Cassandra's POV
Nang nalaman namin na dito din dinala si Jade ay hindi na ako nagdalawang-isip na puntahan ito.
Pinabantayan ko muna ang mga bata kay Manang Lucy kasama si Mang Berto.
Nagpadala na rin si Jake ng mga body guard sa labas ng kwarto ng mga bata at maging sa kwarto ni Jade.
Pagpasok namin sa kwarto ni Jade ay natutulog lang ito.
May bandage din ang pulso nito na siyang dahilan siguro ng pagkitil niya sa buhay kani-kanina lang.
Tinitigan ko lang ito at doon ko nasilayan kung gaano kaaliwalas ang mukha ni Jade.
Hinawakan ko ang kamay nito. Nagulat na lang ako ng biglang yakapin ako nito.
"Sorry Ate Cass." iyak na sabi ni Jade.
"Shhh, your safe now." hagod ko sa likod niya.
"Sorry Ate Cass." paulit-ulit niyang sinasabi.
Sinenyasan ko naman si Jake na lumabas muna. Lumabas naman ito at muli kong binalik ang atensyon ko kay Jade.
"Shhh, Andito lang ako, Pwede kang magsabi sa akin kapag okay ka na. Makikinig ako." hagod ko sa likod niya.
Tumango lang ito sa akin hanggang sa mapagod siyang umiyak at muling nakatulog. Hinayaan ko lang itong nakatulog sa balikat ko.
Pumasok naman si Jake at ng makita nito ang sitwasyon namin ay hiniga niya ito ng maayos.
Muli kong hinawakan ang kamay ni Jade. Para kung sakaling magising man siya ay alam niyang nandito lang ako.
"Hon, I'm going to the kids room. Icheck ko lang sila then I will come back here." paalam nito.
"Sige Hon." pag-sang-ayon ko dito.
Hinalikan niya lang ako sa noo at kumawala naman ako sa mga kamay niya.
Ilang oras lang ang nakalipas ng magmulat si Jade at umupo ito. Tumingin ito sa akin at umiwas ng tingin.
"Why you're still here? Dapat iniiwan mo na ako. I'm the bad here." matigas na sabi nito.
"No you're not, I know you have a kind heart. Niligtas mo nga ang anak ko eh. Bakit kita iiwan?"
"Because I'm the evil here and also I am dirty." tingin nito sa akin pero may poot.
"What do you mean? Ano bang nangyari sa iyo?" takang tanong ko dito.
"Cassandra, Madumi na akong tao, Ang dumi-dumi ko na. Nandidiri na ako sa sarili ko, Hindi na ako magiging masaya tulad ninyo."
"Ano bang nangyari?" muling tanong ko.
"I was being rape. Binaboy nila ako, Cassandra." iyak nitong sabi.
"W-what? Who did this to you? They already know this?" pag-aalalang sabi ko.
"I'm rape Cassandra, that's why I hate all of you because Kuya Jake's mistress did this to me. They didn't know what happen to me because their busy doing stuff with YOU. They focus in YOU. Hindi naman kasi sila maniniwala kapag sinabi ko sa kanila ang nangyari sa akin dahil sa paningin nila, MASAMA ako." iyak na sabi nito." I didn't know kung sinong lalapitan ko. I'm too scared. Cassandra. I need help. I don't want this life. I want to change myself but how? Please, help me?" hawak nito sa kamay ko.
"I can help you, Hahanapin natin ang babaeng iyon. Magbabayad siya sa ginawa niya sa iyo, sa paninira ng buhay mo. We need to tell them what happened to you first. Sasamahan kita. Pasensya na kung nangyari sa iyo ito." yakap ko dito habang naluluha na ako.
BINABASA MO ANG
Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)
RomansaHiding The Billionaire Child's By: Ayemgereysiyus Hanggang saan aabot ang pagtatago ni Cassy kung laging nagkikita ang landas nilang dalawa ni Jake Collin. Paano kaya niya masasabi rito na meron itong anak gayong hiwalay naman na sila. Paano nalang...