CHAPTER 19

185 14 0
                                    

👑MY ULTIMATE KING👑

CHAPTER 19

"Wedding booth?"-medyo gulat kong tanong nang mapunta kami sa booth nila.

"Opo, bagay na bagay pa nga kayo eh"-sabi pa nang isang studiyante. Napagkamalan pa kaming couple.

"Sige na po pumayag na kayo, baka po kasi pag pumayag kayo. Maraming lalapit sa booth namin. Please"-sabi pa nung isa na tila nagmamakaawa. Sa bagay kawawa naman sila, pag wala man lang sila kita sa booth nila.

"Okay sige."-sabi ko. Kaya tuwang tuwa naman sila.

Kaya naman, linagyan nila ng belo ang ulo ko at pinahawak ang fake boquet sakin.. Naka dress na ako kaya okay na to. Si David pinasuot nila na parang tuxedo.

"Bagay sayo David ah"-papuri ko pa. Bagay naman pala sa kaniya ang ganyan na suot eh.

At nagsimula na nga ang kasal kasalan, medyo dumami ang nanonood samin.

Kunwari nasa may altar na si David habang inaantay niya ako. Kaya naglakad ako papuntang Aisle kunyari habang may hawak na fake boquet.

Nang makarating na ako sa tapat niya. Kunwari nagseremoniya na.

"You are now, husband and wife. You may now kiss the bride"-fake priest.

Marami akong narinig na tilian ng estudiyante, pati yung kunwari na pari kinikilig din. Inalis naman ni David ang belo na nakatakip sa mukha ko.

Teka? Hahalikan niya ba talaga ako? Seryoso siya?

Dahan dahan niyang linapit ang mukha niya sakin.

*Dug.dug.dug.

Bakit ganun? Kinakabahan ako ng sobra. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napapikit naman ako ng mata.

Naramdaman ko ang pàgdampi ng mainit na labi niya sa ilong ko. Tapos narinig ko pa na nagpalàkpakan yung mga nanonood samin.
Napàdilat na ako ng mata.

Ginawa niya ba talaga yun? Hìnàlikàn niya ako sa ilong? Dati nahàlikàn niya ako sa làbì na hindi sinàsadya, ngayon naman sinàdyà niya na halikan ako.

Pagkatapos ng kasal kasalan namin, hinubad na rin ni David yung pinasuot sa kaniya. Kasi may mga true couples na nagsilapit at gusto nila magpakasal din.

Maya maya may inabot samin yung isang estudiyante.

"Wedding picture niyo po. Salamat ah."-sabi pa niya at bumalik na sa booth nila. Apat na pictures ang binigay samin.

Bale tigdalawa kami ni David, kaya binigay ko kay David yung dalawa. Na magkaharap kaming dalawa at ang isang picture nung hinalikan niyaa ko sa ilong.

"Wag mong ipapakita yan sa Dad ko"-sabi ko kay David at naglalakad na kami ngayon pabalik ng garden. Para tumambay ulit, kung saan madalas kami tumambay.

Kinagabihan.

Nasa library pa rin kami ni David kahit gabi na. May hinahanap kasi kami ng libro, basta kasi sa mga books magkasundo kami.

Naghahanap kami ng pwede naming basahin, sa mga bokkshelves nang biglang namatay ang ilaw.

"Oh my!"-sabi ko sa sobrang gulat at napayakap pa kay David. Medyo takot kasi ako sa dilim.

"It's okay, wag kang matakot nandito lang ako"-rinig kong saad ni David na feeling ko sobrang lapit nang mukha namin sa isa't isa. Napabitaw naman ako sa kaniya. "Lalabas na tayo, sumunod ka sakin."-rinig kong saad niya. Kumapit ako sa braso niya.

Wala akong masyadong makita dahil sobrang dilim sa loob ng library, brownout ata.

Naglakad kami ng dahan dahan, patungo sa pinto.

MY ULTIMATE KING (Escudero Series #3)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now