Agad akong bumangon ng maramdaman ko ang sikat ng araw sa aking mga mata. Chineck ko kaagad ang phone ko pero lowbat na ito.
Inayos ko na ang aking sarili dahil nakatulog ako sa tabi ng anak namin.
Medyo giniginaw rin ako pero di ko ininda yun dahil kailangan ko narin umuwi at baka nag-aalala na rin sila sa akin.Parang pagod na pagod ako sa buong byahe ko dahil nakatulog na naman ako.
Papasok na ako ng gate ng maaninagan ko ang sasakyan ni Jake. Napangiwi tuloy ako ng maisip ko ito.
'Akala ko ba may business meeting siya sa US.' bulong ko sa sarili.
Agad akong nagmadali papasok ng mansion ng biglang nag-init ang aking pisngi.
*slap*
Nagulat ako sa pinakita niya, kinabahan din ako bigla. Madilim ang awra nito ng tumingin ako sa kanyang mga mata.
"San ka galing? Bakit hindi ka nagpaalam?" madiing hawak niya sa mga braso ko.
"nagpaalam ako kay Manang."
"SAAN KA GALING!!, wag kang magsinungaling at wag mong gawing rason si Manang!"
"bakit ba? Bakit concern ka, akala ko ba nasa US ka?" mahinahon kong sagot.
"YOU DON'T CARE IF I'M HERE, YUNG TANONG KO ANG SAGUTIN MO! WHERE DID YOU GO?!" Sigaw niya na lalong umaalingawngaw sa loob ng mansion
"Iho, galing siya sa anak niyo, bitawan mo muna siya, kailangan na niyang magpahinga" hawak ni Manang sa braso ni Jake
Pero pinanlisikan lang niya si Manang at tumingin ulit sa akin.
"Manang, baka nanlalaki lang itong p*kp*k na ito, at dinadahilan pa ang anak naming namayapa na" sabay turo nito sa akin.
*slap*
Nagpanting ang aking tenga ng marinig ko ang mga sinabi niya mismo sa bibig niya. Grabe.
"F*ck you Jake, sana inaalam mo yang sinasabi mo. Huwag kang magbintang ng kagag*han mo sa akin" duro ko dito.
Akma akong aalis ng sinabunutan niya ako.
"WHAT ARE YOU SAYING!" Jake
"IKAW ANG NAMBABAE Jake, hindi ako."
*slap*
"Tandaan mo Cass, hawak ko ang pamilya mo even you, kaya wag mo kong magaganyan. Your my Wife at kailangan mo lang gawin sa pamamahay na ito ay pagsilbihan ako at hindi iputan sa ulo, kahihiyan ka sa pamilya ko, pasalamat ka at pinaglaban kita na dapat hindi na, you burden my life! You're not like the old Cass I know, tsk disgusting! Mang Berto, start my car" Sabay talikod nito sa akin
"WIFE, WOW Jake, ngayon ko lang narinig yan, dapat nga ako ang mag reklamo, ako ang miserable dito, ako pa ang nababaliktad, kasalanan ko ba na ako ang asawa mo! HINDI, dahil ako ang pinakasalan mo. Asan na ba yung dating Jake na kilala ko, ikaw ang nagbago HINDI AKO! " sigaw ko sa kanya
Pero hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy siyang umalis.
Inaalo namn ako ni Manang paakyat ng kwarto.
" Naku, iha, magpahinga ka muna at inaapoy ka ng lagnat. Pagpasensyahan mo na si Jake. Maligo ka muna habang nag-aayos ako ng pagkain mo ng masabayan narin kitang kumain" Manang Lucy
Tango na lang ang ginawa ko kay Manang Lucy.
Saktong paglabas nito ang siyang paghagulgol ko ng iyak ng maramadaman kong mainit nga ako.
Sana tama si Manang na pagpasensyahan ko lang si Jake. Hindi ko lang matanggap na sa ilang taon namin pag-sasama ay mararanasan ko ang pagbuhatan ako ng kamay. Lalo pa at galing ito sa aking Asawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/317635588-288-k909903.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)
RomanceHiding The Billionaire Child's By: Ayemgereysiyus Hanggang saan aabot ang pagtatago ni Cassy kung laging nagkikita ang landas nilang dalawa ni Jake Collin. Paano kaya niya masasabi rito na meron itong anak gayong hiwalay naman na sila. Paano nalang...