maya hininto ni dad ang kotse sa tapat ng isang botique na puro gowns. Dito ba kami magpapagawa ng gown ko. Pero bakit ba kasi kailangan pa nakagown.

Bumaba na kami mula sa kotse at pumasok sa loob ng botique. Grabe, bongga ang mga gowns dito ah.

"Tapos na ba ang pinapagawa ko?-tanong ni dad sa owner ng botique.

"Of course, Mr. Cyriel. Dito tayo"-sabi nito at tinuro patungo sa kabilang side at may nakatayong manequin rito na may redgown na sobrang haba.
"Saktong sakto yan sa debutant mo"-sabi pa nito.

Nagpagawa na pala, hindi man lang tinanong kung anong size ko, kasi nga sumexy ako.

"Ano, Cyd? Okay ba? Sabi kasi ng tita Kaomi mo. Sumexy kana, kaya saktong sakto yan sayo"-nakangiting saad ni dad.

Ilang araw na lang debut ko na, at legally age na. Ready na ba ako? Si dad at mom kasi nag aasikaso ng lahat para sa debut ko.

Linagay na sa malaking box yung gown ko, so bakit pa ako sinama dito? Hindi ko naman pala susukatin.

April 08

Lumipas ang mga araw, sobrang busy ng lahat ng tao sa bahay. Sa bahay kasi namin mismo gaganapin ang debut ko, dahil malaki naman ang bahay namin na malamansiyon. Siyempre para na rin pati kapit bahay namin makakapunta.

Eh si kuya Hans ba pupunta? Okay lang pumunta siya pero wag niyang isasama jowa niya. At baka mapagtripan ko pa siya.

This time, mini-make upan na nga ako ng isang make-up artist. Hindi ako naeexcite ngayon, hindi ko naman kasi hilig ang ganito. Nagmana lang talaga ata ako sa mommy ko. Gusto talaga nilang gawing bongga ang debut ko, dahil nung debut ni mommy, walang ganitong party dahil mas pinili niyang ipamahagi sa homeless.

"Ang ganda naman ng pamangkin ko, mag smile ka naman jan"-sabi naman ni Tita kaomi at kinunan pa ako ng pictures, "alam ko hindi mo hilig ang ganito. Pero gusto lang talaga ni kuya at ate Audrey na maranasan mo yung hindi niya naranasan nong dalaga siya."-tita kaomi's said.

Ano pa nga bang magagawa ko, siyempre masunurin akong bata. At hindi pwede tumanggi, pero thankful pa rin ako dahil meron akong ganito kumpara sa iba na wala na ngang makain tapos ako aarte arte pa.

"Marami ka pa namang mga poging bisita na puro anak ng mga kaibigan nina ate."-sabi ni Tita Kaomi.

"Patingin nga ako tita ng 18 roses ko"-i said, ako yung magdedebut pero hindi ko alam kung sino ang escort ko.

MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now