Cassandra's POV
Lumipas ang isang linggo matapos kaming ikasal ni Jake ay napagpasyahan na nitong umalis muna kaming dalawa sa mansion dahil gusto daw nitong magpahinga. Kaya pinagbigyan ko na at alam ko naman na mas excited ito sa honeymoon naming dalawa.
Hindi naging madali ang pag-alis namin papuntang cebu dahil sa nalaman namin na si Alexandra nga ay buntis. Although napakaaga kaso kita ko sa mata nila na ginusto nilang dalawa ang nangyayari ngayon.
Pumasok si Jake na nakahawak sa sintido nito kaya agad akong lumapit para tanungin ito kung anong nangyayari.
"What happened Hon?" yakap ko dito.
"I want honeymoon but I'm exhausted." halik naman nito sa akin.
"Bakit ka naman exhausted?" tanong tingin ko dito.
" I didn't know kung tama bang sabihin ko sa iyo ito Hon but I'm not ready." iyak kunwari nito habang nakayakap sa akin.
"Eh? Bakit? We have no choice to accept that. Tanggapin mo na na magiging lolo ka na. Hahaha." tawa ko dito.
"Hon naman." salubong na kilay nito.
"You know Hon, accept the truth, they loved each other, so what the matter if there's have a baby. Ako nga, kinaya kong dalhin ang tatlong bata kahit sinasaktan mo pa ako noon." bitaw ko sa kanya ng maalala ko ang araw na pinagbubuntis ko ang mga bata noon.
Masakit man pero kailangan ng kalimutan dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya kahit masama ang loob ko talaga sa kanya.
"Hon, I'm sorry, I didn't realize that you are so important to me. I will promise to you that you will never hurt again because of me." biglang yakap nito sa akin. Halatang bumabawi talaga sa akin ito. haha.
"Then accept them." tingin ko dito.
"I'm not ready." maktol pa rin niya.
"Your gonna accept them or sa sofa ka matutulog?" seryoso kong tingin sa kanya.
Matagal siyang nag-isip bago nagsalita.
"Hmmm, Fine. I have no choice." sabay bitaw nito sa akin tsaka pumunta sa kama para kumuha ng unan then pumunta sa sofa at tsaka umupo na parang bata na nagmamaktol. Kaya nagulat ako sa ginawa niya.
"Jake? Really? seryoso ka ba?" sigaw ko dito.
Tumango naman ito. Kaya ako naman ang nagtampo.
"Hmp, Fine, sa iyo na lang ang kama, doon ako matutulog sa kwarto ng dalawang bata. Bahala ka diyan." tingin ko dito bago ko siya nilayasan.
Narinig ko pa siyang tinawag ako pero hindi ko siya pinansin. Dire-diretso ako papunta kusina para kausapin sana si Manang Lucy at hindi pa ako nakakababa ay nakita kong lumabas si Cassy sa kwarto niya.
Naririnig ko padin si Jake na tinatawag ako hanggang sa bumungad naman sa akin si Cassy.
"Mom, Dad is too annoying. I have online class. You didn't notice that?" inis na bungad nito sa akin.
"You know Cassy, close your door and that's it. Don't ask me what's the problem kung bakit tinatawag ako ng daddy mo. Don't mind him." sabay alis ko sa harap niya.
Nakita ko naman na napakamot na lang ng ulo ito bago bumalik sa kwarto niya.
"Mom, why Dad is shouting?" bungad naman ni Yuan sa akin.
"Then talk to your Dad. Not me." tulad din ng ginawa ko kay Cassy ay nilayasan ko din ito.
Bakas sa mukha nila ang pagtataka pero ako, hinayaan ko lang.
BINABASA MO ANG
Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)
RomanceHiding The Billionaire Child's By: Ayemgereysiyus Hanggang saan aabot ang pagtatago ni Cassy kung laging nagkikita ang landas nilang dalawa ni Jake Collin. Paano kaya niya masasabi rito na meron itong anak gayong hiwalay naman na sila. Paano nalang...