Cassandra's POV
Dumilat ang mata ko na puro puti ang nakikita nito. Hinawakan ko ang ulo ko at sobrang sakit nito. Napatingin naman ako sa swero na nasa kamay ko.
'Nasa hospital ba ako? Anong nagyari?' pilit kong alala sa mga nangyari kagabi hanggang sa maalala ko na nabangga pala kami.
"Si J-jake, A-ang B-baby ko." tila kinakapos kong hinga.
Agad akong tumayo kahit masakit pa ang katawan ko ng biglang pumasok ang Doctor at Nurse kasama si Jared, Mama Teresa at Papa Reuel.
"J-jared, M-ma, A-anong nangyari kagabi? Si Jake, kamusta? Y-yung mga b-bata, l-ligtas ba?" utal-utal kong sabi dito. "Yung b-baby ko? Maayos lang ba?" buhos na iyak kong sabi.
Napabagsak nalang ako ng wala sa oras at buti ay naalalayan ako ng Doctor at Nurse. Nagsimula namang umiyak si Jared ganun din ang mag-asawa.
"Ate Cass, kumalma ka muna. P-please. " utal na sabi ni Jared.
"Paano ako kakalma kung yung mga anak ko baka nadamay, Jared, sagutin mo naman ako. Please. " yugyog ko dito.
"Cass, Please makakasama sa iyon yan." alalay ni Papa Reuel.
"Hindi Pa, S-sagutin niyo muna ako, Yung mga anak ko, nasan sila? Si Jake, Asan na!" hanap ko sa kanila pero hindi parin nila sinasagot ang tanong ko kung asan ang mga anak ko lalo na si Jake.
"Mrs. Collin, Please calm down, that is not good for you." banta ng Doctor habang hawak ako nito sa braso.
"N-no Doc, hindi niyo kasi ako naiintindihan. Hindi. Please. Please. sabihin niyo na sa akin kung nasan sila, gusto ko silang makita." hagulgol ko sa harap nila. "Bakit hindi niyo ko maintindihan?" iling ko sa mga ito.
Nakaramdam na lang ako ng pag-kaantok ng may sinasak sa akin ang nurse sa akin.
Gumising ako ng may humihimas sa mga pisngi ko. Pagdilat ko si Yuri ang nakita ko.
"Y-yuri?" tila namamalat kong sabi.
"Hi, Mommy." nakangiting kaway nito sa akin.
"Y-yuri?" muling pagkokompirma ko lalo na ng hawakan niya ang pisngi ko.
"Hi, Mommy your awake." hawak niya ulit sa pisngi ko sabay talon nito papunta sa mga kapatid niyang natutulog sa loob ng kwarto ko.
"Hey, Mommy is awake." sigaw nito sa mga kapatid niya.
Niyugyog pa ni Yuri ang dalawa para lang magising. Nang magising sila at naintindihan ang gustong iparating nito ay pare-pareho silang tumingin sa akin.
" Mommy, Mommy!" talong takbo ng mga ito sa gilid ko.
"Are you okay now mommy? Does something hurt you?" tanong ni Cassy habang tumutungtong sa upuaan para maabit ako. Umiling lang ako dito.
Dahan-dahan naman akong umuupo ng dumating si Glenda.
"Oh, Madam? Tulungan na kita, teka." sabi nito at mabilis binaba ang dala-dalang gamit.
"Glenda?" tingin ko dito.
Tumingin naman ito sa akin.
"Bakit Madam?" tingin nito sa akin habang inaalalayan akong umupo.
" Kamusta ang Team? Nadamay ba kayo?" unang tanong na lumabas sa bibig ko.
"Okay lang kami Madam. Ikaw ang kamusta ang pakiramdam?" alalang tanong nito.
"Hindi ko alam." yuko kong sabi at napahawak sa tyan ko. "Yung baby ko? Kamusta daw?" hawak ko sa mga kamay niya.
"Hindi ko pa alam Madam. Ngayon lang kasi kami nakabisita ng mga bata." paliwanag nito.
BINABASA MO ANG
Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)
RomansaHiding The Billionaire Child's By: Ayemgereysiyus Hanggang saan aabot ang pagtatago ni Cassy kung laging nagkikita ang landas nilang dalawa ni Jake Collin. Paano kaya niya masasabi rito na meron itong anak gayong hiwalay naman na sila. Paano nalang...