HTBC's CHAPTER 26

312 1 3
                                    


Cassandra's POV

One month ago

Ang bigat ng pakiramdam ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Tanging puting kisame lang ang nakita ko.

Teka,

Agad kong kinapa ang tyan ko. Asan sila? Tumingin ako sa paligid ko. Si,,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
Si Nicole.

Unti-unti kong ginalaw ang daliri ng kamay ko.

Nakayuko kasi si Nicole sa mga kama ko. Sabihin nalang natin na natutulog ito habang binabantayan ako.

"B-baby Girl?" mahina kong sabi.

Pinagalaw ko ulit ang mga daliri ko papunta sa kanyang pisngi.

"A-ate Cass?" pupungaw-pungaw na mata nito at hindi bumabangon. Tila ninanamnam kung nanaginip ba siya or hindi.

"Hi, Nicole." muling sabi ko dito.

"Gising ka na?" biglang bangon niya.

Tumango naman ako ng biglang kumaripas ito ng takbo.

'Saan siya nagpunta? ' takang tanong ko sa sarili.

Inangat ko naman ang mga kamay ko sa aking bibig. Bakit may tubo ako? Anong araw na ba? Asan kaya ang mga anak ko.

Hindi ako makagalaw. Nahihirapan ako. Ang sakit ng tyan ko. Kaya napahawak ako dito nung biglang dumating sila Jared, Mama, Papa at Nicole kasama si Dr. Sophia.

Inasikaso naman ako ni Dr. Sophia. Tinanggal narin ang tubong nakakabit sa akin. Chineck niya naman ako kung kamusta ang pakiramdam ko.

Um-okay lang ako dito pero hindi mawala sa isip ko kung bakit hindi nila dala ang anak ko.

"Ma, yung anak ko?"

Hindi sila makapagsalita. Teka, wag nilang sabihin na.

"Pa, yung mga anak ko? Asan sila?"

Hindi din ito nag salita.

"ASAN BA ANG MGA ANAK KO?" hindi ko na napigilang sumigaw ng biglang

"AHHH, TSS," Supil kong paghawak sa tyan ko. Kumirot ito.

Mas lalo lang nangingibabaw ang pag-aalala ko na wala ang mga anak ko sa harapan ko. Pano na lang kung nagugutom na sila? Baka umiiyak na sila?

"Relax Mrs. Collin." Sabi ni Dr. Sophia.

"Doc, paano ako magrerelax kung hindi ko nakikita ang mga anak ko. Asan po ba sila?" tingin ko dito.

"I hope na hintayin na lang natin ang asawa mo. Para siya ang magsabi. Cassandra" singit ni mama.

"No, Ma. Hindi ako magiging komportable kapag wala sila sa tabi ko." seryoso kong titig dito.

"Please Cassandra, just relax okay." sabi ni Doc Sophia.

"No, I can't. Ano bang nagyayari?" takang tanong ko.

"1 week kang comatose ate Cass." biglang sabi ni Jared.

"A-ano? Ako na comatose? Teka, paano yung mga anak ko? Sino nag-alaga sa kanila?" tila naluluha kong sabi.

"Nagugutom na sila." dagdag kong sabi.

"Cassandra, I'm sorry to hear but you need to know if you won't to calm." ani ni Dr. Sophia.

"Hindi talaga ako kakalma Doc kapag wala ang mga anak ko. Where is them?" hawak ko sa kamay nito.

Lumungkot naman ang mukha nito.

"I'm sorry Cass but no babies coming back." biglang sabi ni Dr. Sophia.

Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon