Cassandra's POV
Nasa kwarto ako ngayon ni Jake kung saan ang dati kong kwarto.
Tinitignan ang bawat paligid, bawat alaala ay muling bumabalik sa aking isipan.
May masaya pero mas lamang ang sakit.
Dumiretso ako sa library room niya at tsaka hinanap ang dapat hanapin.
Inabot din ako ng oras para mahanap ito.
Kumuha ako ng ballpen tsaka pinirmahan ito. Pagkatapos ay inayos ko ito sa harap ng mesa.
Kinabahan ako ng biglang may dumating na sasakyan. Kaya mabilis akong kumilos para umalis sa kwarto na iyon.
Pababa na ako ng hagdan ng makita ko si Manang.
"Manang, Sino po ang dumating?" tila habol kong tanong.
"Ahh, ehh, ichecheck ko palang dahil wala naman tayong hinihintay na bisita." sabi nito habang papunta sa pinto.
Maya-maya pa ay pumasok na din si Manang agad.
"Mam, andyan na po yung sundo mo."
"Sige po Manang, ihahanda ko lang po ang gamit." paalam ko dito.
Pumunta na ako ng kwarto para makuha ang mga gamit ko.
Sumunod naman si Manag para tulungan ako.
"Iha, mag-iingat ka ha. Wag mo kong alalahanin. Alagaan mo ang mga anak mo." hawak ni Manang sa mga kamay ko.
"Ikaw po ang mag-iingat Manang. Ingatan mo po sarili mo dahil si Jake lang po ang makakasama mo." hagod ko sa mga balikat niya.
Tumango lang ito.
"Huwag mong intindihin ang asawa mo dahil hindi naman ako sasaktan nun, Subukan lang niya at iiwan ko din siya." Pabiro nitong sabi.
"Manang talaga. Kahit kailan." yakap ko dito.
"Oh siya sumakay ka na at baka hinihintay ka na ng mga anak mo." pagtutulak nito.
"Opo." pag-sang-ayon ko dito at bago ako pumasok sa sasakyan ay muling sinulyapan ko ang buong mansion.
At si Manang Lucy.
"Salamat Nanay Lucy." at tuluyan na akong pumasok sa loob ng sasakyan.
Mabilis ang mga pangyayari. Tulala lang ako buong byahe hanggang sa huminto kami sa isang kilalang hospital.
"Mam, Andito na po tayo, Hatid na po kita Mam. May naghihintay na rin po kasi sa inyo sa loob." Sabi nung Driver.
"Ahh, ganun po ba. Sige po salamat. Sir."
Tinulungan naman ako ni Sir magdala ng gamit.
Pero bakit ganun? Diba dapat sa bahay, bakit dito?
Hanggang sa balutan na naman ako ng kaba.Nakapasok na kami sa sinasabi ni Sir. Iniwan na niya rin ako at naiwang mag-isa sa loob.
Hindi ako mapakali. Gusto ko ng makita ang mga anak ko. Hindi ko alam kung tatayo ba ako o uupo. Lalakad o kung ano pa. Kaya napagdesisyunan ko nalang tumingin sa pinto habang hawak-hawak ko ang aking mga palad.
Paano ko ba nalaman na buhay ang mga anak ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
*******FLASHBACK ********1 month ago
After kong magising sa isang linggong comatose ay napag-isipan kong pumunta sa nursery room ng hindi nila nalalaman.
BINABASA MO ANG
Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)
RomanceHiding The Billionaire Child's By: Ayemgereysiyus Hanggang saan aabot ang pagtatago ni Cassy kung laging nagkikita ang landas nilang dalawa ni Jake Collin. Paano kaya niya masasabi rito na meron itong anak gayong hiwalay naman na sila. Paano nalang...