Halos mag-isang buwan na si Mam Teresa sa mansion. Este ni Mama pala.
Tila hindi padin nababalik ang ala-ala nito sa kanyang pamilya.
Minsan ay nadadalaw siya ng magkakapatid. Mas madalas nga lang si Jared.
Kalimitan din nito akong kinakamusta.
Yung set-up ko naman sa pagtulog ay sa kwarto na ako ni Manang natulog ng tuluyan dahil mas gusto ni Jake na mapag-isa.
Minsan ko nang nahuli si Jared at si Mama na nag-uusap sa Garden. Parehas na seryoso ngunit may kalimitan ng pag-aaway kaso umaalis din ako kaagad. Baka isipin pa nila na tsismosa ako.
Balak ko na sanang matulog ng biglang..
"CASSANDRA! WHERE ARE U? “ sigaw ni Jake.
Agad akong bumangon kahit malaki na ang tyan ko. Lumabas sa kwarto patungong kusina.
"Bakit Jake?" salubong ko sa kanya.
"What is this again?!" sabay sampal nito sa akin.
Nagulat ako sa kanyang ginawa. Buti na lang ay nakakapit agad ako sa dulo ng mesa.
"Bakit, Jake? Anong ginawa ko sayo?" takang tanong ko sa kanya habang hawak ko ang pisngi ko.
"See" sabay hagis ng polo nito sa akin. "Bakit may sunog ng plantsa yan? Ilang beses ko ng sinabi na si Manang na ang magpaplantsa nyan. Kahit kailan napakat*nga mo!" sabay duldul nito sa ulo ko.
"Hindi ko naman sinasadya eh. Pasensya na. Papalitan ko nalang yan." garalgal kong sabi.
"ANO KA BA NAMAN CASSANDRA, YOU CAN NEVER CHANGE THAT. IT'S F*CKING BURN! SEE?!“
" Sorry na! Hindi ko na gagalawin mga gamit mo." hawak ko sa kamay nito.
"DAPAT LANG! TSS" taboy lang nito sa mga kamay ko tsaka umalis sa harapan ko.
Maya-maya pa ay biglang dumating si Mama Teresa.
"Oh, Nak, gabi na ah, bakit nadito kapa? Umiiyak ka ba?“ alalang tanong nito.
" Ahh, napuwing lang po ako. Ang hangin po kasi. "
" Mahangin? Eh hindi nmn mahangin dito sa kusina. Tsaka bakit sumisigaw si Jake? May nangyari ba? “ pag-aalala nitong tanong.
" Ahh, wala po. Hinahanap niya lang po ako. Ahhh, bakit po pala kayo nababa? “
“Ah, ganun ba. Narinig ko kasing sumigaw si Jake kaya nababa ako tsaka gusto rin kitang makita para sana hawakan ang tyan mo."
"Ah, ganun po ba. Pasensya na po at nagising pa kayo ni Jake."
"Naku wala yun. Tara ihatid na kita sa kwarto niyo para makapag pahinga ka na din at kaya ko naman na yung sarili ko." alok ni Mama Teresa.
"Naku MA, wag na po, kailangan po kayo na ang mag pahinga sa kwarto lalo na at gabi na po." pagtutol ko naman.
"Sige ganto nalang, Ipaalam kita kay Jake na sa kwarto muna kita matutulog. Okay ba sa iyo yun?" pamimilit nito.
"Sige po Ma," alalay ko naman dito.
Agad naman niya akong niyaya sa kwarto namin ni Jake at nagpaalam to.
*tok*tok*tok*
"Jake? Andyan ka ba sa loob?" tanong ni Mama.
"Yes Mom, I'm here. Why?"
"Can you open this door first before you talk to me like that." maangas na sabi nito sabay pisil sa kamay ko. Hawak parin kasi nito ang kamay ko pero,
Teka, bumalik na ba si Tita. Gantong-ganto siya dati.
BINABASA MO ANG
Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)
RomanceHiding The Billionaire Child's By: Ayemgereysiyus Hanggang saan aabot ang pagtatago ni Cassy kung laging nagkikita ang landas nilang dalawa ni Jake Collin. Paano kaya niya masasabi rito na meron itong anak gayong hiwalay naman na sila. Paano nalang...