Cassandra's POV
Tatlong araw ko ng hindi pinapansin si Jake. Hindi naman nabago ang pakikitungo nito sa akin. Sumasabay na ito sa akin dahil baka nga mangyari na naman ang nangyari nung nakaraang araw.
Kasalukuyang nasa meeting ito at hindi ako sumama dahil inaasikaso ko ang business ko sa Paris. Inaaral ko pa kasi yung bagong design na ilalabas namin.
Through Video call lang akong nakikipagmeeting sa Paris para malaman ko padin ang update doon.
"Ito, okay na ba ito Glenda?" turo ko sa design ni Chimi.
"Yes Madam, that's okay na, pinag-aaralan na lang namin kung anong tela ang gagamitin sa damit." paliwanag nito.
"Sige, pasabi kay Chimi may meeting kami bukas para mapag-aralan ko ang tela na gagamitin sa design niya."
"Noted Madam."
"Alright, Pasend na lang ng soft copy. Our meeting dismiss." sabi ko dito.
"Thank you Madam, Bye." paalam nito
"Bye din." paalam ko din sa kanya sabay patay ko sa call.
Saktong paghilot ko ng noo ang siyang pagpasok ni Jake.
"Are you alright?"tanong nito habang palapit sa akin.
"Yeah, I'm okay." tingin ko dito.
" Can I borrow your phone?" tanong nito.
Inabot ko naman. May kinalikot lang siya sa phone ko tapos inabot niya na ulit sa akin.
"Here. Sabihan mo lang ako kapag gutom ka na." malamig na sabi nito.
Napatingin naman ako sa kanya. Kaya tumayo na ako. Saktong pagtayo ko naman ng may tumawag sa phone ko. Number lang kaya sinagot ko na.
"Hello?" tingin ko kay Jake kaya napatingin din sa akin ito.
"Hi, did you miss me?" sabi ng babae.
"Who are you?" takang tanong ko habang nakatingin kay Jake.
"Awwwww, parang nung nakaraan lang nagkita tayo. Nakalimutan mo na ako kaagad?" malambing na sabi nito.
"Teka, Stephanie?" kunot-noo kong sabi.
"Bingo. ahahahaha" tila bruha na sabi nito.
"Buti buhay ka pa? Sayang naman." tila nang-aasar na sabi nito.
"Hayop ka, Wala naman akong ginagawa sa iyo ah! Ano bang kailangan mo sa akin? ano bang kasalanan ko sa iyo? " hasik ko sa kanya.
Nakita ko naman na papalapit si Jake kaya pinigilan ko ito. Kaya habang kausap ko si Stephanie ay pumunta ako ng mag-isa sa conference room.
"Marami akong kailangang bawiin sa iyo Cassandra. Kung hindi naman dahil sa iyo ay hindi naman tayo magkakagulong lahat. Pakielamera ka kasi." bakas sa boses nito ang pagkagigil sa akin.
"Hayop ka, Wala naman akong ginagawa sa iyo. Bakit ka ba galit na galit sa akin?" pagtataas ng boses ko.
"Anong wala? Inagaw mo lang naman si Jake sa akin. Dapat magkasama parin kaming dalawa."sigaw nito.
"Ikaw ang nanggulo sa pamilya ko Stephanie, Kung hindi ka nagpakauto kay Mike hindi ka magiging ganyan kaya kasalanan mo yan."
"Manahimik ka! Walang hiya ka, Ang lakas ng loob mo para magdesisyon sa buhay ko!"
"Ikaw ang walang hiya dahil pati anak namin dinadamay mo sa galit sa akin. Magpakita ka sa akin at tayo ang magtutuos."
"Hindi mo na kailangan pang makita ako dahil magkikita tayo sa impyerno! Kaya humanda ka na. hahaha."
![](https://img.wattpad.com/cover/317635588-288-k909903.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)
RomanceHiding The Billionaire Child's By: Ayemgereysiyus Hanggang saan aabot ang pagtatago ni Cassy kung laging nagkikita ang landas nilang dalawa ni Jake Collin. Paano kaya niya masasabi rito na meron itong anak gayong hiwalay naman na sila. Paano nalang...