This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the production of author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or non-living, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a crime punishable by Law.
© All Rights Reserved 2022
-------------------------------------------
Ilang linggo na akong nakasubabay sa malayo nang makita ko siya na may kasamang iba.
Oo, asawa ako pero hindi ko kayang kumprontahin siya kasama ang bago niyang mahal.
Oo, alam ko na may babae siya. Ilang beses na ba simula ng ikasal kami. Pero hinahayaan ko lang kasi mahal ko eh. Siguro kasalanan ko dahil hindi kami magkaroon ng anak ni Jake. Siguro nga may problema ako.
Agad akong napatinggin sa gawi nila. Mukha atang nag-aaway sila kaya agad narin akong umalis. Plano ko lang naman talaga mamili sa supermarket. Ayaw kasi ni Jake na sa palengke ako bumili. Lagi kasi siyang nagagalit sa tuwing nagtatangka akong pumunta dun o kaya makita niya na iba ang mga pagkain sa loob ng mansion.
Muntik pa akong matalisod dahil sa pinaggagawa ko. Limit man na kumirot ang damdamin ko pero mas nanatili na lang akong tahimik na sa alam kong paraan.
Natapos rin akong namili at pumunta muna ako sa dept store para magtingin-tingin sa kid's section.
Muli kong sinulyapan ang mga damit ng baby at feeding bottle ng kumirot na naman ang aking puso sa tuwing naalala ko ang ginawa ni Jake sakin at lalo pa na wala kaming anak.
Sa loob ng limang taon ay nagtimpi ako, kahit ayaw sakin ng mga kapatid niya. Limang taon narin akong nagtiis sa mga panglalait ng mga kapatid niya. Siguro dahil hindi kami mayaman. Ewan ko ba at anong nakita ko kay Jake. Siguro nga dahil mahal ko siya. Ganun talaga kapag first love.
Muntik na ring kaming magkaanak ni Jake pero nakunan ako. Siguro dahil PCOS na meron ako. Pinipilit kong ikalma ang sarili ko dahil minsan nagbabago ang mood swing at nasasabayan ko siya sa galit. Pero alam ko sa sarili ko na marunong akong magtimpi kaya nananahimik na lang ako at siya naman ay aalis..
Pauwi na ako sa mansion. Hindi kasi ako nagpasama kay Mang Berto. Mas gusto ko padin mamasyal or mamalengke ng mag-isa kaya hinayaan na lang din ako ni Jake. Siguro dahil wala narin itong nararamdaman sa akin.
Agad akong dumiretso sa kusina at inabot ang mga dala ko kay Manang Lucy. Si Manang Lucy lang ang nagpaparamdam sa akin na ako ay mahalaga parin sa mansion. Tinuring niya akong tunay na anak dahil ang mga anak nito ay nasa ibang bansa na siguro dahil sa tulong ng mga Collin.
"Ako na dito iha. Umakyat ka na sa taas at ipapatawag na lang kita sa katulong kapag nakahain na ang pagkain" baling nito sa akin habang tinitinplahan ang sinampalukan.
Tango at yakap lang ang sagot ko dito bago ko siya tinalikuran. Marahan akong naglakad habang minumuni ko ang loob ng mansion paakyat sa kwarto.
Nanlalagkit narin ako kaya kumuha ako ng damit at dumiretso sa banyo para maligo.
Di rin naman ako nagtagal sa banyo at maya-maya pa ay tinawag nadin ako para kumain.
As usual. Wala na naman si Jake. Mag-iisang taon nadin na hindi kami nagsasabay ni Jake sa lamesa. Nakakalungkot dahil hindi ko na mahanap o makita ang dating kami.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat narin ako para gawin ang routine bago matulog.
Humiga na ako sa kama hanggang sa nakatulog na ako. Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin at nang tignan ko ay si Jake. Mapungay na naman ang mata nito at halatang lasing. Haysss
BINABASA MO ANG
Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)
Roman d'amourHiding The Billionaire Child's By: Ayemgereysiyus Hanggang saan aabot ang pagtatago ni Cassy kung laging nagkikita ang landas nilang dalawa ni Jake Collin. Paano kaya niya masasabi rito na meron itong anak gayong hiwalay naman na sila. Paano nalang...