HTBC's CHAPTER 21

162 0 0
                                    

Cassandra's POV

Mabilis kong tinago ang pregnancy test sa bulsa ng dress ko.

Kahit na lumuha ay mas pinili kong maging matatag ngayon dahil sa tantya ko ay buntis si Steph.

Hindi na ako magtatangahan, buntis din ako at alam ko ang bagay na nakuha ko kani-kanina lang.

Maagap akong bumalik ng kwarto para itago sa drawer ang pregnancy test.

Lumipas ang mga oras ng may marinig akong huminto na sasakyan sa loob ng gareha. Parang.,, parang.., kay Jake ba iyon?

Agad akong kumilos para salabungin siya ngunit napag-isip ko na baka alam na niya o baka, hindi.,, baka hindi.,, teka bakit bumalik siya?

Napaatras naman ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa si.....

.

.

.

"Mang Berto?"

"Magandang tanghali Mam Cass." bungad na ngiti nito.

Tulala naman akong tumingin sa kanya.

"Mam Cass?" tapik nito sa balikat ko.

Agad naman nagising ang diwa ko sa pagtapik.

"Ahhh, ehh, Magandang tanghali din Mang Berto." ngiwing ngiti ko dito

"Okay ka lang po ba Mam Cass?" tanong ni Mang Berto.

Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at pagtataka.

"Aa-ahhh Opo, O-okay lang po ako Manong." tikhim kung pangungumbinsi sa kanya.

"Parang ang aga niyo po ata Manong na umuwi?" dugtong kong tanong dito kahit na may bakas akong pagtataka dahil sa maaga niyang pagbalik.

"Ahh, Yun na nga po, diba sabi niyo po kanina ay babalik ako ng maaga para kumuha po ng babaunin, Hindi po kasi ako nagdala dahil nagmamadali po kanina si Sir Jake tsaka si Mam Stephanie, buti na lang po at naalala ko po kung hindi baka magtampo po ang kaibigan ko dahil um-oo ho ako dun eh. " sabi nito dire-diretso.

Bigla naman akong napasapo ng ulo.

"Naku, Oo nga pala, pasensya na Manong Berto, Tara na at tulungan mo akong ihanda yung kakainin niyo ng kaibigan mo." pag-aaya ko dito.

Tinulungan naman ako ni Mang Berto mag-ayos ng kakainin nila. Muling ininit ko lang ang niluto kong ulam na adobo.

Nang maihanda na namin lahat ay agad din naman ng nagpaalam na umalis si Mang Berto para bumalik sa office.

Dumaan ang tanghali ng ako lang ang kumakain mag-isa. Normal life lang para sa isang buntis na katulad ko ng biglang may nagdoorbell.

Ayaw ko man tumayo dahil sa kalakihan ng tyan ko na kakapitong buwan lang ay mas pinili ko na lang din tumayo para salibungin ang tao sa labas.

Di ko ba alam, sa laki ng mansion ay walang katulong at security guards dito. Kaya nahihirapan tuloy ako. Hayys.

Pagkalabas ko ay nakita ko siyang kumakaway sa akin si..,,

.
.
.
.
.
.
.
.
.

Si Brylle.

Anong ginagawa niya dito?

Kumaway ito at muling nagdoorbell. Hayss. Andito na nga ako, nagdoorbell pa nga ulit. Lumapit naman agad ako dito ng may pagtataka ang mukha.

"Hi Cass, Good afternoon. Long time no see. Hahaha!" halakhak nito ng makalapit ako sa gate.

Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon