HTBC's CHAPTER 60

126 3 0
                                    


Cassandra's POV

Nagplano ang pamilya ni Jake na magkaroon ng reunion ang pamilyang Collin. Hindi ko alam kung pupunta ba ako kasama ang bata dahil feeling ko iba ang pakiramdam ko. Baka kapag naglandas kami ni Jade ay saktan lang ako nito pero lalaban ako kapag mga anak ko na ang pina-uusapan. Kahit buntis ako ay kaya kong makipag-away sa kanya.

Simula ng ibalita sa akin ni Mama Teresa ang reunion ay parang nababalisa na ako. Hindi ko alam? Kaya ko naman humarap sa kanila pero ang makita ang dating kabit ni Jake na baka asawa ni Mike ngayon ay hindi ko alam ang gagawin. Yes, ang makita siya ay tila pasanin ko sa buhay hanggang ngayon at laging nakaakibat sa akin na baka kung ano na naman ang mangyari kapag nagkita silang dalawa ni Jake. Maraming gumugulo sa isip ko.

What if kung magkita silang dalawa ni Jake? Anong gagawin ni Jake? Isa lang naiisip ko kundi bumalik na lang sa Paris kung may mangyari na naman na hindi maganda.

"Hon, Ang lalim naman ng iniisip mo?" biglang sabi ni Jake sa akin.

"Ha?Ano iyon Hon?" tingin ko dito.

"Hon, may problema ba?" muling tanong nito.

"Ahhh, wala naman." buntong hininga ko.

"Are you sure?" tingin na nito sa akin habang may ginagawa siya sa laptop niya.

"Hmm" tango ko dito.

Nakita ko naman na binaba niya ang laptop niya sa side table ng kama namin. Lumapit ito sa akin at tsaka ako niyakap.

"Hon, I know you, kapag may gumugulo sa isip mo. Tell me, What it is?" lambing nito pero hindi naman ako nagsalita kundi ay nagbuntong-hininga lang ulit ako.

"About reunion ba?" biglang sabi nito na siyang kinatingin ko.

"Okay lang naman na hindi tayo pumunta Hon. No problem naman sa akin iyon. We can enjoy that day in different places if you want or if your not comfortable to attend that reunion. Mom will understand that besides matagal ko na ring hindi na nakikita si Mike and I don't care about him." paliwanag nito sa akin.

Nabanggit ko kasi ang nakaraan kay Jake lalo na kila Mike and her mistress. Jake explain everything but still I'm not comfortable lalo na nagbubuntis pa ako.

Napaisip naman ako bigla, parang nakakahiya naman na kami lang nila Jake kung sakali ang hindi pupunta. Parang ang selfish ko naman kung iniisip ko ang sarili ko. Matagal ko siyang tinitigan bago ako nagsalita.

"No, Hon. Pupunta tayo." hawak ko sa mga pisngi niya. "Ang unfair ko naman kung hindi tayo pupunta tsaka baka magwala si Jade kapag hindi ka niya nakita." paliwanag ko dito.

"Don't mind her. I already warn her. Hindi ka niya mahahawakan lalo na ang mga bata ng walang consent sa akin. If ever she hurt you, I will not hesitate to forget her. Even she is my sibling. "sabi nito sa akin.

"Don't do that because of me. You still know each other and you are still siblings." tingin ko sa kanya.

"Hon, kaya kong kalimutan ang lahat basta sa pamilyang binubuo ko ngayon. Tama na yung hindi kita nakita at ang mga bata sa loob ng 5 years lalo na at masusundan na ang mga bata. Hindi ko kaya. Ngayon ko lang maeexperience ang maging Ama nila at maging Daddy nila." yakap nito sa akin.

"Pero pupunta parin tayo." sabi ko sa kanya.

"Sige, kung yan ang gusto mo. We can do that." sabi nito sa akin.

Sumapit ang reunion ng pamilya ni Jake. Naganap ang reunion sa isang resort sa Zambales.

"Hon, are you ready?" tanong ni Jake sa akin habang nakaupo kami sa loob ng kwarto.

Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon