HTBC's CHAPTER 23

168 0 0
                                    

Cassandra's POV

Pag-uwi ko sa bahay ay may nakita akong papeles. Binuksan ko kaagad ito at ng makita ko ay Divorced Paper.

Hindi, hindi maari. Paano na lang ako. Paano na ang mga anak ko.

Hindi na ako nakatulog dahil sa kakaiyak kahit pagkain ay hindi ko na nagawa.

Magdamag akong naghintay sa dalawa. Lalo na sa nalaman ko kahapon. Buo na ang desisyon ko na sasabihin ko ito kay Jake.

Mahigpit kong hinawakan ang pregnancy test na nakita ko isang linggo na ang nakalipas. Confirm nga na kay Steph ito.

Hindi ko akalain na lolokohin niya rin ang asawa ko. Kilala ko si Jake. Kapag nalaman niya ito panigurado na masisira din ang buhay niya sa mga kamay ni Jake.

Kung ako nga na asawa nasasaktan ni Jake, eh ano pa kaya siya na magkakaroon ng anak sa kapatid ng asawa ko pa.

Ilang minuto pa ang lumipas ng may bumusina sa labas. Pagcheck ko. Kotse niya.

Lumabas si Jake at tsaka umikot sa kabilang passenger seat para pagbuksan si Steph. Lihim man ay parang bumigat na naman ang dibdib ko dahil sa nakikita ko na naman silang masaya.

Huminga ako ng malalim bago ko ulit hawakan ang pregnancy test.

Papasok na sila sa loob ng salubungin ko ang mga ito.

"Ja-" pigil nito sa akin.

"Wait, I'm busy. Hahahaha" taas ng palad niya para patahimikin ako.

"Jake, niloloko ka lang niya." matigas kong sabi.

Bigla naman silang natigil sa tawanan nila at humarap ito sa akin.

"What?" pagtatakang tanong ni Jake.

"Niloloko kalang ni Steph." matigas ko pading sabi.

"Hey girl tss, matulog ka muna. I think hindi ka pa natutulog. Sleep ka muna girl!" biglang sabat nito.

"MANLOLOKO!" diin kong sabi.

"Tss, patahimikin mo nga yan Babe, inggit lang yan eh. Hahaha" sabay akyat nito sa hagdan.

Ang galing umakting na akala mo walang nangyari sa kanya kahapon. Iba din grabe.

"Alam mo, naiinsulto na ako sa iyo eh. Bakit hindi mo pa sabihin yung totoo Steph na Buntis ka!" agad naman natigil ng lakad si Steph pero ng makabawi ay pinagpatuloy nito ang pag-akyat sa hagdanan.

"Cass, mali yang binibintang mo kay Steph. Tumahimik ka." mahinahong sabi ni Jake.

"Hindi Jake, ito ang ebidensya." abot ko sa pregnancy test na may bahid ng sunog.

"Cass, baka hindi kanya yan o baka sa iyo yan para mapaghiwalay mo kami ni Steph. Magpahinga ka na sa kwarto mo." muling balik nito sa akin saka sumunod sa pag-akyat sa hagdanan.

"Jake, maniwala ka naman sa akin. Niloloko ka lang niyang babae na yan" turo ko kay Steph.

Nakuha namin ang atensyon ni Steph at ngayon ay nakikita ko ang nangngingit-ngit yang mga labi na anytime handa niya akong saktan.

"Stop it Cass, I trust Steph and she can't do what you accused her, okay." duro nito sa akin hanggang sa pareho na kaming nakaakyat sa 2nd floor ng bahay.

"No, No, Jake. I don't care, If you trust her but the truth is she cheated on you, also with Kuya Mike." iling at titig ko dito.

"Stop Cass, I'll trust Kuya Mike and Steph. Hindi nila magagawa sa akin yan." duro na sabi nito at hindi makapaniwala sa lahat ng kanyang naririnig.

Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon