HBTC's CHAPTER 50

75 0 0
                                    


A/N: Warning SPG Alert.

-------------------------------------------

Cassandra's POV

Almost 2 hours kaming bumyahe ni Jake papuntang Playland Amusement Park. Hinayaan ko namang hawakan lang ni Jake ang kamay ko buong byahe. Nakatulog na nga ata ako sa tagal ng byahe namin. Ginising nalang ako ni Jake na nasa Playland Amusement Park na kami.

Naghahanap na siya ng parking lot at hindi ganon katagal ay nakahanap din siya agad. Bumaba na kami pareho at dumiretso sa Entrance ng Park para magbayad ng ticket. Pang all rides you can ata kinuha niya.

Pagpasok namin sa loob ay maraming tao. Naamaze naman ako dahil maraming pumupunta dito parang tulad lang sa Pilipinas. Iba-ibang tao nga lang makikita mo dito. May mga naririnig din akong nagtatagalog. Kaya natutuwa lang ako kasi pedeng may pagtanungan kung sakali na maligaw kaming dalawa ni Jake. hehe.

"Here." abot ni Jake sa isang bottle water.

"Thanks." tipid kong sagot.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Ang dami nilang extreme rides. Parang gusto kong itry lahat. hahaha. Kaya hinigit ko na si Jake sa coaster.

Habang papalapit kami ay naririnig na namin yung mga sumisigaw sa rides. Nakakaexcite tuloy hahaha.

"Dito tayo dali!" parang batang hila ko sa kanya.

"Are you sure? Mataas yan." takang tanong nito sa akin.

"Oo, sure na sure ako." hila ko lang sa kanya hanggang sa wala na siyang magawa at pumila na kami.

'itatry ko lahat itong rides dito hanggang gabi hahaha' sa isip-isip kong sabi.

Napatingin naman ako kay Jake na nakailang lunok na sa tabi ko.

"Itigil mo nga yan. Hahaha." seryosong tingin ko sa kanya pero natatawa naman ako dahil sa ginagawa niya.

"Huwag nalang kaya tayo dito." pigil nito sa akin.

"Ihhh, nakapila na tayo. 1st time mo lang bang sumakay?" tanong ko dito.

Tumango naman ito. Ahhh, kaya pala ayaw dahil 1st time pala. Kaya pala ng pumunta kami ng Star City nun kasama ang mga bata ay puro pang bata lang ang sinakyan namin.

"Sige, ipaparanas ko sa iyo lahat ng 1st time mo kasi 1st time ko din ito. Huwag kang KJ, minsan lang tayo makaranas nito. Dali na." pilit ko dito.

Hindi naman ako nakarinig ng sagot sa kanya kundi tumingin lang ito sa coaster lalo na sa mga nakasakay sa rides. Habang ako tumitingin-tingin pa sa paligid kung may makikita pa akong extreme rides hanggang sa nakita ko yung isang rides na parang tower. Mamaya titignan ko nga yung name nun. Target kita mamaya kapag natapos kami ni Jake dito.

Nang malapit na kami sa unahan ay napansin kong bumabagal ang lakad ni Jake.

"Jake, Ano? Ayos ka lang ba?"

"Yeahh, *gulp* I'm Okay" lunok na sabi nito.

"One ride lang dito promise!" taas kamay ko sa kanya.

"Alright. One ride lang." tangong sabi niya.

Natatawa nalang ako sa kanya kasi alam niyo yung siya naman ang nagdecide kung saan kami pupunta tapos ito siya ngayon kinakabahan na natatae na ewan. Hahaha. Ewan ko na lang talaga mamaya. Ako pa ang binalak mong mahalin ulit eh. Hahaha.

"Okay, just put your things here." sabi nung isa sa mga nag-aassist ng rides na lalaki.

Nilagay naman namin lahat ng gamit sa isang drawer. Kinuha ko yung phone ni Jake tsaka ko nilagay sa bag kong dala pati narin ang tubig nito.

Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon