Cassandra's POV
Lumipas ang buong araw na hindi namin nakita si Jade. Kinabukasan ay huling araw na namin sa Zambales kaya nag-enjoy na ang lahat sa pagswimming sa naturang resort.
Nauna ang mga bata sa swimming pool dahil sinundo ito nila Sam at Jared at sila muna ang magbabantay. Hindi rin kasi ako nakapagpahinga ng maayos dahil iniisip ko kung paano ko ba itatakas ang sarili ko kay Jade. Pati nga si Jake ay nastress na ata sa akin.
"Hon, nastress ka na ba sa akin?" tanong ko sa kanya habang nagbibihis siya, nakabihis na kasi ako para pumunta sa swimming pool kung nasaan ang mga bata.
"Hon, never akong mastress sa iyo. Baka kay Jade, Oo pa." hagikgik na sabi nito.
"Hindi kasi ako nakapag-enjoy ngayong vacation natin eh." natatawang sabi ko dito.
"Don't worry, marami pang next time ng hindi reunion ang pinupuntahan natin." tingin nito sa akin.
"Sabagay." ngiti ko sa kanya sabay himas sa tyan ko.
Pinipilit namin ni Jake na maging masaya kahit sa huling araw namin sa Zambales pero ewan ko ba, kahit itawa ko lalo lang napapalitan ng kaba ang nararamdaman ko.
"Tara na Hon, sunod na tayo sa mga bata." alok ni Jake.
"Sige." tayo ko.
Inalalayan niya ako palabas ng kwarto namin habang dala-dala niya ang mga pamalit ng mga bata.
"Okay ka lang ba Hon? Tulungan na kita." alok ko dito.
"Kaya ko na. Ako na magbitbit nito Hon." akbay niya sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya. Nang makarating kami ay napansin ko kaagad sila Jared at Sam sa isang stall, ang mga bata sa di kalayuan ganun din sila Mama at Papa.
"Kuya Jake, sensya na at naiuna na namin ang mga bata. Masiyadong excited eh." bungad sa amin ni Jared habang inaabutan kami ng juice.
"Okay lang iyon basta kayo ang susundo sa mga bata." sabi ko.
"Kain muna kayo Ate Cass." alok ni Sam sa amin.
"Sige." sagot ko sa kanya.
Kumain naman kami ni Jake at nagkwentuhan lang kami pero hindi nawawala sa mata ko ang pagtingin kila Manang at sa mga bata.
"Mommy!!! Daddy!!" sigaw ni Yuan.
"Si Cassy. Mommy!" sigaw ni Yuri.
"Mam Cassandra, Sir Jake. Tulong po!" sigaw ni Manang Lucy.
Nang marinig namin iyon ay nagsitayuan kami. Kahit buntis ako ay tila nagmamadali pa ako at hindi na inintindi kung basa man ang inaapakan ko o hindi. Pagdating namin sa gilid ng swimming pool ay katabi na ni Cassy si Jade. Si Yuan at Yuri ay nasa pagitan nila ganun din si Manang Lucy. Kapwa basa sila at umuubo naman si Cassy ganun din si Jade. Agad naman kinuha ni Jake si Cassy sa tabi ni Jade.
"Anong ginawa mo sa anak ko Jade." sigaw ni Jake.
"Tinulungan ko lang siya. Malay ko bang malulunod ang anak niyo." inuubong sabi ni Jade.
"Baka sinadya mong lunurin ang bata Jade." sabi ni Jared.
"Ano? Ako na nga ang tumulong ako pa nasisi, bakit hindi mo sisihin ang magulang tutal napakabayado naman." irap nito sa amin.
Nagulat naman kaming lahat ng biglang sinampal ni Jake si Jade. Natawa naman si Jade bago ito nagsalita.
"Tandaan mo ito Kuya Jake, wala akong ginawa sa anak mo. Baka magsisi ka." makahulugang sabi nito bago kinuha ang towel sa isang upuan at tsaka umalis sa harap namin.
BINABASA MO ANG
Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)
RomansHiding The Billionaire Child's By: Ayemgereysiyus Hanggang saan aabot ang pagtatago ni Cassy kung laging nagkikita ang landas nilang dalawa ni Jake Collin. Paano kaya niya masasabi rito na meron itong anak gayong hiwalay naman na sila. Paano nalang...