HBTC's CHAPTER 47

72 0 0
                                    


Jake's POV

Palabas na ako ng kwarto ng makita ko si Cassandra na may katawagan. Sakto pa na nakahawak ito sa noo.

"What happen?" tanong ko.

"Nothing." bulong nito.

Tumango lang ako g biglang lumapit ulit ito sa akin.

"Ahmm, Jake, punta lang ako sa apartment ko. May kakausapin lang ako." paalam nito.

Hindi naman ako nagdalawang isip na payagan ito. Since sa kabila lang naman ang apartment niya.

"Okay." sabay ngiti ko dito.

Tumango naman ito bago siya umalis.

Pagkaalis niya ay dumiretso na ako sa kitchen para mag-luto ng almusal namin at ng babaunin niya.

Ginamit ko na yung binili niya kagabi.

I cooked omelet, fried carrots and corn, also I cooked fried rice for us but I prefer toast bread in the morning. I know that's a bit weird but it's really delicious when Cassandra prepares food for me.

When I prepare our food. I try to call her but her line is busy. I think hindi pa tapos yung tawag niya. Baka importante. So I ate alone and prepare her food in a lunch box.

After kong matapos ay naligo na rin ako. I use my black hoody jacket kasi feel ko nilalamig ako kapag lumabas na ako mamaya and kahit medyo masama pa ang pakiramdam ko ay kumilos ako. Mahal ko eh.

Pumunta ako sa apartment niya at nagdoorbell but no one came outside to look at me.

So I decide to go to the store where she works near here in our apartment.

Pero bago pa ako makapasok ay nakita kong inaaway si Cassandra ng kasama niyang bakla. Almost 2 weeks narin kasi akong bumibili dito para lang makita siya. Kilala ko narin sa gesture kung sino yung mga nakakasalamuha niyang kasama dito sa store. His name is Nicks and the other one is Geline.

Itong week lang talaga ako hindi nakapunta dahil hindi ko matanggap na ganun nalang ang desisyon ni Cassandra sa aming dalawa. Yes, I admit it. I actually burned our divorce papers so that there would be no evidence that she actually signed it, so we are still married until now.

I'm so much pain that time. 5 years akong naghintay para lang makita siya but her answer broke me into pieces. Kahit gusto ko siyang guluhin sa apartment niya, some other client is getting angry with me because I don't show up for the meeting eh mas pinili ko na lang na manahimik at magmukmok muna sa buong week na iyon.

Yung pakiramdam na buong buhay ko nasa trabaho lang ako, umaasa na makikita siya tapos sa isang iglap mawawala ang lahat. Haysss. Pero lahat ng pighati ko sa isang linggong pagpapahinga na puro alak ang kinakausap ay napawi lahat ng muling makasama ko siya kagabi. Lalo na ng gumising akong yakap-yakap ko siya. I feel heaven.

Dumiretso na ako sa harap ng store at nakita ko nga si Cass na parang humihingi siya ng pasensya sa kapalitan niya ng shift.

"I'm sorry Nicks, there something just happened last night. Please forgive me Nicks." hinging paumanhin nito.

"Fine, Give me handsome first before I forgive you." pagtataray nito.

"Lah, Are you serious? Fine. You'll wait." hamon nito ng pareho silang mapatingin sa akin.

Sakto kakabukas ko lang ng pinto. Kumunot naman ang noo ni Cass at napatingin sa akin. Tila malalim ang iniisip na hindi ko naman makuha sa tingin niya. Napatilt na lang ang ulo niya na tila may gumugulo sa isipan niya habang tinitignan ako kaya lumapit na lang ako sa kanilang dalawa.

Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon