HBTC's CHAPTER 52

74 0 0
                                    


Cassandra's POV

2 months na ang nakalipas ng may mangyari sa amin ni Jake. Nabalitaan ko na lang na pinahahanap niya ulit si Cassandra. Nasasaktan lang ako sa part na parang pinaasa ko pala siya ng mga oras na iyon.

Naging okay naman kami ni Jake ng makauwi ako dito sa Paris. Patuloy na nagpanggap na ako pa rin si Cassandra ng dalawang araw pero pinutol ko kaagad ang sim na nabili ko sa Canada dahil naisip ko na baka maaccess niya ang location ko.

Kada paggising ko ng umaga ay lagi nalang masakit ang ulo ko at hindi ko alam ang nangyayari. Baka sign of aging na. Medyo lumalabo na rin kasi ang paningin ko dahil puro events ako ng mga nakalipas na 2 buwan.

Kasama ang mga bata ay tinuturuan narin namin silang maging modelo ng YYC Company. Bumalik din kami ng Canada at pangako ko nga kila Geline at Nick ay kasama na ang mga bata. Nagkasunduan naman ang mga ito at nagkapalagayan ng loob. Kila Geline din kami nagstay 3 days dahil bawal na sa dati kong apartment.

Nabalitaan ko na lang sa kanilang dalawa na hinahanap nga daw ako ni Jake after 1 week kong mawala. Alinsunod sa napagkasunduan namin ni Jake na babalik ito ng isang linggo para dalhin na nga ako sa Pilipinas. Pero ng bumalik ako sa Canada ay 1 buwan na ang nakalipas ng mabalitaan ko iyon sa kanila.

Dali-dali akong bumangon sa kama para pumunta sa banyo. Nakaramdam kasi ako ng pagkalam ng sikmura.

Pinilit kong sumuka pero walang lumalabas idagdag pa ang sakit ng ulo ko. Baka minamigraine na ako. Inis akong lumabas ng kwarto ko at dumiretso na lang sa kusina ng bahay para paghandaan ang mga bata ng agahan.

Maaga kasi kaming pupunta sa office ngayon dahil may mga kakausapin akong mga tao. Pagkatapos kong maghain ay pumunta na ako sa kwarto ng mga bata para gisingin sila.

"Babies? Wake up na. Breakfast is ready." Sabi ko sa mga ito.

"Good morning Mommy!" bati ni Yuan sabay yakap nito sa akin. Ganun din ang ginawa ng dalawa.

Magkakahiwalay na sila ng mga kama dahil kahit papaano ay lumalaki na rin sila. Tinuturuan na rin namin sila na magtagalog para

kapag nagpunta kami ng Pilipinas ay makaintindi din sila ng mga sinasabi doon at kapag lumaki sila ay hindi sila mapagtripan.

Sabay-sabay naman silang pumunta ng banyo para magtooth-brush bago kumain. Sanay na rin naman kami na nalalate sa office dahil isa sa mga bata ay napagtitripan talagang magtagal sa banyo.

Nang makapag-almusal kaming apat ay isa-isa narin kaming naligo. Kasama ko naman si Cassy sa kwarto ko para doon maligo dahil kung maghihintayan kami lagi ay tumatakbo naman ang oras.

"Mommy, When po tayo babalik sa Philippines?" biglang tanong ni Cassy.

"Why baby?" tanong ko ditto.

"Nothing Mommy, I miss Tito Jake lang po because he not visit us. Always Tito Jared and Tita Samantha visit us in the office. "reklamo nito.

"Alright, I'll talk to your Tito Jake to visit us here. Maybe he was just busy so he didn't come here." Paliwanag ko dito.

"But I want to see him Mommy." Pilit nito sa akin.

"Fine, Video call is enough?" tanong ko dito.

"Maybe." Ngiti nito.

Napakamot naman ako ng ulo sa pinapagawa ni Cassy sa akin. Pinauna ko na itong maligo bago ako maligo.

Nang makatapos kaming lahat ay pumunta na kami ng office.

Nasa office na kami ng biglang dumating si Mrs. Tejano.

Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon