HTBC's CHAPTER 12

293 1 0
                                    

Cassandra's POV

"Cass, Uuwi muna ako sa amin. Tawagan mo lang ako kapag nagkaroon ng problema ha" hawak nito sa pisngi ko.

"Opo, Ma, Tatawag po ako"

"Wag ka nang umiyak, tsaka magpagaling ka ha. Hindi tuloy kita nasamahan pang magpacheck-up. Sinundo na kasi ako ng Papa mo." paliwanag nito.

"Okay lang po yun." sabay yakap ko dito.

"Nakahanda na ba lahat ng gamit Manang?" biglang sabi ni Jake.

" Opo Sir, nasa kotse na po ni Don Reuel ang mga gamit ni Madam" ani ni Manang.

"Honey, tara na." yakap naman ni Papa Reuel kay Mama Teresa.

"Sige, Hon." sweet na yakap nito kay Papa.

"Cass, dumalaw ka ha, pag di ka dumalaw ikaw ang dadalawin ko." biro nito.

"Opo Ma, dadalaw ako. Promise."

Kapwa hinatid na namin sila sa labas ng mansion para ihatid si Mama.

Muling yumakap si Mama sa akin bago ito sumakay ng kotse.

Nagpasalamat naman sa amin si Papa Reuel dahil sa pag-aalaga namin kay Mama.

Nang makaalis na ang kotse ni Papa biglang nagsalita si Jake.

"Don't be dramatic, mom has left, prepare yourself for the next few days. Your life will be miserable." sabay pasok nito sa mansion.

Kinabahan naman ako bigla lalo na sa mga anak ko.

Kahit kabado ay pilit kong nilakasan ang loob ko dahil alam ko na ang gagawin niya.

Agad akong pumasok ng kwarto namin kaso sa hindi ko inaasahan, naabutan ko siyang naglalaptop sa kama naming dalawa.

"Pack your things, bumalik ka na sa guest room." sabi nito.

Hindi man lang ito nag-abalang sumulyap sa akin. Mas gusto pa nitong palayasin ako sa kwarto namin kaysa alagaan kaming mag-iina.

Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya at ganto siya sa akin.

Ahh, oo nga pala, kasalanan ko nga pala kung bakit nagkaganto si Mama ngayon.

Isa-isang bumagsak ang mga luha ko habang nililigpit ko ang mga gamit ko.

"Huwag ka ngang umiyak, napakaarte. Tss" sinaltak nito.

Napakatraydor naman kasi ng mga luha ko.
Dala na rin siguro dahil buntis ako. Pero naiinis ako sa sarili ko hindi dahil sa magkakaanak ako. Naiinis ako dahil hinahayaan lang akong ganituhin ngayon ni Jake. Sana pala inisip ko muna ang sarili ko. Sana pala, noon na ako tumakas.

Nang matapos akong mag-ayos ng gamit, ginawa ko parin ang dati kong pakay. Iniwan ko parin ang mga gamit na binigay niya at dinala ko naman ang sarili kong gamit.

Pumunta ako sa guest room, nilagay ang dapat ilagay. Yung nga binili ko na damit pang baby. Hindi ko iniwan sa kwarto. Dinala ko yung mga iyon para kung sakali man. May damit siyang susuotin.

Mag-aanim na buwan na ang tyan ko pero hindi ko pa alam kung ano ang gender nito.

Tapos umalis pa si Mama ngayon para bumalik na sa bahay nila.

Haysss. Ano na naman gagawin ko. Hindi ko alam kung kailan ako maglalagi sa bahay na ito pero mahal ko kasi si Jake. Asawa ko ito. Asawa niya ako.

Kailangan kong gampanan ang pagiging asawa ko kahit kinamumuhian na ako ng asawa ko.

"Iha, andyan ka ba? “ katok ni Manang.

"Opo, andito po ako." sabay bukas ko ng pinto.

"Naku, andito ka na naman. Yan talagang asawa mo. Napakatigas ng ulo kahit kailan. Di bale, dito ka muna at hatiran nalang kita ng pagkain mamayang hapunan. Magpahinga ka muna dito at yung ibang pasa mo hindi pa nagagaling." pilit na pag-papaupo sa akin sa kama.

Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon