HTBC's CHAPTER 3

233 1 0
                                    

"Uy kamusta ka naman. Okay ka na ba?" sabi ni Angel.

"Oo, okay naman ako. Parang tanga ito. Hahah"

"Di tayo sure dyan Cass, balita ko nasaktan ka daw ni Jake." alala nito

"Sus, anong balita? Di totoo yun. Tsaka pumunta ka nga sa bahay diba" duro ko dito

"Uy, paano mo nalaman. Hindi nga kita nakita." tila amaze nito nung nalaman ko.

" Hahaha, sinabi ni Manang, hinahanap mo daw ako. Kaya ang sagot daw niya sayo ay tulog ako." tawa kong sabi dito.

"Ah, oo nga eh, tulog ka nga daw pero hindi lang iyon ang nalaman ko." seryosong tingin nito sa akin.

Tahimik lang ako at alam kong alam na niya, mula sa mga ngiti ko ay tila kinabahan ako.

Nanlamig ang mga kamay ko ng hawakan niya ito at alam ko na dama niya yun.

"Cass, seriously, tell me the truth." pisil na hawak nito sa mga kamay ko.

"ahh, ehh, kasi Angel pede bang change topic nalang. Please?!" pagchange topic ko kasi feeling ko ang sama - sama ng pakiramdam ko.

"Cass naman, seryoso ba yan?? Iibahin mo talaga? Nakakatampo ka naman eh." bitaw nito sa kamay ko.

"Oo nga, Promise ang sama talaga ng pakiramdam ko." pagdadahilan ko dito.

"Ok, sige Cass, ihahatid na kita sa inyo pero gusto ko ituloy mo yung kwento ha. Promise mo yan." Paninigurado nito habang pinandidilatan ako ng mga mata niya.

"Sus, Oo na ikaw pa, tsaka iba kasi talaga pakiramdam ko eh."

Tumayo narin ako pero bago kami umalis. Dumaan muna kami sa Jollibee para bumili ng burger meal at sundae, natatakam kasi ako bigla o dahil matagal na akong hindi nakakain nito.

Dumiretso naman na kami sa mansion para makapagpahinga ako. Pero sa hindi ko inaasahan natumba ako hanggang sa nagdilim na ang paningin ko.

Nagising nalang ako ng may maingay sa tabi ko. Si .....
.
.
.
.
.
.
.
.

Si Angel.

"Ano ba yan Angel, ang ingay ng games mo." tapik ko dito.

"Uy gising ka na pala haha" Angel

"Ay, hindi, hindi pa ako gising. Patay na ako. Ekk, ekk, ekk hahaha"

" Hahaha gaga, wag muna tsaka anyare sayo at nawalan ka ng malay. Ang bigat mo teh ah. Hahhaa" sabay hampas nito aa braso ko.

"Aray, ang sakit ah, haha, kaloka di ko din alam bat nawalan ako ng malay. Teka." sabay balikwas kong bangon at may hinahanap ako.

"teka, asan na ba yun? Angel, nakita mo ba yung ano?" tingin ko dito

"Ang ano? Alin yung ano?" takang tingin nito sa akin.

"Yung ano, hawak ko yun kanina eh. Yung mabango?!" tas nagdemo pa ako sa kanya.

" Ang alin ba? Ang gulo mo, tsaka anong mabango!? Eh wala ka namn hawak na pabango kanina?" nakapamewang na itong nagsasalita sa akin.

"Yung ano kasi, sayang yun, yung masarap"

"Hoy, Cass, kung ano-ano na yang naano mo ah. Naaano ako. Hahahha" halakhak nitong tawa.

"Baliw, haha hindi yun. Basta yung madulas hawakan haha. Tsaka malaki yun na may kasamang mahaba. Kasi namn, hawak ko lang yun kanina eh. Nawawala na. " tawa ko dito habang naghahagilap ako sa table namin ni Jake.

"Ahhh, hahhaa alam ko na, kung ano-ano pa ang sinasabi hahah!“ sabi niya.

Hanggang sa naalala ko na. Oo yun yung huling pinuntahan namin.

" YUNG JOLLIBEE!! " sabay naming sabi sabay tawa namin sa isa't-isa.

" Naku Cass, wala na. Kinain ko na. Hahaha. " tawa nito.

Napasimangot namn ako ng malaman ko yun.

" bakit mo kinain, akin yun eh." tila maiiyak ako sa ginagawa ko.

"Huy, tila ano. Tsaka nagutom ako sa kababantay sayo. Wala man lang bayad noh."

"Di bale, magpagrab na lang ako tas wait mo nalang. Btw need ko ng umuwi dahil sundong sundo na ang Papa Mark mo. Hahaha. Yieee alam mo naman yun. Tas inano mo pa ako. Hahaha" ngisi at bawi nito.

"Haha, Shems, Jollibee lang yun naano ka pa, Sige hintayin ko yun ha! Ang daya, di man lang nagtira.!" pouty lips ko sa kanya sabay emote.

"Sus, daming alam Cass, Oh siya, bayad na yun. Ipakuha mo nalang sa guard house at alam kong bawal dito. Katakot pa namn si Jake. Tsk." kurot nito sa pisngi ko tsaka ako niyakap.

"Tignan mo aalis ka nalang, nananakit kapa. Hehe," tugon ko sa yakap niya.

"Hay nako, Cass, deserve mo yan kasi di mo ko kinwentuhan. Tinulugan mo kasi ako. Pero wag mag-aatubili na magsumbong sa akin ha. Itatago talaga kita kay Jake. Promise yan." pisil ulit nito sa pisngi ko.

"Ouch, OO na Mama Angel haha, guardian Angel talaga kita kahit kailan. Love you. Mwapss" akma kong ikikiss kaso may bumusina na sa labas.

Hudyat na andyan na si Mark, ang bf or fiance nito.

"Oh ayan na si Mark, Sige na gorabels na ako. Alam mo namn, bawal mainipin. Hahaha." paalam nito habang kumakaripas ng takbo pababa.

"Uy mag-ingat ka. Yung inaanak ko. Haha." biro ko dito.

"Lols, gusto ko sabay tayo hahah. Sge na Babye. Mwaps" sabay sara nito ng pinto.

Sakto naman ang paglabas ko ng kumakaway pa ito galing sa sasakyan.

Pumasok na ulit ako sa loob para hintayin ang pinagrab ni Angel.

Mga ilang minutes din ay nakarating na ito.

"Iha, delivery ata ito galing kay Angel." Manang Lucy

"Ay opo, hehe akin na po yan. Tara Manang hati tayo. Dali na!" alok ko dito pero tinanggihan niya.

"naku, wag na at baka antukin lang ako. Ikaw nalang mag-ubos niyan at mukhang kulang pa yan sa tingin ko hehe." ani ni Manang pero di ko ito pinansin.

"Sus, Manang. Sige kung ayaw mo, samahan mo nalang ako kumain. Kumuha ka nalang dun sa ref. Please Manang." pa puppy eyes ko dito.

"Itong batang ito ah. Ang hirap mong tanggihan. Hahha Oh siya, magkakape nalang ako at titignan nalang kitang kumain." sabi nito habang naghahanda na ng kape niya.

"Yehey, salamat Manang!"

Hinayaan lang ako ni Manang na kumain at mag drawing sa sketchpad ko.

Isa kasi sa mga gusto ko ang maging model or fashion designer. Pero kung di papalarin maging tailoring nalang. Haha.

Maya-maya ay nagbanggit si Manang.

"Oh, pagkatapos mo diyan. Umakyat ka na sa kwarto mo, dadalhan kita ng gatas para maging okay yang tyan mo. Okay!"

Tango lang ang sinagot ko dito. Alam namn narin ni Manang Lucy kung san ako natutulog ngayon kaya hindi naman ito nahirapan maghatid ng isang basong gatas.

" Thank you Manang."

Tango lang ang sagot nito. Hinintay niya munang maubos ang iniinom kong gatas bago ito lumabas.

Naggames muna ako para pampaantok.
Hanggang sa dinalaw na ako ng antok ay nakatulog narin ako.

********

*
*
*
*
*
*
*
Hello Everyone, I hope na magustuhan niyo din itong story.

Mababasa niyo na rin po ito sa Dreame ng mas updated pa sa updated at free lang..

Ps. Unti-untiin ko na pong mag-update dito.

Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon