HTBC's CHAPTER 10

343 1 0
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa kwarto ako ni Manang natulog.

Maaga din kaming naghain ng pagkain.

Pumunta muna ako sa kwarto at nakita ko si Jake na mahimbing ang tulog nito.

Naligo kaagad ako ng maaga para kung sakaling magising man ito ay hindi ako maabutan at ang maabutan nalang nito ay agahan.

Mabilis naman akong natapos at nakaalis agad ng hindi man lang nagigising si Jake.

"Manang, tanong ko lang po, bakit kaya naging ganun si Jake? “ panganalumbaba kong tanong dito.

"Hindi ko din alam iha. Kaya siguro naging ganun yun ay magbuhat ng naaksidente si madam." punas nito sa pinggan.

"Pero hindi ko naman po sinasadya yun Manang. Si Mam Teresa naman po ang may kasalanan nun." paninimula ng pagbigat ng nararamdaman ko.

"Alam ko naman iyon. Pero ang idamay ang sarili niyang anak ay hindi katanggap-tanggap" pagdidiin ni Manang.

"Kaya nga po eh, kay tagal kong hinintay itong bagay na ito ay tila panloloko lamang sa kanya. Gayun namang napakabuti kong asawa." panluluha kong sabi.

"Naku, naiiyak ka na naman, kay aga-aga eh lumuluha ka. Bawal sa buntis yan kaya ayusin mo na ang sarili mo at gawing matatag ang sarili." pang-aalo niya.

"Hay naku Manang, nakakapanibago lang po kasi."

"Hindi bale at magbabago din naman ang batang iyan" balik ulit nito sa pagpupunas ng pinggan.

Tahimik lang kaming nag-uusap ng biglang dumating si Dad.

Teka, Ang Dad ni Jake yun. Kumabog ang dibdib ko ng tignan ko ito.

"Oh, iha, andito ka pala. Tila nakakita ka ata ng multo." ngiti nito.

"Ahh, ehh, Good Morning po Tito Reuel. Napadalaw po ata kayo." sabay takip ko sa braso kong may pasa.

Ayaw kasi nito na nakakakita ng pasa. Buti nalang ay nagpulbos ako kanina.

"Naku, talagang bata ito. Sabi ko tawagin mo nalang ako Papa, Anak naman na kita dahil asawa ka ng anak ko." muling ngiti nito na ngitian ko nadin.

"Ahmm, Sige po Pa-pa"

"Oo nga pala, balita ni Jared eh buntis kadaw?Totoo ba? Magkaka-apo na ba kami for Real?" biglang tanong nito.

"Ah,, ehh, Opo Pa, 4 months na po. Simula ng naaksidente si Mam Teresa, dun ko po nalaman na buntis ako." lungkot kong sabi.

"Buti naman kung buntis ka kung gayun. Dapat masaya ka at hindi malungkot" lapit nito sabay kurot sa pisngi ko.

"Hehe, kung ganun po sana kadaling ngumiti kaso si Jake po kasi." buntong hininga ko.

"Naku, wag mong pansinin yun. Basta ako, kami, andito palagi okay." sabay pat nito sa ulunan ko.

"Oo nga po pala, Bakit po pala kayo napadalaw? “ biglang ayos ko ng tayo.

" Ahh, oo nga pala, dinala ko ang Mama mo, Magbuhat kasi ng nagising ito ay ikaw na ang hinahanap. Hindi naman mapatahimik nila Jade at Mike. Kesyo daw ang ingay. " paliwanag nito.

"Ganun po ba. Pero,, Pa, Pasensya na kung ganyan ang nangyari kay Mam Teresa. Kasalanan ko po lahat kaya pati po si Jake ay may galit sa akin"

"Naku, kalimutan mo na yun. Ang importante ay gising na siya, mabuti nga at ikaw ang hinahanap. Nag-aalanganin ako kapag si Jade at Mike ang naalala. Baka lalo lang magkagulo. Hayss" buntong hininga nito.

"Mabuti nga po kung ganun."

"Naku, Tara na at baka naghihintay na ang Mama niyo. Bugnutin pa naman ngayon yun."

Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon